Chapter 19: Remembered

1512 Words
~JC~ Now, I'm alone. At sana kung saan man magpunta si Andy ay maalala niya ang pinagsamahan namin kahit na magkaibigan lang kami. "Oh, tulala ka na naman diyan," ani Jin. Si Jin ay minsan ko lang makasama. Sinasabi niya na nga na dito na siya tumuloy at wala pa akong respond do'n. "Wala ito, masyado lang akong nabigla." Ani ko. Kahit ilang araw nang wala si Andy ay hindi ko pa rin malimutan ito. Nang uwian namin ay nauna na siya. Iyon ang araw kung kailan nakita niya kami ni Jorris at Jerick. Sinundan ko ito at nang makarating kami sa aming boarding house ay wala na ito. 'Di ko alam kung galit ito sa'kin dahil wala man lang paalam. But one thing is certain, I know na uuwi ito after his sitting in. Pero hindi pa tapos iyon. "Huwag ka ngang umiyak diyan. Ngayon, nahihinuha ko na mahal mo talaga ang lalaking iyon." Ani Jin kaya nilingon ko ito. I swiped my tear and smile. Am I already fall for him? Ngayon, totoo na 'to. Mahal ko na nga ang isang iyon. Bakit ko iiyakan ang isang tao kung hindi nagkaroon ng malaking parte sa buhay ko. "Pakawalan mo na kasi siya----" ~*~ "Hindi kita bibitawan, AA," Ani Ice. "Bitawan mo na ako para hindi ka madamay," wika naman ni Andy dito. Ayaw niyang mawalan siya ng kaibigan. Ayaw mawalan ng kaibigan si Ice. "Mapapahamak ka pa kapag hindi mo 'ko binitawan," wika ulit ni Andy. Unti-unti nitong inaalis ang mahigpit niyang pagkakakapit. "'Di ba, sabay pa tayong lalaki? Sabay pa tayong tatanda at sabi mo, sabay tayong mangangarap. Pareho nating tutulungan ang isa't isa. Tutulungan mo 'kong bumangon kapag nadapa ako. 'Di ba sabay nating isinumpa ang mga katagang iyon. Parehas pang nakataas ang ating kanang kamay." Umiiyak na sambit niya. Lalong hinigpitan ang pagkakakapit dito. "Kahit anong sabihin mo, hindi niyon masosolusyunan kung nasaan tayo ngayon. Nakahawak ka na lang sa isang maliit na sanga na maaring maputol anumang oras. Kung bibitawan mo 'ko, maliligtas ka at maipagpapatuloy mo ang pangarap nating dalawa." Mahabang litanya ni Andy. Hirap na hirap na itong intindihin si Ice. Rinig na rinig nila ang malakas na ragasa ng ilog. Kulay tsokolate ito dahil kakatapos lang ng bagyo. Naglaro sila kanina at nang madulas si Ice ay tinulungan ito ni Andy. Pero pareho silang dumausdos sa maputik na lupain at kung nasaan na sila ngayon. At dahil sa kakulitan ni Ice ay nabali na nang tuluyan ang hinahawakan nila. Parehas silang sumigaw at bago sila bumagsak sa ilog, may katagang sinambit si Andy. "Hindi kita makakalimutan, sweetheart," ~*~ I don't know what to say. Bakit ko naalala ang mga iyon? Hindi ko alam kung totoo iyon o isa lang sa mga panaginip ko na muling nagising. I remembered the time when I was five years old. Five years old nga ba ako ng mga panahong iyon. "Ano na naman iyang nasa isip mo, aber?" "I remembered who I am in the past. It's really difference for who I am now." I said sadly. Those tears fell into my chicks. "Past? 'Di ba sa ampunan ka lang noon? If you were five years old, you have a lot of friends at orphanage. And who was the one you're thinkin' of?" He asked. "Wala doon. I remember those smiles. Those promises. Those stares. Lahat iyon namiss ko sa isang tao." 'Di ako makapaniwala na sa dinami-dami ng taong makakasama ko ay si Andy pa na parang naging parte ng nakaraan ko. Kaso malabo pa iyon kaya 'di ko pa alam kung siya nga ba talaga iyon. May pagkakahawig sila ni Jorris, aristocratic nose. Thin reddish lips. Hazel nut brown eyes. Heart shape face. "Wow, kanina ang lungkot mo tapos ngayon kumikinang na iyang mga mata mo. Sabihin mo nga ang totoo, may kung ano bang dumi 'yang utak mo?" Pangongonsola ni Jin. I rolled my eyes. "Heh! Namomoment ako dito." Maarteng wika ko. "Kaartehan mo." Anito na tumatawa. "Saka mo 'ko artehan kung marunong ka ng magluto," he chuckled. "Heh!" Nasambit ko na lamang. Pero..... panandalian lang iyon. I was remembering the time with someone named "AA". Totoo bang nangyari iyon sa'kin. Ang pagkahulog sa ilog, wala bang sign na totoo iyon? Sugat? I checked my torso, my legs. Pero wala! "Para kang tanga," ani na naman ni Jin na akala kong umuwi na nang magpunta ako sa kwarto upang doon silipin ang kanyang katawan. "Anong ulam nga pala ang gusto mo?" Then he asked. "Kahit simpleng adobo lang." "Tsk, simple pero 