CHAPTER 8: Familiar

1864 Words
Reina Gabi pa lang ay napasabak na kaagad sa inuman ang mahal kong asawa kasama sila Papa at mga tito ko. Kami naman nila Mama at Rhiann ay abala sa paggawa ng mga minatamis sa kusina. Habang ang nakababata pa naming mga kapatid ang siyang naging bantay ni baby Rage. Nasa sala sila at naglalaro habang nakabukas ang tv. "Tumawag nga pala sa amin 'yang asawa mo noong nakaraang araw at nagpapahanap ng mapagkakatiwalaang kasambay," ani Mama habang nagluluto ng gelatin sa kalan. "Opo, Mama, para may makatulong ako sa gawaing-bahay at focus na lang ako kay baby. Gusto niya rin kasi may nakakasama kami habang nasa trabaho siya." "Tinawagan ko na ang ate Nena mo kahapon. Noong nakaraang buwan kasi ay nabalitaan kong iniwan na siya ng sira-ulo niyang asawa. Ang sabi ko ay huwag na niyang habulin. Hayaan na lang do'n sa babae niya." "Kawawa naman si ate Nena," sagot naman ni Rhiann. "Ganun talaga kapag hindi nabigyan ng anak ang lalaki, maghahanap ng ibang maaanakan." "Hindi katwiran 'yon, Mama. Kung talagang mahal niya si ate Nena, tatanggapin niya anuman ang mga pagkukulang ng asawa niya. Pwede naman silang mag-ampon." "Gusto siguro ay tunay na anak." "Pumayag po ba siya, Ma?" tanong ko naman sa kanya. "Pumayag naman siya. Gusto na rin niyang umalis sa probinsya para makalimutan na ang lalaking 'yon. Naririndi na rin daw kasi siya sa mga marites niyang mga kapitbahay na walang ginawa kundi ang pagtsismisan ang buhay nila." "Padadalhan na lang po namin siya ng pamasahe, Ma. Bukas na bukas din ng umaga." "Oh, sige. Tatawagan ko siya mamaya. Mabait naman ang ate Nena niyo at napakasipag. Maaasahan niyo 'yon sa bahay." "Okay naman po sa akin si ate Nena, Mama. Alam ko namang mapagkakatiwalaan siya. Minsan na rin naman namin siyang nakasama noon." "Oo naman." Ngayon pa lang ay nai-excite na akong makasama sa bahay si ate Nena. Anak siya ng kapatid ni Mama na ngayo'y nasa Cagayan. Natuklasan namin na may problema siya sa matris kaya wala na siyang kakayahan pang mag-anak. Minsan na rin namin siyang nakasama noong kami ay mga bata pa lang. Tumira din kasi siya sa amin noon at dati rin siyang nag-alaga sa amin. May makakasama na rin kami sa wakas sa tahanan namin ni Rhys. *** KINAUMAGAHAN ay pinadalhan kaagad namin ng pamasahe si ate Nena. Pero hindi pa raw siya makakabiyahe sa ngayon dahil sa may bagyo ngayon sa Cagayan. Bukas na lamang daw ng umaga. Sayang dahil abot pa sana siya sa birthday ni Papa. Pero okay lang, ipagtitira na lang namin siya ng handa. Masaya naming ipinagdiwang ang ika-50th birthday ni Papa. Nag-setup kami ng isang napakagandang dekorasyon sa harapan ng bahay namin hanggang sa parking lot upang magkasya ang mga bisita namin. Umarkila kami ng mga mesa at mga upuan sa barangay. Kumuha na rin kami ng videoke dahil mahilig si Papa kumanta. Inihayin namin sa isang mahabang mesa na nako-cover-an ng puting kurtina ang aming mga inilutong handa. Katulong namin ang mga asa-asawa ng mga tito ko. Si Rhys naman ang sumagot sa mga inumin. Siya na rin ang nagpabili ng lechon na inihayin sa gitna ng mesa. Maraming bisita ang dumating, kabilang na nga ang mga kumpare ni Papa na mga driver ng mga tricycle niyang pinaba-boundary-han niya sa kanila. "Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" nangibabaw ang mga tinig ng mga kapatid naming si Raymond at Noella na magkasalo ngayon sa isang mikropono at kumakanta. "HAPPY BIRTHDAY, PAPAAAA!!" Nagpalakpakan kaming lahat matapos silang kumanta. Si Papa naman ay kakamot-kamot sa ulo niya at kitang-kita ang hiya sa kanya sa harapan ng lahat. May suot pa siyang party