TWO MONTHS LATER Queen "What happened to your stolen face?" tanong ko kay Brittany, na ngayo'y nasa harapan ko. Kasalukuyan kami ngayong naririto sa loob ng visitors' area nitong piitan. Tuluyan na ngang na-sentensyahan nang panghabambuhay na pagkakakulong ang lahat ng sangkot sa mga kasalanang ginawa sa amin ng mga taong ito. Nabalita sa lahat ng television ang mga nangyari at nag-trending na rin sa mga social media. Naging matunog ang pangalan ko at ni Brittany. Milyon-milyong mga tao ang nakisimpatya sa akin at nagalit naman ng matindi kay Brittany. Nakaabot ito sa loob ng kulungan at nang dahil doon, maging ang mga preso ay nagalit din sa kanila ng matindi. Pinagtulong-tulungan sila ng mga ito sa loob ng kulungan, binugbog at pinahirapan ng husto. Binuhusan din nila ng muriatic a