'di mo magawa," anito na kinatirik ng kanyang mga mata. ~*~ ~*~ ~*~ "HOY BAKLITANG may asul na mata, bilisan mo nga diyan at male-late na tayo!" "Saglit lang din BAKLANG MAY ASUL NA MATA," nakalimutan din yata ni Jin na parehas kami. Biglang tumahimik ang sala. Alam niyang napahiya ito ng bahagya. "Bilisan mo na kasi," miya-miya'y narinig ko. Napatawa na lang ako ng mahina. Lingid sa kaalam ng iba ay dito na tumigil si Jin. Pinayagan naman din kami ni Miss Morie, eh. Si Maxwell nga lang ang ayaw pumayag dahil baka daw mahulog ako dito like what the heck? And about kay Maxwell, nakilala na niya ang babaeng para dito. Si Andrea, isang mabuting kaibigan. Nakilala ko ito noong nakaraang araw kung saan sinadya pa namin si Miss Morie para nga sa pag"migrate" kuno ni Jin. "Sabi na nga ba lutang na naman ang baklita," anito at talagang piningot pa ako. "Luto na ang almusal, we only have thirty minutes, at iyong oras na iyon ay para lang sa pagcommute natin." Anito. "Aray ko bakla!" Inda ko dito. Hinila ako nito pababa. Pasalamat na nga lang at hindi na humigpit ang pagkakapikot sa tainga ko. Parang mawawalan pa ako ng tainga dahil sa isang ito. TAPOS na kaming mag-almusal. Buti na lang at may twenty minutes pa kami. We just go out at may nakita kaming magarang kotse na nakaparada sa harap ng gate ng mga boarding houses dito. Bumaba ang tinted na bintana ng kotse. A red SUV nga naman. Nakita ko si Jorris sa driver's seat. Kinindatan ako nito. That thing makes me blushed. "Sakay na," aya nito. "Uyy JC, who's that guy?" "Halika na, mamaya ka na mag-usisa. Male-late na tayo, 'di ba?" Mataray na wika ko at hinila na si Jin. "Thus, this was a perfect time 'cause I don't have enough money to commute." Dugtong ko pa. "Galingan mo lang sa palusot bakla," anito habang naglalakad papalapit sa SUV. Tahimik lang kaming nakasakay sa SUV. Paano kami mag-iingay, eh, magkahiwalay kami. Nasa tabi ako ni Jorris at nasa likod naman si Jin kasama ang kapatid ni Jorris na si Jerick. "Matanong ko nga kayo," pambasag ko sa katahimikan. Lumingon naman saglit si Jorris at tumango si Jerick. "Paano kayo nakapunta doon?" Nilakasan ko ang loob ko sa pagtatanong niyon. "Ahmmm, remember Ace Jones?" Nakangiting tanong ni Jerick. Nagliwanag ang mukha ko nang marinig ang pangalan ng matalik kong kaibigan. "Oo naman, ang kaibigan ko noong nasa bahay ampunan pa ako." Pero bumakas pa rin ang pagtataka ko. "Hindi naman nito alam kung saan ako nakatira kaya malabong mapadpad kayo rito ng dahil sa kanya." "That's it. Binalak niya kaming ligawin but he was failed dahil tamang daan ang tinuro niya." Sagot naman ni Jorris na sinundan ng malalakas na tawa. Naningkit ang mga mata ko. Ang galing no'n, nagkataon lang ba iyon? O alam naman talaga ni Ace? "Alam ko 'yang nasa isip mo. Hindi alam ni Ace, noong tanungin ni Jorris si Ace ay bigla na lang gumuhit 'yung inis na mukha nito. Alam naming nainis iyon dahil gusto ka naming puntahan. Nagpaliwanag naman kami ng kaibigan mo lang kami at wala kaming intensyon na agawin ka sa kanya." "I'm not his." "Yeah, but he was yours. Alam mo, gustong-gusto ka ng lalaking iyon. 'Di mo ba alam. Walang araw na 'di ka niya kinukwento sa'min. Pati wallpaper niya ay stolen shot mo pa." Bigla na lang namula ang mukha ko sa sinabi ni Jerick. I remembered those days na kasama ko ito. Walang pinagbago, lagi pa rin akong laman ng kwento niya. Pinagmamalaki niya ako sa mga kakilala niya. He treat me like his younger brother. But on his mind, his lover. Bakit hindi na lang ito ang ginusto ng puso ko? "Teka nga, ginugulo niyo isip ng kaibigan ko, eh." Singit ni Jin upang mapabaling ang pansin ko rito. "Kaibigan mo? I thought you were siblings," "Naku kuya Jerick, magkaibigan lang ang mga iyan. Mukha ngang kambal, eh. Nabiyayaan pa ng ganda ng mata at tangos ng ilong. May---" "Don't mention my pimple Mr. Jorris." Aniko kay Jorris. Napatawa na lang ito. "Nandito na tayo. At late tayong lahat," ani Jorris at napakamot pa sa ulo. "Kahit anong bilis ng pagpapatakbo ko ay hindi kinaya." "Mabilis ba? Kasimbilis ng heartbeat mo?" Rinig kong sabi ni Jerick. "Just shut up, kuya. Pareho lang tayo ng nasa isip," anito at ngumisi. Hindi ko sila maintindihan. Talaga bang step-bros lang sila? ~*~ ~*~ ~*~ ~*~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD