~JC~
Hindi ako makapaniwala na nakita ko si Carlo dito sa school. Ang alam ko kasi ay nasa ibang bansa ito. Inampon ng mga Soledad. Pero ito na siya, kasama ko. At magkaklase pa kami.
"JC, ang saya ko dahil nakita ulit kita dito," sabi ni Carlo.
Nakangiti akong tumango sa kanya. Palabas na sana ako kanina nang mabangga ko ito. Pero ito na nga, kasama ko siya pauwi sa boarding house namin ni Andy. Sinabi niya kasing bibisita muna daw siya sa boarding house na tinutuluyan ko.
Habang naglalakad. "Saan ka na nga pala nakatira?" Tanong ko rito.
Tumingin naman ito sa'kin at ngumiti. "Sa five star hotel na pagmamay-ari ng mga umampon sa'kin," sagot nito.
Nagtaka ako sa sinabi nito. "You mean.... hindi mo tanggap na inampon ka nila?" Nagtataka kong tanong.
"Minsan, naiisip ko rin na tanggapin sila. Pero 'yung ginawa kasi nilang pagmigrate sa'kin sa US, hinding hindi. Naiwan kasi kita dito at gusto kong kasama ka," sagot nito.
Natuwa naman ako sa sinagot nito. "Kaibigan nga kita," ani ko at binuksan ang gate ng boarding house.
From the front of our boarding house, I saw Andy sweeping the ground. Nasa tapat kasi ng boarding house namin ay ang malaking puno ng Narra kaya malamig doon. Naramdaman ko namang kinurot ako ni Carlo. I looked at him and I saw him staring at Andy? Si Andy nga ba ang tinititigan niya? Okay lang sa'kin iyon, huwag lang ang Maxwell ko.
Walang iyo!
"Gwapo," anito.
"Sino?" Taka kong tanong. Nakita ko kasi si Maxwell na nakaupo sa balkonahe kaya napatanong ako.
"'Yung naka-upo,"
Nag-init 'yung tainga ko sa narinig. Si Maxwell lang naman ang tinutukoy niya. Kung hindi ko lang ito kaibigan, inihagis ko na ito palabas. Payat pa naman ang isang ito.
"Hi," bati ni Carlo. Umayos naman ng tayo si Andy at napatayo din si Maxwell and from nowehere, Maxwell's lips curved an arc. Mukha na kasing babae si Carlo kaya naman ganito ang appeal niya sa ibang lalaki. Gaya nang kay Maxwell. Pero si Andy, I blushed when I saw Andy staring at me like there's no tomorrow.
Nag-iwas ako ng tingin. Bakit ganito? Parang dumadagundong na naman ang aking talipandas na puso. Naalala ko na naman ang aking mga magulang. Totoo kayang wala na sila? Kung wala na sila, sino ang hahanapin ko?
"Pst!"
Nagbalik ako sa katinuan dahil sa sinabi ni Andy. Napatingin naman ako dito. Inangat ko ang tingin ko dahil hanggang dibdib lang ako nito. "Bakit?" Tanong ko.
"'Di ba, bawal magpapasok ng babae dito sa boarding house na ito?" Tanong nito.
"Oo, alam ko iyon. Saka hindi naman babae iyan, e." Ani ko at itinuro ko si Carlo upang pasakitin lang ang aking mga mata. Nakita ko kasi itong pinaiikot ang necktie ni Maxwell at si Maxwell naman at nakasandal sa tabi ng pinto. Kumulo ang dugo ko. Ayaw ko pa naman ay ang ganitong senaryo.
"Hmm, I think, you've been inlove with Maxwell," anito.
Napatingin naman ako dito na may kasamang pangungunot ng noo. Ang bilis niya namang mabasa ang iniisip ng isang tao. Confident na confident pa ito sa sinabi. "Why did you know?" I asked him.
He tsked. "Ang ganda naman niyang bakla," anito at tumingin kay Carlo.
Tama sila, maganda nga si Carlo. Parang modelo sa isang magazine. Paano naman ako? Isa akong tagong bakla na may tigidig pa sa mukha! Ang unfair ng mundo! And unfair ni Lord. Pero alam kong may ilalaan siya sa'kin na kayang pakisamahan kung ano ang ugali ko.
"Oo nga, talo pa niya ang modelo," I said from nowhere.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Masama pa yatang sinama ko dito si Carlo. Tumakbo ako papasok sa loob. Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Andy at nagaatubili akong umakyat. Ibubuhos ko na lang sa kwarto ko ang nakita ko kanina.
