Diana Mahabang sandali akong napatitig sa kanya hanggang sa makaisip ako ng ideya. "So? Ano naman ngayon kung pinaligaya ko ang sarili ko? Bawal ba? At least hindi ko 'yon ginawa kasama ang ibang lalaki. Baka ikaw d'yan ang nagpapaligaya kasama ang ibang babae." Taimtim kong sinalubong ang mga titig niya sa pagbabaka-sakaling mabasa ko kung magtatangka siyang magsinungaling o hindi sa isasagot niya sa akin. Mas lalo namang lumawak ang sarkastiko niyang ngiti habang nakatitig din sa akin. "Is it bad if I do that with another woman?" Napahinto ako sa tanong niyang 'yon kasabay nang pagpanting ng tainga ko. "I don’t have a girlfriend and most of all, I’m single." "Anong sinabi mo? Pero may anak ka!" hindi ko na napigilan pa ang mapasigaw sa galit na unti-unting umaahon sa dibdib ko.