Harlie "Buddy, huwag kang sumunod sa akin. Uuwi na ako. Pumasok ka na sa loob." Naririto na ako ngayon sa labas ng gate ng bahay ng mga Luther at patungo na sa kabilang kalsada dahil naroroon ang kotse ko. May kasama akong driver na naghihintay sa akin doon. "Buddy!" tinatawag na rin siya ng guard nila, ngunit hindi niya ito pinapansin. "Ikaw talaga. Do you want to come with me?" Naisipan ko nang umupo sa harapan niya at hinaplos-haplos ang ulo niya. He kissed and licked my face. "Buti ka pa, napaka-sweet sa akin? Pero 'yong amo mo, saksakan ng sungit at manhid," I whispered to him. Hindi ko rin mapigilang yakapin siya. Napakabait niya sa akin. "Pero malayo ang bahay ko. You can't come with me. At saka, hahanapin ka ng masungit mong amo. Baka magalit pa 'yon sa akin at pagbintangan