~ANDY~
Alam kong may nararamdaman si JC para kay JM. Alam din naman ni JC na lalaki ito kaya bakit niya pa pagaaksayahan ng luha ang lalaking mananakit sa kanya? Kahit kanina ko pa lang siya nakasama ay gumaan na ang loob ko. Kung pwede lang sana na sumandal siya sa balikat ko habang umiiyak.
Nandito ako sa labas ng kwarto namin. I heard him crying. Paos na siya. Hanggang sa may marinig akong naglalakad pataas. I turned back and I saw JM and the gay na kasama ni JC kanina.
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ng bakla.
Nagkibit balikat lang ako at nilagpasan sila. Bumaba ako at tumungo sa kusina. I opened the fridge and I get some beers. Mag-iinom muna ako. Tapos na naman ako sa gawaing bahay.
Umupo ako sa upuan na nasa kusina at nilagay ko sa counter ang tatlong beer na kinuha ko. Hindi pala alam ni JC na bumili ako ng beer noong nag-enroll siya. Nagsimula na akong uminom.
Kapag may oras na napapapikit ako ay rumirehistro ang maamong mukha ni JC. Kumusta na kaya siya? Naibuhos na ba niya lahat? Hindi pa rin bumababa ang dalawa kaya alam kong pinakikinggan pa nila ang pag-iyak ni JC.
Napakamot ako sa baba. Ang kasama ba ni JC ngayon ay ang batang bakla na katabi niya sa picture? Hindi kasi malayo dahil nandoon pa rin ang pagkapayat nito. Ang kwela nitong ngiti. I took a deep breath. Naalala ko na naman ang kaibigan kong si Blythe noong bata pa ito. Hindi kasi nito mahahanap ang kapatid dahil nga sa bata pa kami noon. Siyam na taong gulang siya noon at ako'y lima lamang.
Napatingin ako sa hagdan ng may sumigaw. "LUMABAS NA KAYO!!" Sigaw ng pamilyar na boses. Si JC. Hanggang sa narinig ko ang maraming yabag na pababa ng hagdan.
Ang hirap kasi sa'yo JC, e. Masyado mong ina-attach ang sarili mo sa iba.
Nakita ko naman si Maxwell na may malungkot na ukit sa kanyang mukha. At ang kaibigan ni JC na nakangiti pa rin at parang walang problema. Parang plastikan na iyon, a? I sigh.
Napatingin naman ako sa taas nang may biglang bumagsak. Kahit medyo hilo, nagmadali akong umakyat to see what happened. Pinihit ko ang pinto at nilabas niyon ang ulo ni JC. Napaluhod ako, natataranta na ako pero gumagawa ako ng paraan to calm myself. Ano ba itong pinasok mo JC?
~JC~
~*~
"Dapat hindi na lang kita nakita!" Sigaw ko kay Carlo. Nanghihina na ako, nakaluhod sa kanya. Nagmamakaawa na ibigay sa'kin si Maxwell.
"Salamat nga at nakita kita, e, kung hindi, wala akong Josh," mataray na wika nito.
"A lost will be foundnd. Ang akala ko ay masaya akong makikita kita, pero nagkamali ako. Dahil ang binigay mo sa'kin ay hindi kasiyahan kundi kasakitan. Ang sakit!" Aniko. Napahagulgol na ako habang sapo sapo ko ang aking dibdib, naninikip na ito.
"Sorry ka, mas maganda kasi ako kaysa sa'yo," mataray na sambit nito at nag-walk out. Napasandal ako sa pader. Bakit ganito? Bakit ako ginaganito ng taong importante sa'kin? Patapon na ba ako? Isa na ba akong basura?
"Siguro kaya ako ganito dahil una, pangit ako, pangalawa, walang nag-aaruga sa'kin at panghuli, isa nga akong basura na kapag nabulok na ay itatapon na lang.
I felt sorrowful, grabe ang sakit na nararamdaman ko kaysa sa sakit na mayroon ako. I don't know what to do.
Unti-unting dumidilim ang paningin ko, tama na siguro ito. Ito na ang tamang panahon na ma----
~*~
"JHAY CEE!!" Napadilat ako ng marinig ko ang mezzo sopranong boses.
"Anong nangyari?" I almost murmured. Napatingin ako sa baba. Nakahiga ako, nakakumot na puti. Nilibot ko ang paningin ko, nasa ospital pala ako. Teka, ano bang nangyari sa'kin at bigla na lang akong napadpad dito?
"Hinimatay ka. May heart failure ka pala. Dapat hindi ka nai-stress," Sagot nito.
Naisip ko na namang ang panaginip ko. Acutally, hindi iyon ang nangyari sa'min.
