Queen Sobrang saya nang naging bakasyon namin sa US, kasama ang mag-ama ko. At ang two-weeks' vacation ni Rhys ay inabot ng two-months. Para din kaming nagkaroon ng second honeymoon. Plano ko nga sa susunod na bakasyon namin ay ang family ko naman ang kasama namin, para naman makaranas din silang makasakay ng eroplano at makarating sa ibang bansa. Five months na ang tiyan ko nang umuwi kami ng Pilipinas. Naging maayos naman na at tahimik ang lahat. Nananatili sa kulungan ang mag-inang Brittany at tita Beverly, ang magkapatid na Doctor Romulo at ang mga tao nilang sangkot. Bukod sa mga nurse na nakalaya, dahil napatunayan naman sa korte na tinakot lang sila at pinagbantaan nang magkapatid na Doctor. Nabalitaan din namin na idinamay na rin ng mga preso sa pagsira ang mukha ni tita Beve