~JC~
Limang araw na rin ang nakalipas nang ako ay ma-ospital. Ang tanging bumibisita na lang sa'kin ay si Ms. Morie. Nag-sorry na rin ito sa'kin sa ginawa ng kanyang anak. Hindi ko naman akalain na ikukuwento iyon ng anak niya sa kanya. Pero ayos na naman ang lahat.
Nandito ako sa kusina. Pinanonood si Andy kung paano magluto. Sa wakas! Hindi na ako bibili sa labas. Wala, e. Hindi ako nabiyayaan ng skill to cook. Pero magsasanay pa rin ako hanggang sa makuha ko.
"Ayos na ba?" Tanong ko. Naka-upo ako ngayon at hinihintay na matapos maluto ang spicy adobo ni Andy. May pagkahilig ako sa maanghang kaya gustong gusto ko nang kumain. Luto na rin naman ng kanin kaya ayos na.
"Malapit na, palalambutin ko na lang ang manok," anito ng hindi tumitingin sa'kin.
Sa limang araw na iyon. Nandoon lang ako sa ospital. Hindi ko nga alam kung bakit sinabi ni Ms. Morie na doon muna ako ng limang araw. Pumayag din naman ako. Kinumusta ko si Andy kung maayos ang tulog niya. At ayos naman daw.
"Luto na,"
Napatingin ako kay Andy nang magsalita ito. Ang sigla ng pagkakasabi niya. Ano kayang nangyari dito ng limang araw?
~*~ ~*~ ~*~
"MGA BATA!" Sigaw ko sa malaking pintuan dito sa bahay ampunan. Alas dos na rin ng hapon nang makarating ako dito at tanging si Aling Tecing lang ang naka-usap ko. Umalis na daw kasi dito ang mga tagaluto at tagalinis dahil makukulit na daw ang mga bata dito.
Dali-daling nagsitakbuhan ang mga bata papalapit sa'kin. Kahit hindi nila ako kilala ay ang saya-saya pa rin nila nang makita ako. Pinalibutan ako ng mga ito then they shout. "Happy birthday!"
Nagtaka naman ako kung bakit nila nalaman kung kailan ang birthday ko. Napatingin ako sa maindoor nang may lumabas na isang matandang kahit uugod-ugod na ay nakayanan nitong magbantay ng mahigit sa dalawampung bata.
"Kayo po ba ang nagsabi na birthday ko ngayon, Aling Tecing?" Tanong ko habang inaalalayan itong makapunta sa isang tent kung saan nandoon na ang mga bata at nakaupo na.
"Oo, hijo, ako nga. Ang akala mo ba ay makakalimutan ko ang isang makulit na batang kagaya mo?" Ani Aling Tecing at tumawa pa.
Napakagiliw na Aling Tecing. Kahit naman noong mga bata pa kami ay siya ang naging tagapagtanggol namin noon kay William. Nasaan na kaya ang bruhong lalaking iyon?
"Sino iyong nasa labas ng gate?" Tanong ni Aling Tecing.
Nagtaka naman ako sa sinabi nito kaya iniwan ko muna siya saglit at nagpunta sa gate. Then there, I saw Andy holding a large gift on his bare hands. Ang pulang balot nito ay nakakadagdag ng ganda sa regalong dala nito. Binuksan ko ang gate. "Bakit ka nandito?" Taka kong tanong.
Nagkamot ito ng ulo bago sumagot. "To greet you happy birthday at ito, oh," sabay abot ng regalo sa'kin. "Ang hirap maghanap ng maireregalo sa'yo at dahil may nahalungkat ako sa iyong mga gamit ay nalaman ko na rin kung ano ang mga gusto mo."
"So, pakialamero ka?" Pangaalaska ko rito. Tinitigan ko siya ng masama and he gave me a beam. My heart melt. Bakit ko ba siya sinabihan ng "pakialamero"? Ito na nga ang tumulong sa'kin at may dala pang regalo.
Ang tanga mo self!
"Sorry," hinging paumanhin ko.
"That's okay. Totoo naman, e. Nangingialam ako ng gamit nang may gamit," anito.
"Tumuloy ka na nga lang." Aniko at hinila siya. I felt some electricity with that single touch. Ngunit binalewala ko lang iyon.
Iginiya ko siya patungong tent kung saan nakahain ang mga handa. Ang swerte ko talaga. Wala man akong kinalakhang mga magulang, mayroon naman akong guardian na parang magulang ko na rin. "Pakabusog ka," aniko rito.
"S-salamat," he stuttered. Bagay na ngayon ko lang nalaman sa kanya. Why is he stuttered? Because of shyness? Or....
