CHAPTER 9: Hospital

1577 Words
Reina Napalingon ako kay Mama na nasa kusina at abala sa niluluto niya. Niluluto niya 'yong tirang lechon kahapon. Dinampot niya ang tumutunog niyang phone sa mesa at sinagot ang tumatawag. Ako naman ay naririto sa sofa at nagpapadede kay baby Rage. Nakatulog na nga ang mahal kong anak kaya maingat ko nang iwinalay sa kanya ang n****e ko. "Oh, eh, nasaan ka na ba? ... Nasa mall?" Muli akong napalingon kay Mama. Mukhang si ate Nena na ang kausap niya sa phone. Minabuti ko nang ihiga si baby Rage sa kwarto ni Noella. Nandito lang naman ito sa baba, sa tabi ng silid nila Mama at Papa. Ang ibang silid ng mga kapatid ko ay nasa second floor na. Pumasok ako sa loob at maingat na ibinaba sa kama si baby Rage. Kinalangan ko ng mga unan ang palibot niya. Ibinuka ko rin ang mosquito net na baon namin at nilagyan siya nito upang hindi siya lamukin. "Eh, sandali." Muli akong napalingon kay Mama na ngayon ay patungo na dito sa silid. Minabuti ko nang lumabas. Hinayaan ko na lang nakabukas ang pinto upang masilip ko sa loob ang anak ko. "Bakit po, Ma?" "Nasa Mall na daw ang ate Nena mo. Ang problema, nahirapan siyang mag-commute dahil marami daw siyang mga dalang gulay at prutas. Kulang naman daw ang pera niya kung magta-taxi siya at saka, takot pa rin siyang sumakay hanggang ngayon ng taxi nang mag-isa. Mabuti sana kung naririto ang Papa mo, masusundo sana siya. Wala naman dalang cellphone ang Papa mo." "Susunduin ko na lang po siya, Ma. Malapit lang naman po ang Mall." "Kaya mo ba? Hindi pa kasi tapos itong niluluto ko." "Kaya ko 'yon, Ma. Isasakay na lang namin ng taxi. Tulog naman na si Rage. Pakisilip na lang po siya, Ma." "Oh, sige. Mag-iingat ka." "Magta-taxi na po ako pagdating sa labasan." "At isakay niyo na lang sa taxi ang mga dala niyo at ipabalik niyo na lang ulit dito ang taxi." "Opo, Ma. Magpapalit lang po ako ng damit. Pakisabi na lang po kay ate Nena na hintayin niya ako." "Oh, sige. Iti-text ko na siya." Kaagad na akong bumalik sa kwarto at nagpalit ng damit. Minabuti kong magpantalon at simpleng t-shirt. Kinuha ko ang wallet ko sa bag ko at binitbit din ang cellphone ko. Lalabas na sana akong muli nang mapalingon ako kay baby Rage. Napakahimbing nang tulog ng anak ko. Nilapitan ko siya at iniangat ang mosquito net niya. Marahan ko siyang hinagkan sa noo. "I love you, anak. Sandali lang si Mommy, ha. Babalik din ako." Hinaplos ko ang noo niya bago ko muling ibinalik sa kanya ang mosquito net. Lumabas na ako ng silid at iniwan lang itong nakabukas ang pinto. "Pupunta na po ako, Ma." Dire-diretso na akong nagtungo sa pinto. "Oh, sige. Mag-iingat ka." "Opo, Ma." Nagtsinelas lang ako dahil ito lang din naman ang suot ko patungo dito. Napalingon naman ako kay Buddy nang sumunod siya sa akin. Nag-uungot siya habang nakatitig sa akin. "Hindi ka pwedeng sumama, Buddy. Bantayan mo ang baby natin sa room. Huwag mo siyang iiwan kahit anong mangyari, ha." Patuloy pa rin siya sa pag-ungot. Pansin kong nakababa ang buntot niya at hindi kumakawag katulad nang nakagawian niya. Nagtungo na ako sa gate ngunit sumunod pa rin siya sa akin. "Buddy, balik ka na sa loob. Sandali lang ako. Babalik din ako. May susunduin lang ako. Bantayan mo ang baby natin." Minabuti kong yukuin muna siya at haplusin ang ulo niya. Bigla naman niya akong hinalikan at dinilaan sa pisngi. Sumiksik din siya sa akin. Naglalambing siya kapag ganyan siya. "Ikaw talaga. Sige na, pumasok ka na sa loob. Sandali lang ako, babalik din ako kaagad. Bantayan mo ang baby natin doon. Huwag kang aalis sa tabi niya. Kapag may nang-away sa kanya ipagtanggol mo, ha. Mahal na mahal natin ang baby natin, at mahal na mahal din kita." Niyakap ko siya at hinalikan din sa pisngi. "Sige na." Tumayo na ako at tuluyan nang lumabas ng gate. Naupo naman siya sa lupa habang nakatitig pa rin sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang may nakikita akong matinding lungkot sa mga mata niya. Hindi kaya may nararamdaman siyang hindi maganda? Masyado kasing marami ang nakain niya kahapon. Tumahol siya at bahagyang umungol. "Buddy, shut up. Pumasok ka na sa loob," pagtataboy ko na sa kanya. Uungot-ungot naman siyang tumalikod at malumbay na naglakad pabalik ng bahay. Ngunit hindi pa siya tuluyang pumasok sa loob. Muli siyang lumingon sa akin at tumitig. "Hay, ikaw talaga." Minabuti ko nang isara ang gate. Pinara ko kaagad ang tricycle na paparating at kaagad din naman ako nitong hinintuan. Mabilis akong pumasok sa loob. "Kuya, sa labasan lang," ani ko sa driver. Hindi naman ito sumagot pero pinaandar na niya ang tricycle niya. Nilingon kong muli ang bahay nila Mama dahil narinig kong muli ang tahol ni Buddy mula sa loob ng bakuran. Hindi ko naman na siya makita pa dahil half concrete at half grills ang palibot na bakuran ng bahay nila Mama. Tuloy-tuloy nang umandar ang tricycle. Sa labasan na ako sasakay ng taxi. Inilabas ko ang phone ko at nag-text ako kay Rhys. 'Love, patungo ako ngayon sa Mall. Susunduin ko lang si ate Nena.' 'Naiwan si baby kila Mama, natutulog.' Naghintay ako ng sagot niya ngunit ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin. Siguro ay busy pa rin siya sa trabaho niya. Baka nasa meeting pa rin siya hanggang ngayon. 'Lapit na ang lunch, Love. Kumain ka, ha. I love you.' Muli ko itong ni-send sa kanya. Ibinulsa ko nang muli ang phone ko, ngunit bigla akong napatingin sa unahan namin nang bumusina nang pagkalakas-lakas ang tricycle driver. Natanaw ko na may nakahintong dump truck sa kaliwang bahagi, ngunit mayroong humahagibis na kotse sa kanang bahagi kung saan ang linya namin! "Kuya, ihinto mo muna! Ihinto mo muna!" sigaw ko sa tricycle driver. Bigla akong binalot nang matinding kaba at nerbyos! Huminto din naman ang tricycle namin ngunit patuloy pa rin sa mabilis na takbo ang kotseng 'yon na sasalubong sa amin! Sana ay kumaliwa siya paglampas niya sa truck! Umaasa ako na gagawin ito ng kotse ngunit ganun na lamang ang pagtulala ko nang dumiretso pa rin ito pasalubong sa amin. "HINDEEEE!!" Mabilis akong tumalon palabas ng tricycle at nagtagumpay naman ako bago sumalpok ang kotse doon. Bumagsak ako sa sementadong kalsada ngunit tumamang bigla ang ulo ko sa isang matigas na bagay dahilan upang umikot ang paligid ko at dumilim ang paningin ko. Nanghina ako ng sobra at para akong mawawalan ng malay-tao. Minuto lang ang lumipas ay naramdaman kong may bumubuhat na sa akin. Hirap kong idinilat ang aking mga mata. Madilim at malabo ngunit naaaninag ko pa rin ang mukha ng isang lalaking hindi ko kilala. Ipinasok ako sa loob ng isang sasakyan. Parang sa loob ng isang kotse at may isang babae ngayon ang nasa tabi ko. Bagsak ang katawan ko at patuloy sa pagdidilim ang paligid ko. Naramdaman ko ang pag-andar ng kotseng kinalululanan ko. Maya-maya'y narinig ko ang mahinang pagtawa ng babaeng nasa tabi ko. Sinubukan kong idilat muli ang aking mga mata ngunit malabo na ang aking mga nakikita. "Bye, bye, Reina. Magpaalam ka na sa pamilya mo ... dahil akin na sila ngayon." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, ngunit tuluyan na akong nawalan ng ulirat. *** Rhysdave "Congratulations, Attorney Luther. You did a great job." "Thanks, Mr. Velasco." I shook hands with Mr. Velasco, he is one of the board of directors. Ngayong araw kasi ay naipanalo ko ang isang kaso na hinawakan ko. Tungkol ito sa isang lupaing kinamkam at isang karangalan ko na naman ang makapagpanalo ng isang kaso ng mga totoong nadedehado. Excited na akong makita ang mag-ina ko. I groped for my phone in my pocket but couldn't find anything. Siguro ay naiwan ko ito sa office ko. Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na ako ng conference room. Nagmadali akong nagtungo sa office ko. It was four o'clock in the afternoon. Maaga pa pero gusto ko na ring umuwi. When I got inside, I immediately looked for my phone on my table. Nakita ko rin naman itong nakapatong sa laptop ko at kasalukuyang umiilaw ang screen. I quickly picked it up and saw the name of Mama Rita who was now calling. Nagtaka akong bigla sa pagtawag niya. I answered it immediately. "Ma--" "Rhysdave!! Si Reina, magmadali ka!" "W-What happened? Ma--" Bigla akong tinamaan ng matinding kaba dahil sa pagpalahaw niya ng malakas. "Nandito kami sa hospital! Si Reina! Magmadali ka! Dito sa hospital!!" "W-What happened to Reina, Mama?!" Bigla akong nataranta at binalot ng matinding takot. I immediately picked up my bag and left my office. "Naaksidente siya habang sakay ng isang taxi! Patungo siya sa Mall para sana'y sunduin si Nena." "What? W-Which hospital are you in? How's my wife?!" Hindi na ako gumamit pa ng elevator. Halos liparin ko na ang hagdan paibaba. "Dito sa Mercy Vale Hospital. Nasa emergency room pa siya hanggang ngayon at ginagamot ng mga doctor!" "Damn it. I'm on my way there. W-Where's Rage, Ma? Nasaan po si Rage? Kumusta ang anak namin?" "Nasa bahay. Binabantayan ng mga kapatid niya. Hindi naman siya isinama kanina ni Reina." "Relax, Mama. I'm on my way there." I immediately hung up the phone and ran out of the building. Oh, God. Don't do this to us. Please, save my wife!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD