CHAPTER 3: Buddy

1580 Words
Reina "Good morning, mahal ko. Gising na ang baby ko na 'yan. Gising na?" "Ah... Ah... Momma... Momma..." Napangiti ako nang kaagad na gumapang patungo sa dibdib ko ang mahal kong anak na mukhang kanina pa gising at nauna pa sa akin. Wala na sa tabi namin ang daddy niya pero may naririnig na akong lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo. "Dede... Dede..." Kaagad siyang sumubsob sa dibdib ko at binubuklat na din niya ang collar ng nightdress ko. "Dede? Sandali, anak. Huhugasan muna ni Mommy ang nipple." Bumangon na ako at dinala siya sa kandungan ko. "Patingin ng diaper? Parang hindi ka pa umiihi." Kinapa-kapa ko ang suot niyang diaper pero manipis pa ito. Mukhang kakaunti pa ang laman. "Mommam... dede." Patuloy siya sa pagbuklat ng collar ng nightdress ko. Inayos ko naman muna ang pagkakapusod ng buhok ko. "Halika. Sandali, anak. Huhugasan muna ni Mommy ang dede mo kasi napanis na dyan ang gatas kagabi." Binuhat ko na siya at lumabas na kami ng silid. Nagdala lang ako ng isang malinis niyang lampin at isinampay ko sa balikat ko. Sumalubong naman kaagad sa amin sa labas ng pinto si buddy. "Hello, buddy! Good morning!" Nagtatahol siya at nagkakawag ang buntot. Sumama siya sa amin sa pagbaba ng bahay at nagtungo kami sa kusina. "Dito ka muna. Umupo ka muna dito." Ibinaba ko muna si baby Rage sa highchair niya dito sa may mesa. Napansin ko na may mga nakahayin na palang pagkain dito. Mukhang maagang nagising ang daddy namin at siyang nagluto ng almusal. "Momma... Momma!" Kaagad namang humikbi ang mahal kong anak habang nakatitig sa akin na para bang kinawawa. "Sandali lang, mahal ko. Bait-bait 'yan, 'di ba? Sandali lang si Mommy." Tinahulan naman siya ni Buddy at nagbantay ito sa tabi niya. Tumahimik naman siyang bigla sa pag-iyak at tumitig siya kay Buddy. "Good job, Buddy. Bantayan mo muna ang baby natin." Kumuha ako ng maligamgam na tubig mula sa water dispenser gamit ang isang malinis na baso. Pumasok ako sa loob ng counter bar kung saan naririto ang sink, lutuan at ref. Dito ko nilinis sa sink ang mga n****e ko gamit ang maligamgam na tubig. Kaagad namang gumibik ang dibdib ko at sumirit ang mga laman nito. Punong-puno na naman ako ngayon ng gatas. Mabilis din akong nag-gargle ng bibig ko. Mamaya na lang ang toothbrush pag-akyat naming muli sa silid namin. Nagmadali na ako at kaagad na bumalik kay baby Rage. "Come on, baby." "Mommama..." Binuhat ko na siya at bahagyang inihiga sa mga braso ko. Kaagad din naman niyang sinunggaban ang dibdib ko at mabilis na sinupsop ang n****e ko. Nakaluwa na ang mga ito mula sa collar ng nightdress ko. Kumuha ako ng isang feeding bottle niya at isinahod sa kabila kong n****e na patuloy pa rin sa pagsirit ang gatas. Sayang naman kasi kung patutuyuin lang sa lampin. Pwede niya rin itong inumin mamaya. "Gutom na gutom ang baby kong 'yan." Inilabas ko ang isang silya mula sa ilalim ng mesa gamit ang paa ko bago ako naupo. Naging maayos naman ang pagkakahiga niya sa kandungan ko. Si Buddy ay sumiksik din sa paanan ko, sa ilalim ng mesa. Habang lumalaki ang anak namin ay mas lalo siyang lumalakas sa pagdede. Hindi na nga rin gumaling-galing ang mga munting sugat sa n****e ko dahil sa maya't maya niyang pagdede sa akin. Pero tinitiis ko ang kirot para sa kanya. Gusto kong maging malusog siya at malayo sa sakit sa pamamagitan ng gatas ko. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya. Hinagkan ko siya sa noo. Siya naman ay nakatitig lang sa akin. Tumaas ang isa niyang kamay at humawak sa pisngi ko. "Habang tumatagal mas lalo kang nagiging kamukha ng daddy mo. Wala ka man lang nakuha sa akin? Pati bayag sa kanya rin." "What?" Napalingon akong bigla kay Rhysdave nang pumasok na siyang bigla dito sa kusina. Nakasuot na siya ngayon ng pang-opisina pero hindi pa naka-butones ang long sleeve niya. Natawa naman ako habang sinasalubong siya ng tingin. Lumapit siya sa amin at pareho kaming hinagkan ni baby Rage sa noo. Si Buddy ay mabilis na tumayo at dinambahan siya. "Buddy, ki-kiss ka rin?" tanong niya kay Buddy at tanging pagtahol lang naman ang isinagot nito sa kanya. "Go down. Tapos ka nang kumain, 'di ba?" Muli itong tumahol bago ibinaba ang mga paa niya. "Pinakain mo na ba siya kanina?" "Yeah." Nagtungo na siya sa tabi namin. "Good morning. Nagtatampo na naman ba ang Mommy mo dahil hindi ka niya naging kamukha?" pagkausap niya sa anak namin. "Sa 2nd baby, hayaan mo sa iyo nang lahat." "Paano kung sa iyo pa rin lahat nagmana?" "Then, you have no choice. Just accept it, my blood