Reina
Sumunod na linggo ay nagtungo kami sa bahay nila Daddy Rhum, ang ama ni Rhysdave. Nag-invite si tita Beverly dahil birthday niya raw kahapon at nagluto daw siya ngayon ng kaunti para sa munting salo-salo. Napabili na rin ako ng regalo para sa kanya.
Si tita Beverly ay stepmother ni Rhys. Tatlong taon na raw ang nakalilipas simula noong sumakabilang-buhay ang ina ng asawa ko. Hindi ko na siya inabutan pa noon.
Mabait naman si tita Beverly. Sayang lang at hindi minana ng anak niya ang kabaitan niya. Saan naman kaya nagmana ng masamang ugali si Brittany?
Mag-iisang taon na ring hindi ko nakikita ang babaeng 'yon. Pero mas okay na 'yon. Malayo siya sa asawa ko. Alam ko naman kasi kung gaano siya kakati at kalandi. Tuwing naririto siya ay palagi niyang sinusubukang akitin ang asawa ko.
Minsan na niyang pinasok noon ang asawa ko sa silid namin. Ang buong akala ni Rhysdave ay hindi ko alam. Nagtatago lang ako noong time na 'yon sa closet. Sinubukan siyang halikan noon ni Brittany habang ipinahahawak sa asawa ko ang dibdib niya.
Mabuti na lang talaga at matino si Rhysdave. Dahil kung hindi, pagbubuhulin ko silang dalawa. Hindi na rin ako nag-eskandalo pa noong time na 'yon para na lang kay tita Beverly. Pero kung sakaling naulit pa 'yon, hinding-hindi ko na talaga mapipigilan pa ang sarili ko.
Matapos ang pangyayaring 'yon ay nagdesisyon na si Rhysdave na makalipat kami kaagad sa aming bahay sa Forbes. Regalo iyon sa amin ni Ninong David Delavega.
Naging ninong namin siya sa kasal namin noon ni Rhys. Ngayon nga ay may ipinapatayo na ring bahay doon ang anak niyang si Dominic. May bahay na rin doon sila Charlie at Lhevyrose pero hindi pa sila nakakalipat doon. Naroroon din ang kaibigan nilang sila Yanlee at Avriah, Rick at Cail.
Marami pa silang mga kaibigan doon. Halos nagsama-sama nga sila doon, kaya hindi rin ako gaanong nag-aalala kung kami lang ni baby Rage ang maiwan sa bahay namin dahil naging kumare at kumpare ko na rin ang mga kaibigan ni Rhys.
Hindi ko na rin binanggit pa sa kanya ang tagpong nakita ko sa kanila nila noon ni Brittany. May tiwala naman ako sa kanya.
Itinulak niya at kinaladkad noong time na 'yon si Brittany palabas ng silid namin. Noon kasi ay dito pa kami nakatira sa bahay nila Daddy Rhum at ipinagbubuntis ko na si baby Rage. Simula din noon ay iniwasan ko na si Brittany. Baka kasi sa galit ko sa kanya ay makalbo ko pa siya.
Sana nga ay wala siya dito ngayon.
Pumasok na ang aming sasakyan sa bakuran ng malaking bahay na ito ni Daddy Rhum. Ipinagbukas kami ng pinto ni kuya Ivan, ang driver namin. Siya na rin ang nagbitbit ng diaper bag ni baby Rage.
"We're here, baby," ani Rhys sa baby namin. Siya ang may buhat sa kanya ngayon at nauna na silang bumaba ng kotse.
Sumunod na rin naman ako sa kanila, bitbit ang paper bag na naglalaman ng regalo ko para kay tita Beverly.
"Helloooo. I miss you, Rage." Sumalubong naman kaagad sa amin si tita at kaagad niyang kinuha mula kay Rhys ang anak namin. "Ang cute-cute naman ng rumper mo. Parang binata ka na kaagad. Ang gwapo-gwapo." Pinaghahalikan niya ito sa pisngi.
