Rhysdave "Hindi mo ba talaga kami naaalala? Kahit na kaunti, wala ka ba talagang matandaan?" tanong ni Mama Rita kay Reina. Naririto pa rin kami ngayon sa hospital at nagpapalakas na lang si Reina. Inako ni Mama Rita ang pagpapakain ngayon sa anak niya pero parang nag-iba ang mood ni Reina. "Ang sabi ng Doctor, huwag ko raw pipiliting mag-isip, 'di ba? Sasakit na naman ang ulo ko," sagot niya kay Mama na ikinakunot ng noo ko. I stared at her for a few seconds. Mama also stopped and turned to me. I could read a surprise in her eyes. "Ah, eh... oh, sige. Pasensiya na kung makulit si Mama. Kumain ka na--" "Ayoko na. Nawalan na ako ng gana." Mas lalo pa kaming natigilan sa inasal niya. "P-Pero kakaunti pa lang--" "Gusto ko nang magpahinga." She turned her back on her mother. Kaagad