'Til four of the afternoon, I was thinking why Andy got stutter. Hinipan ko lang iyong mga kandila then I leave. Nagtungo ako sa puno ng mangga na katabi lang nitong bahay ampunan. Kahit nagkakasiyahan sila, ito ako.... nakatulala.... iniisip kung bakit iyon nangyari kay Andy. I know na anim na araw na kaming magkasama, pero may iba pa akong hindi nalalaman sa kanya. Kung saan siya nakatira, kung saan nga ba talaga siya.
"Hey, kanina ka pa diyan,"
Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Jake, isa sa mga kasama ko dati dito at inampon din ng mga mayayaman. Pero hindi katulad ni Carlo, hindi ito nagbago. Kita pa rin dito ang bait at galang sa isang tao.
Napasimangot naman ako nang maalala ang pangalan ni Carlo. 'Yung damuhong bakla na iyon.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Jake.
"Nothing. May naalala lang," sagot ko.
"'Yung bestriend mo 'yan 'no?" He asked.
I'm slowly nod. Marami namang nakakaalam na bestfriend ko si Carlo. Hindi ko nga lang alam kung nagbago ang mga iyon ngayon. Nagbago na kasing tuluyan si Carlo.
"Hayaan mo na siya," he said then tsked. I still have a chance na magbabago si Carlo. But.... when?
~*~ ~*~ ~*~
~ANDY~
"Ito, oh!" sabi sa'kin ng babae sabay abot ng isang hiwang beef steak.
"Hindi mo na kailangang gawin ito," I said coldly.
"Bakit naman hindi?"
"'Cause he is my boyfriend,"
I looked at the someone who said that I am his boyfriend. I smiled on my mind when I saw JC glaring at the girl. I heard the tsked of the girl but I don't mind. Masaya ako dahil nakita ko ulit si JC at niligtas niya ako sa babaeng iyon na halos kanina pa nangaalok ng beef steak.
"Hindi mo naman kailangang gawin iyon," aniko pagkaupo ni JC sa upuan na katabi ko.
"I need to," he said emotionless. Ano kayang nangyari dito? Bakit ang cold niya? May nangyari ba sa kanya habang nakatalikod ako?
I heave a sigh then I nod. "Thanks," I said.
"Kain ka lang nang kain," pang-aalok nito. Kita pa rin ang kalungkutan kahit ngumiti siya. Sigurado akong mahihirapan lang siyang solusyunan kung hindi niya ilalabas ang sakit.
Umiling na lang ako at itinuon ang buong atensyon sa pagkain. Ang hirap nang may dinadala. Then, someone enters on my mind.
~*~ ~*~ ~*~
"Ahm.. Bata? Anong ginagawa mo dito?"
"I'm lost," sagot nito.
"Ano 'yung 'I'm lost'?" Nagtataka kong tanong. Dito sa tribo, wala pang nakakapagsalita ng ibang lingwahe. Depende iyon kung may pinag-aralan ka.
"Nawawala ako," naiiyak na sagot nito.
Dahil sa wala rin akong kaalam alam kung nasaan ang kanyang mga magulang, ginawaran ko siya ng isang yakap. Yakap na nagpainit sa malamig na gabi.
~*~ ~*~ ~*~
Hindi ko siya kilalang lubos pero nang mayakap ko siya, bigla akong nakaramdam ng kaginhawaan.
Natapos akong kumain ng hindi ako nagsasalita. Iyon lang din ang sinaryo na pumasok sa utak ko. Bakit? Sino siya?
"Tapos ka na?"
I nodded for an answer. Alam kong si JC iyong nagtanong. "Uwi na tayo?" I asked him even though I'm not looking at him. I still looking at the plate I used. May kung anong bumabagabag na tanong sa'king isipan na ayaw naman ilabas ng aking bibig.
"Tara na," aya nito.
Tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan ko at nagpaalam na kami kay Aling Tecing na uuwi na.
"Ingat kayo, ha?" Pahabol ni Ale.
"Opo, Aling Tecing," we chorused.
~*~
~JC~
Pabagsak akong humiga sa kama. Nakakapagod ang araw na ito. Pero ang saya dahil nakita ko ulit si Aling Tecing at ang ilang kakilala ko. Pero si Trisha na kausap kanina ni Andy, hindi ko ka-close. At hindi ko rin alam kung bakit ko pa ito tinulungan do'n.
"Maliligo lang ako," ani Andy. Napatingin naman ako sa kanya dahilan para manlaki ang mga mata ko.
"Magdamit ka nga!" Sigaw ko dito. Kung hindi ka ba naman kabahan na ang isang lalaking ito ay tanging boxer brief lang ang suot!
"Maliligo nga ako 'di ba?" Pabalang na tanong nito.
"Nakakailang kaya!" Sigaw ko pa.
"Bakit? Parehas naman tayong lalaki!" Sigaw din nito.
Nag-init 'yung tainga ko sa sinabi nito. "Hin...di....a.....ko.....la....la...ki!" Sigaw ko dito at kada pantig ay tumitigil ako.