is stronger than yours." Napasimangot na lang ako. Nginisian niya naman ako. "Love mo naman ako kaya okay lang 'yan." "Pasalamat ka talaga dahil love kita," sagot ko naman sa kanya. Lumawak namang bigla ang pagkakangiti niya. Yumakap siya sa aming mag-ina at hinagkan ako sa pisngi. "Papasok na naman ako sa trabaho. Maiiwan na naman kayo dito." "Papupuntahin ko muna dito si Rhiann. Bakasyon niya naman ngayon. Dito na lang muna siya sa bahay. Okay lang ba sa iyo?" "Of course. Mas mabuti 'yon para may nakakasama kayo dito ni baby. Kung p'wede nga lang dito na lang siya mag-stay at mag-transfer na lang siya sa ibang school." "Graduating na siya kaya hayaan na natin. Pagkatapos na lang ng graduation niya. Dito na lang muna siya sa bahay." "Ipapasok ko siya sa trabaho para hindi na siya mahirapan pang mag-apply sa ibang company." Natuwa naman akong bigla sa sinabi niya. "Ang bait talaga ng love ko. Kaya love na love namin 'yan ni baby, eh." "I know right. Let's have breakfast. Basta kumain ka lagi kahit wala ako dito, para hindi ka manghina. Ayaw mo pa rin kasing i-transfer si Rage sa bote." "Okay lang 'yan. Ang dami ko pa talagang gatas, Love. Healthy naman ito para kay baby." "Just don't neglect yourself either. Pumayag ka na kasing kumuha tayo ng kasambahay, kahit isa lang, para hindi ka na mahirapan pa. Baka sabihin pa ng parents mo, kinakawawa kita dito." Natawa naman ako sa sinabi niya. "Ikaw na nga ang nagluto ng breakfast natin, eh. Ayaw mo bang magluto?" "Gustong-gusto ko naman na pagsilbihan ka. I'm just worried whenever I'm not here, whenever I'm at work." "Wala akong tiwala sa ibang tao, Love. Mas mabuting kami lang ni Rage dito kaysa may kasama kaming iba. Nandito naman si Buddy. Siya ang bodyguard namin." "We can hire from your acquaintances, from your relatives or friends." "Sasabihan ko si Mama kung may kakilala siya, kahit isa lang." "Haay, mabuti naman at pumayag ka na rin. You're killing me with worry while I'm not here." Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Sorry na, Love." "It's alright. Mahal kita kaya hindi maiiwasan." Mas lalo akong napangiti habang nakatitig sa kanya. "I love you too." "Open your mouth." Inilapit na niya sa bibig ko ang kutsarang naglalaman ng sinangag na kanin. Tulad nang dati ay sinubuan niya na lang akong muli sa pagkain habang nasa kandungan ko pa rin si baby Rage at patuloy sa pagdede. Nakasanayan na namin ang ganito simula noong ikasal kami. At sana ay hindi siya magbago sa ganito ka-sweet niyang ugali pagdating sa amin. BAGO SIYA pumasok sa trabaho ay inasikaso ko na muna siya. Tinulungan ko siya sa pagbu-butones ng white long sleeve niya. Ako rin ang nagsuot ng necktie niya sa leeg. Ang anak naman namin ay abala na sa paglalaro niya sa crib niya dito sa sala. Kasama niya ang mga laruan niya sa loob. "Okay na." "Papasok na muna ako. Maaga na lang akong uuwi mamaya." "Ingat, Love." Tinungo niya muna ang anak namin at hinalikan ito sa noo, pisngi at sa lips. "Bye, baby. Behave, okay? Be nice to Mommy." "Dada... Dada," sambit naman ng anak namin habang nakatayo sa gilid ng crib niya. Naglalakad na rin naman siya pero maya't maya pa rin siyang tumutumba. "Bibilhan ka na lang ni Daddy ng pasalubong mamaya, alright?" "Dada... Dadada..." "Alright. You know how to answer now." Natawa ako sa sinabi niya sa anak namin. Bumaling na siya sa akin at ako naman ang niyakap niya at hinagkan sa labi. "Call me if there's a problem, okay?" "Okay. Ingat, Love." "Kayo din dito." Muli niya akong hinagkan sa labi at noo bago siya tuluyan nang kumalas at nagpaalam na. Nagpaalam din siya kay Buddy. Hinatid ko na lang siya sa pinto. Kinuha naman kaagad ni kuya Ivan ang bag niya at ipinasok sa loob ng kotse. Pinagbuksan din siya nito ng pinto. Kasama niya palagi ang driver namin sa pagpasok sa trabaho, at wala nang naiiwan dito sa bahay kundi kami lang mag-ina at ang bodyguard naming si Buddy. Ewan ko ba. Wala na talaga akong tiwala sa kahit na sino, lalo na kung hindi namin kaano-ano. Noon kasing mga bata pa lang kami ay kamuntik na akong mapagsamantalahan nang minsang nagkaroon kami ng bisita noon sa bahay ng mga magulang ko. Napagnakawan na rin kami ng mga pinsan namin. Kaya nadala ko na 'yon hanggang sa paglaki ko. Nawalan ako ng tiwala sa kahit na sino. Ako na ang nagkandado ng gate matapos nilang makalabas, at bumalik na akong muli sa loob. Hindi naman umalis sa tabi ng anak ko si Buddy. Mas mabuti pa ngang kasama ang aso. Mas mapagkakatiwalaan pa siya kaysa sa tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD