Rhysdave "Ma!" "Rhysdave!" Mama Rita greeted me as soon as I arrived outside the emergency room. We hugged each other tightly. Siya naman ay humagulgol sa dibdib ko. Naririto rin si Rhiann na lumapit din sa amin at yumakap. "Kuya..." Hinagod ko ang likod niya. There was another woman, who was crying while sitting on a chair and looking at us. Kumalas din agad sila mula sa akin. "Ano po ang sabi ng Doktor? Kumusta daw po si Reina?" "Kalalabas lang nila kani-kanina lang pero nasa loob pa si Reina. Malubha raw ang naging pinsala ng ulo niya at kailangan pa raw sumailalim sa mga examination. M-May posibilidad daw na mawala ang alaala niya kapag nagkataon." Muling humagulgol si Mama Rita. "Pero ligtas na po siya, 'di ba? Ligtas na po ang asawa ko?" "Oo, 'yon ang sabi ng doctor." "Thank