"Happy birthday, tita," nauna nang bati sa kanya ni Rhys. Sandali silang nag-kiss sa pisngi.
"Thank you."
"Happy birthday po, tita. May gift po ako para sa inyo." Lumapit na rin ako sa kanila.
"Naku naman. Nag-abala ka pa, Iha. Kahapon pa ang birthday ko." Nakipagbeso din ako sa kanya at iniabot ang regalo ko.
"Abot na abot pa rin naman po. May handa pa nga po kayo, eh." Tinanggap din naman niya ito.
"Ikaw talaga. Salamat. Kasi nag-date kami kahapon ng Daddy niyo kaya hindi ako nakapagluto." Kinindatan niya ako at tila kilig na kilig pa siya.
"Ang sweet naman po ni Daddy Rhum."
"Kaya naman namana ng anak niya." Inginuso niya si Rhysdave na nasa tabi ko.
"Sweet ka ba, Love?" nakangisi ko namang tanong sa kanya.
"Hindi ba ako sweet?" Umakma siyang hahalikan ako sa harap ni tita Beverly kaya kaagad akong napaiwas!
"Oo na, sweet ka na!"
Tumawa ng malakas si tita Beverly.
"Nakakatuwa talaga kayong dalawa. Pumasok na kayo dito sa loob. Halina kayo dahil kanina pa nakahanda ang pagkain sa mesa."
"Tamang-tama po, tita. Nagugutom na ako." Humimas ako sa tiyan ko habang pumapasok na kami sa loob ng bahay.
"Naku, huwag kang nagpapagutom, Iha, dahil nagpapadede ka."
"Kumain naman 'yan kanina, tita. Jumbo hotdog pa nga," sagot ni Rhys na siyang ikinanganga ko. Bigla ko siyang nahampas sa braso!
"Anong jumbo hotdog ka dyan?"
"What? We had a hotdog dish earlier, didn't we? Ano bang nasa isip mo?"
Muling natawa si tita Beverly.
"Ang dami nating ulam kanina pero jumbo hotdog lang ang binanggit mo."
Siya naman ngayon ang bumungisngis habang nakatitig sa akin. Kaagad naman akong pinamulahan ng pisngi. Parang ibang hotdog kasi ang ibig niyang sabihin, eh. Sinubo ko pa naman kaninang umaga 'yong hotdog niya dahil maaga kaming nakatulog kagabi.
'Yon talaga ang kauna-unahan naming almusal kanina bago ang pagkain.
"That's the first thing that came to my mind," sagot naman niya. Umakbay na siya sa akin.
Kaagad ko naman siyang sinamaan ng tingin. Nakakahiya kay tita Beverly. Baka mahalata niya ang ginawa namin kaninang umaga!
"Kayo talagang dalawa. Diretso na tayo sa dining room. Tamang-tama at lunch time na rin naman," ani tita sa amin. Nauna na siyang naglakad patungo sa dining room habang buhat ang anak namin.
"Where's Dad, tita?" tanong naman ni Rhys sa kanya.
"Naririto rin sa loob. Bisita niya ang ninong David niyo ngayon. Mukhang nag-iinom na silang dalawa."
Namilog namang bigla ang mga mata ko sa sinabi ni tita. Si Ninong David?!
"Oh? What time did he come?" muling tanong ni Rhys sa kanya.
"Mga isang oras pa lang ang nakalilipas. Mukhang tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan nila."
Bigla akong nakaramdam ng saya na may kasamang hiya sa dibdib. Naging ninong lang naman namin ni Rhys sa kasal namin ang isa sa pinakamayamang tao sa bansang ito. At sobrang bait niya kaya sobrang gaan din ng loob ko sa kanya. Para siyang si Papa.
Si Daddy Rhum din naman, napakabait din niyang ama. Akala ko nga dati ay matapobre at mapagmataas ang mga mayayaman. Pero hindi pala. Nagkamali ako nang paniniwala ko noon.
Siguro ay meron din at depende na lang talaga sa tao.
Isa pa sa mga naging ninong namin sa kasal ay si Ninong Johnny Lee Mcfadden. Ama siya ni Yanlee na kaibigan naman ni Rhys. At isa rin siyang napakabait na tao. Palabiro din siya kaya magaan din ang loob ko sa kanya.
Tuluyan na kaming nakarating sa dining room at inabutan nga namin sa loob sila Daddy Rhum at Ninong David. Totoo ngang may alak na silang kaharap sa mesa at nagkakatuwaan silang dalawa.
"Rhysdave. Oh, wow. Nandito pala ang apo namin ni Pareng Rhum," kaagad na bati sa amin ni Ninong David.
"Come to Lolo, baby." Kaagad na itinaas ni Daddy Rhum ang mga braso niya at ipinasa naman sa kanya ni tita Beverly ang anak namin. "You'll stay here with Lolo because we're both handsome, right?"
Natawa kami sa sinabi niya. Lumapit na rin kami sa kanila ni Rhys.
"Hello po, Ninong, Dad." Nagmano ako sa kanila at humalik na rin sa pisngi nila. Nakipagtapikang-braso naman sa kanila si Rhys.
"Tumatanda talaga kami sa pagmano-mano sa amin nitong asawa mo. Hey, me and your daddy are still teenagers," ani Ninong David kay Rhys.
Pare-pareho kaming natawa pero nakaramdam din ako ng hiya.
"Pasensiya na po, Ninong. Nasanay po talaga kami na magmano sa mga matatanda," sagot ko sa kanya.
"Ouch! Damn! Did you hear that, Kumpare? Matanda daw. Matanda na tayo. Pambihirang bata ito." Napakamot sa ulo si Ninong David.
Mas lalo pa kaming natawa sa sinabi niya.
"Mukhang nakakarami na kayo, Ninong," ani Rhys sa kanya.
"Mukhang may tama na nga ang Ninong at Daddy niyo," sabat naman ni tita Beverly, na natatawa rin.
"Nakakatig-isang baso pa lang naman kami, Mahal," sagot naman ni Daddy Rhum. Ang sweet-sweet niya kay tita Beverly.
Naupo na rin kami sa mga silya namin at salo-salo kaming kumain. Naging masaya ang pananghalian naming lahat at napuno ng kulitan.
MATAPOS naming kumain ay nagpaalam muna ako kay Rhys. Dinala ko si baby Rage sa sala dahil naghahanap na siya ng dede. Sila naman ay nagpatuloy sa pag-inom kasama sila Ninong David at Daddy Rhum.
Pagdating ko sa sala ay naabutan ko doon si tita Beverly na may kausap sa phone. Ngumiti siya at tumango sa akin na parang sinasabi niyang okay lang kahit nandito kami ni baby Rage.
Nag-umpisa naman nang dumede si baby sa dibdib ko habang nakaupo ako sa sofa. Tinakpan ko lang ang dibdib ko at mukha niya ng malapad na lampin.
"Anak, hindi mo ba nami-miss si Mama? Hindi rin tayo nagkasama noong birthday mo. Nasaan ka ba talaga?" tanong ni tita sa kausap niya.
May hinala ako na si Brittany ang nasa kabilang linya. Pero ayon kay Rhys ay mayroon pang isang anak na babae si tita Beverly, pero wala daw siyang balita kung nasaan ito ngayon. Narinig lang daw niya itong pinag-usapan minsan ng mag-ina.
"Kailan pa? Kailan ka pa babalik? ... Malapit na?"
Napahinto ako sa sinabi ni tita sa kausap niya sa phone.
Babalik na si Brittany? Malapit na?
Parang nakaramdam na naman ako ng inis sa dibdib ko sa kaalamang 'yon. Sana lang ay hindi na siya manggulo pa sa pagsasama naming dalawa ni Rhys.
Hindi ko na talaga siya mapapatawad kapag umulit na naman siya!