~*~
Narinig ko na lang na may naglalakad papuntang kwarto ko. Hindi pa rin ako natigil sa pag-iyak niyon. Matagal ko nang gusto si Maxwell at dahil alam kong wala akong pag-asa dahil isa lamang akong ulila plus bakla, hindi ko na lang sinabi. Pero makikita ko na lang na ang bibihag sa puso ni Maxwell ay ang baklang kasing ganda ni Carlo.
Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak kahit naririnig ko silang nag-uusap sa labas.
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ng pamilyar na boses. Kung magtatanong si Carlo sa labas, ibig sabihin ay hindi lang siya mag-isa.
Wala na akong narinig na ibang salita. Kaya napaluhod na lamang ako. Bakit kaya ganito? Ang unfair. Napalingon ako sa pinto nang may kumatok. Kahit alam ko kung sinu-sino iyon ay naglakas loob pa rin akong buksan iyon.
I saw Carlo and Maxwell. Malungkot na mukha ang nakikita ko kay Maxwell samantalang parang wala lang ang nangyari sa'kin ng tignan ko ang itsura ni Carlo. Mukha pa nga itong masaya. I sigh then asked, "ano pang ginagawa niyo dito?"
"Sorry," Carlo said from nowhere. Nakatingin ito kay Maxwell. Sa'kin nga ba siya humingi ng sorry? Kahit na ba mag-"sorry" siya ay hindi ko pa rin siya mapapatawad.
"Sorry," ani Maxwell. I looked at him and I saw the sincerity on his face. Buti pa siya. Then, more seconds later, I felt like I'm dizzy. Nagiging apat na ang nakikita ko sa harap ko.
"Ano bang kasalanan niyo?" Tanong ko. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko kahit alam kong babagsak na ang luha ko pati ang mismong katawan ko.
"W-wala," sagot ni Maxwell.
"'Yun naman pala, e. LUMABAS NA KAYO!!"
Napatingin naman sa'kin si Carlo. I made my face expressionless to hide my joyless eyes, lips and even my heart. "S-sige," ani Carlo. Then he pulled Maxwell to go downstair. Nang hindi ko na sila makita, sinara ko na ulit ang pinto at sumandal dito. bakit ba ganito? Naiiyak ako pero hindi ako nakakaramdam ng sakit.
Hanggang sa......
~*~
"Natulala ka na?" Tanong ni Andy.
"Ow sorry, may naalala lang," sagot ko at ngumiti.
May iniabot siya sa'king binalatan nang mansanas at hiniwa sa apat. My heart pounds. What is that? Kinuha ko iyon and I thanked to him. He nodded. "Ubusin mo iyan." Ani pa nito.
I nodded. Buti pa siya maalaga sa'kin. Saan nga pala ito nagpunta kahapon? "Saan ka nga pala kahapon?" Tanong ko.
"Kanina, gabi pa lang ngayon," pagtatama nito. Nakaramdam ako ng hiya. Kanina lang pala. Akala ko gabi na ako hinimatay. "Hindi ka pa nga kumakain ng tanghalian at hapunan, e." Dugtong nito.
"Sorry, ang dami ko lang talagang iniisip--"
"Isa lang naman ang iniisip mo, e. Iniisip mo kung mamahalin ka ni Maxwell sa kung ano ka,"
I felt sadness. Tama siya, iyon nga lang ang tanging iniisip ko pero parang ang dami na dahil lahat ng tanong ko ay na-stock sa utak ko. Hindi ko pa alam kung ano ang mga sagot doon na tutugma sa nararamdaman ko. "Tama ka, siya nga lang," pag-amin ko.
"Kung ilibang mo iyang sarili mo sa ibang bagay."
"Gaya ng ano?"
"Ahmm," he said. Kinamot nito ang baba na tila ang-iisip ng isasagot. "Playground o sa liwasan. Ang dami mong pwedng puntahan na libangan pero hindi mo ginagawa."
"Sorry naman," aniko.
Simula bukas, ililibang ko na ang sarili ko sa ibang bagay. Gaya ng pagpunta ko sa bahay ampunan kung saan ako nagkaroon ng huwisyo. Gaya ng pagpunta sa playground kung saan masaya ako. Sa park kung saan maraming tao ang dumadaan. Sa bukid dito sa tapat ng boarding house. Sa ilog dito sa likod naman ng boarding house. Marami pala akong pwedeng libangan pero f-in-ocus ko lang ang sarili ko sa isa- kay Maxwell.
Babaguhin ko na ang pananaw ko simula ngayon. Lagi na akong ngingiti. Wala ng pait. Iisipin ko na lang ay kung paano ko mahahanap ang mga magulang ko. Another libangan ko iyon. Kasama ko si Andy Liberal na kanina ko pa lang nakakasama pero parang matagal na.
~*~ ~*~ ~*~