"Okay, ito na magdadamit na," sumusukong turan nito.
Parang nakonsensya ako sa sinabi ko kaya.. "oh siya, huwag na, basta paglabas mo, nakabihis ka na, okay?" Ani ko.
Nakita ko namang ngumiti ito. My heart felt as hot as hell. Bakit ako nagiinit ng ganito? Hindi naman ako malibog na tao pero nang makita ko ang kabuuan ni Andy. Mula sa medyo malagong buhok nito. Maaliwalas na mukha, isang malamang dibdib at anim na pandesal.
Naku po, gusto ko ng kape!
"Mamaya na kita ipagtitimpla,"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Andy. Ano daw? Mamaya? Ang alam ko pabulong lang iyon? "Hu-huwag na!" Sabi ko at iwinagayway ang kamay para sa pagtanggi.
"Alam ko, siguro..." he stop as he walked towards me. I swallowed, "gusto mo lang....." dugtong nito then he stop saying again. Dahil nga nakahiga ako sa kama, pumatong siya sa'kin dahilan ng pagtalong ng puso ko.
Labdub
Labdub
Labdub
Labdub
".......ma---' I cut him off by kissing. Pati ako nanlaki ang mga mata.
Habol ang hininga namin ng maghiwalay ang mga labi namin. But my heart can't stop pounding hard. Kita ko sa mga mata ni Andy ang lubos na kasiyahan. Pero iba ang sinasabi ng kanyang labi. Na parang gusto pa nito ang halikan.
"Hi-hindi ko sina---"
"What the f**k are you two doing?!" Sigaw ng kung sino sa likod.
Dahan-dahang umalis si Andy sa pagkakapatong sa'kin. Nakita ko si Maxwell na galit na galit. Ano na naman ba ang natira nito?
"Wa-wala," sagot ni Andy. "Wala kaming ginagawa," pagdepensa pa nito.
"It's all my fault." Sagot ko.
"Bahala nga kayo!" Sigaw ni Maxwell at umalis na. Gusto ko mang pigilan pero ayaw pa rin kumilos ng katawan ko. Nakahiga pa rin ako.
"It is start with a kiss and all has changed," Andy's whisper. Pero rinig ko pa rin iyon. Napatingin naman ako sa kanya. Kita ko ang disgusto sa kanyang pagkatao. Bakit siya naiinis? "Tangina, naudlot," he whispered again.
Nagtayuan ang mga balahibo ko. Bwiset na buhay 'to. I'm living with a pervert! Pero pogi.
"Argh!" I shout. Hindi pa rin ako makakilos. Ayaw talaga ng katawan ko. Ano ba 'to?
Ngumiti si Andy nang nakakaloko. 'Yung ngiting may binabalak. Napalunok ako ng laway. Katapusan ko na siguro. Madedehado ako dito. Bwiset! Lalo lang akong kinabahan ng tumalon si Andy sa kama at dinaganan na naman ako. Ang hot niya nga, ang manyak naman!
"Alis!" Paos na pagkakasabi ko.
"I won't," he said. Then my heart starts to beat louder than the earlier when he brushed my hair. "Ang cute mo pala sa malapitan kahit na may isa kang tigyawat." He said.
Nakatingin pa rin ako sa mga mata niyang nakatingin naman sa buhok kong sinusuklay niya. His husky voice makes my knee trembled. Hindi ko magawang itulak siya. Para akong nasa ilalim ng isang kapangyarihan na si Andy ang may kagagawan.
He kissed me. "W-why did you do this to me?" I murmured.
"It's because....." anito at tumayo na. "Maliligo na ako,"
Nang magtungo siya sa banyo, saka lang kumilos ang mga katawan ko. Parang may kapangyarihan talaga pero alam kong tao si Andy. Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa kusina para magtimpla ng kape. Nabilaukan yata ako sa anim na nagtitigasang pandesal sa tiyan ni Andy.
Muli, napailing ako. Ano ba itong nangyayari sa'kin? Six days pa lang! Paano pa kaya kung buong school year kami magkasama nitong si Andy. Ano na kayang mangyayari sa'kin? Siguro... wasak na ako!
Napangiwi ako sa naisip. Sumimsim na lang ako ng kape na ginawa ko. Sa sobrang lutang, nabuga ko ang kape.
"Why?" Tanong ng kung sino sa likod ko. Sino pa nga ba? Si Andy lang naman ang kasama ko dito sa bahay.
"Ang pait!" Parang pag-ibig. I said at isinaisip ko na lang ang nasa huli.
I heard him laugh. Kaya naman sinamaan ko ito ng tingin. "Bakit?" He asked but the smirk is written on his lips. "Kung ano-ano kasi ang iniisip mo." Ani pa nito.
"Ikaw kasi!"
"Anong ako?"
"It is started with a kiss!!" I shout.
~*~ ~*~ ~*~