Diana Lumipas ang mga araw at linggo, tuloy-tuloy akong nakaranas ng hindi maipaliwanag na morning sickness. Patuloy akong nagsusuka sa umaga, bumabaligtad ang sikmura ko, nahihilo, hanggang sa halos nilalagnat-lagnat na ako. "Tama na nga! Kasalanan mo 'to! Ayoko na!" sigaw ko kay Dexter kasabay nang pagtabig ko sa kamay niyang may hawak na basang towel. Muli na naman akong napahagulgol. Kanina pa niya ako pinupunasan sa buong katawan dahil mainit na naman ang pakiramdam ko. Plus, sumasabay pa ang paghilab ng sikmura ko, panlalata ko at bahagyang pag-ikot ng paligid ko. Para akong palaging babagsak. Nahihirapan na ako. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap ang magbuntis. Bakit feeling ko, 'yong ibang mga babae naman ay hindi ganito. Ako lang. "Okay, fine. Hindi na." Binitawan na n