headband sa ulo, katulad ni Mama na nasa tabi niya rin. Naka-dress si Mama habang naka-black suit naman si Papa. "Blow out the candle, Papa!" ani Rhiann bago namin pinagtulungang buhatin ang cake niya. Si Rhys naman ang may buhat sa baby namin at nakikisayaw-sayaw din dito sa gilid. May suot din silang party headband ni baby Rage. Si baby ay hawak ang tali ng isang balloon. "Wish po muna, Papa. Wish," ani ko sa kanya. "Kailangan pa ba ng wish?" "Opo naman." Muli siyang kumamot sa ulo niya. Tumahimik din naman siya sandali bago niya hinipan ang apoy ng candle niya. "HAPPPY BIRTHDAY!!" sigawan at nagpalakpakan muli ang lahat. "Happy birthday, Papa!" humalik naman kaming magkakapatid sa pisngi niya. "Salamat. Salamat sa inyo." Bigla na lamang humikbi si Papa kaya nahawa din kaming magkakapatid, lalo na si Nanay na humikbi na rin. "Hindi naman importante para sa akin ang ganito kabonggang handaan. Importante lang para sa akin ay kayong pamilya ko. Maayos ang kalagayan niyo at nakakapag-aral kayo ng mabuti. Ang ate niyo na kahit may pamilya na, hindi pa rin nakakalimot sa atin. Salamat sa inyo, mga anak. Mahal na mahal kayo ni Papa." Tuloy-tuloy na umagos ang mga luha sa aking pisngi dahil sa sinabi niya. Muli namin siyang niyakap ng mahigpit. "Mahal na mahal ka din namin, Papa. Ang wish ko para sa inyo, bigyan pa sana kayo ni Lord ng marami pang kaarawan. Magkakasama pa tayo sa mahabang panahon. Magkakaroon pa kayo ng maraming apo. Masusuklian pa namin ng kaginhawaan ang lahat ng sakripisyong ibinibigay niyo sa aming magkakapatid. Mahal na mahal kita, Papa, kayo ni Mama. Mag-iingat po kayo palagi." Muli ko silang niyakap ni Mama ng mahigpit. "Happy birthday, Papa. I love you," bati din sa kanya ni Rhiann na sinundan na rin ng mga nakababata pa naming mga kapatid. Walang kapantay na saya ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Iba talaga ang saya kapag pamilya ang kasama. Walang makakapalit sa kanila. Nagtuloy-tuloy ang kasiyahan sa buong bakuran namin. Nakakain ang lahat. Nagkaroon ng mga inuman, kantahan at sayawan. Sumayaw sila Papa at Mama sa gitna. Nagpabili rin ng fireworks si Rhys kanina at siyang ginagawa na ngayon bilang paputok sa kalangitan. Naghanda rin ng mga palaro sila Rhiann at Nathan para sa lahat. Mga bata at matatanda ay kasali. Nangibabaw naman ang halakhakan at sigawan ng lahat. Sobrang saya. Ito na yata ang pinakamasayang kaarawan ni Papa na idinaos namin sa tanan ng buhay namin. Pero siyempre, hindi ito ang magiging huli. Marami pang birthday ang pagsasalo-saluhan naming lahat. *** KINABUKASAN, siyempre tapos na ang birthday ni Papa, tahimik na ring muli ang buong paligid. Maagang naglinis sa labas ang mga kapatid ko dahil may pasok na rin sila ngayon sa eskwela. Si Rhysdave ay tanghali na nagising dahil sa kalasingan pero kailangan niya pa ring pumasok ngayon sa trabaho. May importante daw sila ngayong conference meeting. Sinadya naman naming magdala na ng damit dahil nga aabutin kami dito ng monday. "Love, daanan mo na lang kami dito mamayang hapon kasi dadating mamaya si ate Nena. Isasabay na natin siya mamaya pauwi ng bahay." Kasalukuyan ko na ngayong inaayos ang necktie niya sa leeg. Si baby ay nasa kama at naglalaro ng mag-isa. Wala siyang kalaro ngayon dahil nasa school ang tita Noella niya. Si Buddy naman ay nasa sala. Napakarami din no'ng nakain kahapon hanggang gabi. "Yeah, dito na lang muna kayo. Kapag maaga naman kaming natapos sa office mamaya, uuwi kaagad ako dito. Susunduin ko na lang kayo dito." "Okay, ingat ka. Lasing ka pa ba?" "I can even eat you now." Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa leeg. "Isa muna tayo, Love." Nagulat ako nang biglang humaplos ang kamay niya sa p********e kong nahaharangan ng suot kong t-shirt dress at panty. "Tumigil ka nga. Mamaya na lang sa bahay." Kaagad kong tinapik ang kamay niya. Sumilay naman ang pilyong ngiti sa mga labi niya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at mainit na inangkin ang mga labi ko. Napangiti naman ako kasabay nang pagpikit ng mga mata ko. Dinama ko ang init at sarap ng mga halik niya. "Hmm, ehm, o-oh, tama na." Natatawa akong kumalas na sa kanya. Baka kasi kung saan pa kami mauwi. "I love you," aniya habang taimtim na nakatitig sa akin. "I love you too, Love. Thank you sa lahat-lahat. Ang dami mo nang naitulong sa pamilya ko." "Because they are your family. They love you so much, that's why I love them too." Nangilid ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. Niyakap ko siya ng mahigpit at ganun din siya sa akin. Napakaswerte ko talaga sa kanya. Wala na akong mahihiling pa sa kanya. "Sige na, baka ma-late ka na sa meeting niyo." "Ito na nga. Tinataboy mo na ako." Natawa ako sa sinabi niya. "Bye, baby. Daddy's off to work now." Sa anak naman namin siya yumukod. "Kiss." Binuhat niya ito at hinalikan sa pisngi. Hinawakan din naman ni baby Rage ang pisngi niya at humalik din sa lips niya. "So, sweet. Keep an eye on Mommy, huh. Baka puntahan siya dito ng mga ex niya." "Wala akong ex, Love. Ikaw lang ang first and last boyfriend ko," natatawa kong sagot sa kanya. "Mabuti nang nagkakalinawan, Mrs Luther." Kinilig ako sa pagtawag niya sa aking Mrs. Luther. Lumabas na kami ng room ni Noella habang bitbit ko ang briefcase niya. Siya naman ang may buhat sa baby namin. Dito muna kami natulog kagabi at siya naman ay sa room muna ng ate Rhiann niya natulog. Nagpaalam na rin si Rhys kay Mama na abala ngayon sa kusina. Si Papa naman ay kaaalis lang din para bumiyahe ng tricycle. Napakasipag naman talaga ni Papa. Ayaw magpahinga kahit meron naman na siyang mga driver na bumibiyahe para sa kanya. "Mag-iingat ka," ani Mama kay Rhys. "Opo, Ma. Dito po muna itong mag-ina ko." "Oo naman. Masaya nga kami at paminsan-minsan ay nakakasama namin kayo dito." "Sa susunod po ay doon naman kayo sa bahay." "Oo, kapag bakasyon na ang mga bata." "Sige po, Ma. Papasok na po ako." "Sige, mag-iingat ka." "Opo, Ma." Inihatid na namin ni baby Rage ang daddy niya sa kotse sa labas ng gate. Muli siyang humalik sa amin ni baby Rage bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse niya. Nagba-bye na lang kami sa kanya ni baby. "Ba-bye, daddy. Alis na si daddy." Hinawakan ko ang kamay ni baby at ikinaway sa daddy niya. "Pumasok na kayo sa loob," ani Rhys nang dumungaw pa siya sa bintana. Nag-flying kiss pa siya sa amin. "Opo. Ingat, Daddy." Pumasok na rin kami sa loob ng gate. Nagsimula naman nang umandar ang kotseng kinalululanan niya. Si kuya Ivan pa rin ang driver niya, na sa sala na namin nakatulog kagabi dahil din sa kalasingan. Isasara ko na sana ang gate namin nang may isang pulang kotse ang dumaan sa harapan namin habang bukas ang bintana at may isang babaeng nakadungaw doon. Nakasuot ito ng malapad na tinted sunglasses na halos sakupin na ang buong pisngi niya. Napaka-kapal din ng lipstick niya sa mga labi niya na dark ang color. Feeling ko ay nakatingin siya sa amin ni baby, ngunit tuloy-tuloy na itong lumampas ng gate namin. Napahabol na lang ako ng tingin sa kanya. May driver siyang lalaki sa loob pero hindi ko ito mamukhaan. Pero nangunot ang noo ko sa mukha ng babae. Parang pamilyar siya sa akin na hindi ko maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD