3 - I'm Sorry

491 Words
NANG mga oras na iyon ay kakagaling lang ni Syhnie sa laboratory room ng mga biochemical engineering student. Kakatapos lang kasi niyang mag-experiment sa subject nilang Phase and Chemical Equilibria. It's an individual experimentation activity actually. At katunayan niyon ay siya ang unang nakatapos sa ipinagawa ng professor nila na ikinamangha nito at ng mga kaklase niya. Pansin din niya ang masamang titig sa kanya ng ilan sa mga kaklase niyang sa hula niya ay may top sa klase. Marahil ay hindi nagustuhan ng mga ito ang pagpapakitang gilas na ipinamalas niya lalo na at transferee lang siya. But the hell she care. Tapos na niya eh, anong magagawa niya. Since wala naman siyang gagawin ay napagpasyahan na lang niyang mauna na sa classroom nila upang magbasa ng libro. Malapit na siya sa classroom niya nang pag-angat niya ng tingin ay natigilan siya sa paglalakad nang makita niya si Joru na nakapamulsang nakasandig sa pintuan ng classroom niya at parang may hinihintay. "What is he doing here?" Kung siya ay nabigla sa pagkakita rito, ang mga babae naman sa paligid ng hallway ay napapalingon dito at kinikilig. Most of them drooled. Hindi na siya magtataka kung bakit, he's adorable and a head turner. Kahit sinong babaeng makakakita rito ay magkaka-crush dito kahit wala itong ginagawa. Ganon kalakas ang appeal nito sa opposite s*x. She just rolled her eyes and sighed. Nang iangat nito ang tingin ay bahagya itong napangiti nang makita siya. Nakapamulsang naglakad ito palapit sa kanya. Napabuga siya. Mukhang alam na niya kung sino ang hinihintay at pakay nito. Nang huminto ito sa harap niya ay may inilabas itong papel mula sa bulsa at tiningnan iyon. "Syhnie Asther Usop, transferee from The University of Louisville, dean's lister, eighteen years old, third year Biochemical engineering, sectio-hey!" Hindi na nito natapos ang binabasa dahil mabilis niyang inagaw ang papel dito. Tiningnan niya iyon at halos ay naningkit ang mga mata niya nang makita sa papel na iyon ang lahat ng informations tungkol sa kanya. Pati ang schedule niya ay nakalagay din doon. 'Great! Just great!' "Where and how did you get this?" hindi makapaniwalang tanong niya at nanggigigil na nilukot iyon. Nakangiting ikinibit nito ang balikat. "You don't need to know. But I'm telling you, I have my ways and source Syhnie." Mahigpit niyang ikinuyom ang mga palad sa sinabi nito. Bakit ba nito ginagawa iyon? Bakit ba siya nito ginugulo? Nilayuan na niya ito tulad ng sinabi at hiniling nito noon pero bakit ngayon ay ito naman ang lumalapit sa kanya? Ano ba ang gusto nitong mangyari? Ang guluhin siya? Damn it! Nang maalala niya ang nakaraan ay tila may kung anong damdamin ang umusbong sa dibdib niya, ang sakit at sama ng loob na naramdaman niya sa lahat ng mga masasakit na salitang binitiwan nito noon. Ayaw man niyang aminin ngunit alam niyang nasasaktan pa rin siya sa nakaraan. Ngunit imbes na magpakaapekto ay pilit niyang pinamanhid ang sarili. "Why are you doing this? What do you want from me?" malamig na tanong niya rito. "Kung may balak ka mang guluhin ako, please stop it. Ayoko ng gulo at mas lalong ayokong ginugulo ako lalo na ngayon." Tinalikuran na niya ito at hindi na hinintay ang sagot nito. Marami na siyang problemang kinakaharap para dumagdag pa ito sa mga iyon. Pumasok na siya sa loob ng classroom at pasalampak na umupo sa upuang nasa likod at malapit sa bintana. Napatanaw siya sa labas at sinamyo ang malamig na simoy ng hangin. She closed her eyes trying to relax herself. Ayaw na niyang isipin ito. Ayaw na niyang magpakaapekto pa rito. "Ang ganda ng view 'no?" Napakislot siya nang marinig na may nagsalita. She opened her eyes when she heard that voice. Boses na kahit yata sa panaginip ay kilalang-kilala niya. Nang tumingin siya sa tabi niya ay hindi na siya nagulat nang makita si Joru na nakatingin sa kanya habang prenteng nakaupo sa upuang nasa tabi niya. He's wearing that killer smile of his again. Imbes na matuwa siya sa presensiya nito ay kumunot ang noo niya. Anong ginagawa nito? At bakit ito pumasok sa classroom nila? "Sobrang ganda talaga ng view," malawak ang ngiting ulit nito habang nakatitig sa kanya. View? Tapos nakatitig sa kanya? Pinagtitripan ba siya nito? Sa sobrang inis niya ay hindi na niya napigilan ang sarili. Isinampal niya rito ang libro niyang nakalapag sa mesa. Yung mukha na nito ang pinuntirya niya. Nagbabakasakali siyang kahit papaano ay mabawasan ang kagwapuhan nito. Nakakaasar eh. "Aray! Ang sakit nun ah! Problema mo?" lukot ang mukhang tanong nito habang sapo ang nasaktang pisngi. "Nagtanong ka pa! Ikaw! Ikaw ang problema ko." "Bakit? Inaano ba kita?" 'Aba't nagtanong ba talaga ang hayop na ito.' "Iyang pagmumukha mo nakakabwisit!" Inirapan niya ito. "At pwede ba, huwag mo akong kausapin, hinahighblood ako. Kaya kung ako sayo, tumahimik ka na lang dahil baka magdilim ang paningin ko at hindi lang itong libro ang maisampal ko sayo!" banta niya. Tumingin ito sa kanya. Tila pilit nitong binabasa ang laman ng isip niya. He opened his mouth, tila may nais itong sabihin sa kanya ngunit sa huli ay napagpasyahan nitong itikom ang bibig at nanahimik na lang. "Why are you looking at me like that?" malamig ang boses na sita niya rito. Parang batang napanguso ito. Bakit ba kahit anong ekpresiyon ang gawin nito sa mukha nito ay ang gwapo pa rin nito. 'Badtrip talaga.' "Wala. Bakit masama ba? May batas bang nagsasabing bawal tumingin sayo?" Namimilosopo na ito ngayon? Saan ba nito natutunan iyon? Kay Grey? Kay Revin? Yung dalawang iyon lang naman ang loko-loko sa mga kaibigan nito. Kaya hindi malabong naimpluwensiyahan ito sa dalawang iyon. Napabuga siya. Bakit ba ang laki na ng ipinagbago nito? Hindi naman ganito kakulit ang Joru na kilala niya dati noong high school siya. Ni kahit minsan kasi ay hindi siya nito kinulit noon. Iniiwasan pa nga siya nito dati eh. Kaya nakakapagtakang nilalapitan at kinakausap siya nito ngayon. "May balak ka ba talagang sirain ang araw ko?" nawawalan ng pasensiyang tanong niya sa pamimilosopo nito. "And one more thing, what are you doing here? Bakit ba nandito ka? Are you stalking me? Sinusundan mo ba ako?" sunud-sunod na tanong niya. "Of course not," tanggi nito. "Just to clear your doubt and queries, I'm taking mechanical engineering, so that means, we are studying in the same building," malawak ang ngiting pagmamalaki nito. Nalukot ang mukha niya sa nalaman. Kung minamalas nga naman. Mukhang lumiliit na talaga ang mundo nilang dalawa. "And how about the paper I crumpled a while ago?" taas ang kilay na tanong niya nang maalala ang papel na naglalaman ng informations tungkol sa kanya. Nakangiting ikinibit nito ang balikat. "Ibinigay lang sakin iyon nina Grey at Revin." "And why would they do that?" taas ang kilay na tanong niya. Marahil ay may kilala ang dalawang iyon sa University kaya madaling nalaman ng mga ito ang informations tungkol sa kanya. Napaisip siya, marahil ay may binabalak ang mga magkakaibigang iyon sa kanya. Kung ano iyon, hindi na niya alam. Muli nitong ikinibit ang balikat. "Well, it's because they only wanted to help me." Blangko ang ekspresyon ng mukhang napatitig siya rito. 'Help? For what?' gusto niyang itanong iyon ngunit mas pinili niyang manahimik. "I just wanted to apologize about what happened before." Tila nabasa nito ang naiisip niya. Natigilan siya sa sinabi nito. Tahimik siyang napatitig dito. Is that so? Iyon ba ang dahilan kung bakit nilalapitan siya nito ngayon? Dahil nakokonsensiya at nagiguilty ito sa p*******t nito sa kanya noon? Ilang sandali pa'y napaisip siya. Alam niya, kapag hindi niya tinanggap ang apology nito ay guguluhin lang siya nito at hindi titigilan. Ayaw niya kasing may gumugulo sa kanya ngayon dahil marami siyang problemang kinakaharap. Ayaw na niyang madagdagan iyon nang dahil dito. "If I accept your apology, lalayuan at titigilan mo na ba ako?" walang emosyong tanong niya. Nabura ang ngiti sa mga labi nito sa sinabi niya at saglit na natigilan. Sandali itong hindi nakaimik. Nang taasan niya ito ng kilay ay mabilis nitong iniiwas ang tingin. "Uhmm." Tumikhim ito. "S-siguro." Napaisip siya sa sagot nito. "Well then, I accept your apology," walang pagdadalawang isip na sagot niya. Lumiwanag ang mukha nito dahil sa sinabi niya. Gumuhit ang isang nagbubunying ngiti sa mga labi nito. "Yes! Thank you!" masaya at kumikislap ang mga matang sabi nito. "Sabi mo iyan ha! Wala nang bawian!" "Yeah, then you should do what you told me. Stay away from me Josh Rounin at huwag mo na akong guluhin." Isang nakalolokong ngiti ang gumuhit sa mga mapupulang labi ng binata. Kumunot ang noo niya. "What's that smile supposed to mean?" Nakangising tumayo ito at nakapamulsang tumayo sa harap niya. Akmang aalis siya sa upuan upang iwasan ito ngunit mabilis nitong itinukod ang mga kamay nito sa handle ng upuan. Nanlaki ang mga mata niya nang makorner siya nito. "H-hey! What are you planning to do?" kinakabang tanong niya rito nang unti-unti nitong inilapit ang mukha sa kanya. Halos ay hindi na siya humihinga nang mga oras na iyon dahil sa matinding kabang nararamdaman. Ganun man ang nararamdaman niya ay pinilit niyang huwag ipakita iyon dito. Hangga't maaari ay ayaw niyang ipakitang apektado pa rin siya rito. "Hey! What are you going to do?" Isang ngiti lang ang isinagot nito sa tanong niya. Nagpatuloy ito sa paglapit ng mukha nito sa kanya. Pigil ang hiningang napahigpit ang pagkakahawak niya sa bag niya. Huminto lang ito nang ilang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha nila. Sa pagkakalapit ng mukha nila ay ramdam niya ang mainit at mabango nitong hininga na tumatama sa mukha niya na nagpalala sa eratikong pagtibok ng puso niya. Pakiramdam niya'y tila nanghihina siya nang titigan siya ng mga mata nitong iyon. Ang mga matang iyon na hiniling at pinangarap niyang sulyapan siya noon ngunit ipinagdamot nito. "Joru.." Halos ay mabingi na siya sa lakas ng t***k ng puso niya nang mga oras na iyon. Damn! Bakit ba ang lakas pa rin ng epekto sa kanya ng lalaking ito? "Don't worry I will not harm you," nakangiting sabi nito. Will not harm? Seriously? Yeah, he will not harm her physically but her heart is in danger again! Damn! She can't fall for him again! Not this time! Hindi na pwede! Dahil alam niya, masasaktan lang ulit siya rito. At iyon ang hindi niya mapapayagan. "Stay away fro-" Nabitin sa ere ang balak sana niyang sabihin nang walang babalang hinalikan siya nito sa pisngi. Dahil sa matinding gulat ay hindi siya nakahuma at natulala. Tila biglang tumigil sa pagtibok ang puso niya sa ginawa nito. Pigil ang hininga at tila nakalutang sa ulap na napahawak siya sa pisngi. Nang makita ng binata ang naging reaksiyon niya ay lihim itong napangiti. "It's nice to see you again Syhnie Asther. And I swear, hinding-hindi na kita hahayaang mawala ulit sa paningin ko because I will keep my eyes on you. I will never stop looking at you Syhnie Asther Usop." ---------- NANG mga oras na iyon ay vacant time ni Syhnie kaya nasa library siya at nagtatrabaho roon. Ngayon ang unang araw niya. Napatigil siya sa ginagawa nang maramdaman ang pagkalam ng sikmura niya. Napabuntong hininga siya. Dala na rin ng pagtitipid ay napagpasyahan niyang huwag na lang siyang kumain. Nang makarinig siya ng mga yabag ay napalingon siya at ganon na lang ang pagsalubong ng kilay niya nang makita si Joru na nakamasid sa kanya. "What are you doing here?" naiiritang tanong niya rito. Nang maalalang ninakawan siya nito ng halik kaninang umaga ay napasimangot at napaingos siya. "I know your schedule remember?" sagot nito at nakapamulsang naglakad palapit sa kanya. Napatigil siya sa ginagawang pag-aayos ng libro at mariing ipinikit ang mga mata. Oo nga pala. Alam nito ang schedule niya. Lihim na lang siyang napamura. Isa lang kasi ang ibig sabihin niyon, alam nito kung saan siya nito hahanapin. That only means, kahit anong iwas at pagtatago ang gagawin niya ay hindi niya ito matatakasan. Mahahanap at mahahanap lang siya nito anumang oras nito gusto. "And one more thing, tigilan mo nga ako sa pagsusungit mo. Hindi ba't pinatawad mo na ako? So it means okay na tayo." Tumaas ang kilay niya. So, he's expecting na dahil lang pinatawad na niya ito ay pwede na itong lumapit sa kanya, ganoon? Well, he got it all wrong. Maaaring napatawad na niya ito, but it doesn't mean ay pwede na siya nitong lapitan at kausapin kung kailan nito gusto. Pinatawad lang naman niya ito dahil nagbabakasakali siyang titigilan na siya nito ngunit mukhang nagkamali siya ng desisyon at akala. "Yes I forgave you but it doesn't mean pwede mo akong lapitan anumang oras mo gusto. Umalis ka na, busy ako," pagtataboy niya rito at pinulot ang mga librong nagkalat sa sahig. "What are you doing?" Nang sulyapan niya ito ay nakita niyang salubong ang malalagong kilay nito habang nakatingin sa mga pinupulot niyang libro. "I don't have time to answer your question. Just leave, okay?" malamig na pagtataboy niya. Nagpatuloy siya sa ginagawa at ibinalik ang mga libro sa tamang lalagyan ng mga iyon. "Bakit ikaw ang gumagawa niyan?" muling tanong nito ngunit hindi niya ito pinansin. "Itigil mo na nga iyan!" saway nito at pinigilan siya ngunit mabilis niyang ipiniksi ang kamay nito. "Pwede ba?! Just leave!" Hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Kumain ka na ba? It's already 12 o'clock." "Tapos na," tipid na sagot niya at nagpatuloy sa ginagawa. Ngunit napangiwi siya nang muli na namang kumalam ang sikmura niya. Hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig nito. "Kumain pero tumutunog iyang tiyan mo? Seriously?" salubong ang kilay na tanong nito. "Magsabi ka nga sakin ng totoo, kumain ka ba o hindi?" "Kumain na ako." "Don't play a fool on me Syhnie!" Mariin niyang ipinikit ang mga mata at napabuntong-hininga. "Alright, hindi ako kumain. Satisfied? Now get lost!" "Are you killing yourself?" "So, what? The hell you care," pambabalewala niya sa reaksiyon nito. Sukat sa sinabi niya ay hinawakan nito ang kamay niya at hinatak siya. "Whether you like it or not, you'll come and eat your lunch with me!" "Ano ba! Stop dragging me!" Ipiniksi niya ang kamay nito. "Huwag mo nga akong pakialaman! Kailangan ko pang tapusin ang trabaho ko!" Napahinto ito sa paghakbang. "Trabaho?" Salubong ang mga kilay at nagtatanong ang mga matang hinarap siya nito. Nakalarawan ang matinding pagkalito sa mukha nito. "I'm a working student," mahina at malamig ang boses na sagot niya. "What?!" gulat at hindi makapaniwalang bulalas nito. "Papaanong nangyari iyon?" naguguluhang tanong nito. Ipiniksi niya ang kamay nito. "That's none of your business!" Muli niya itong tinalikuran at itinuloy ang ginagawa. Hindi na niya kailangan pang sabihin dito ang dahilan kung bakit kailangan niyang magtrabaho. Alam naman kasi niyang makakaramdam lang ito ng awa sa kanya at iyon ang hindi niya mapapayagan. Nahihirapang pinulot niya ang mga mabibigat na libro. Ang buong akala niya ay umalis na ito. Ngunit paglingon niya ay nagulat at natigilan siya nang makita niya itong nagpupulot ng libro sa sahig. "W-what are you doing?" maang na tanong niya. "Obvious ba? Tinutulungan ka." Isinilid nito ang mga napulot na libro sa bookshelf. "If you're tired, magpahinga ka na. Ako na lang ang tatapos nito." "Stop it! Trabaho ko ito kaya umalis ka na!" pagtataboy niya at itinulak ito. "Kung kailan ko gustong lumapit sayo tsaka mo naman ako ipagtatabuyan palayo. Syhnie, please just let me do this. Ayokong nahihirapan at napapagod ka." Natigilan siya sa sinabi nito. Tila may mga kamay na humaplos sa puso niya. "W-why are you doing this?" may bikig sa lalamunan at naluluhang tanong niya rito. "Gusto ko lang bumawi sa mga nagawa kong kasalanan sayo noon. Kaya hayaan mo na lang ako sa mga ginagawa ko, please," nagsusumamong pakiusap nito. "Just leave please." "Syhnie.." Nagmamakaawang napatitig ito sa kanya. "Leave!" Hindi ito tuminag sa sinabi niya. "I said leave me alone! I don't need you here!" malamig na bulyaw niya rito. "Fine." Walang nagawa ang binata kundi ang malungkot at bagsak ang balikat na iniwan siya sa lugar na iyon. Tila nanghihina at naninikip ang dibdib na napasandig siya sa malaking bookshelf. Habang pinagmamasdan niya ang papalayong binata ay hindi na niya napigilan ang sariling mapahikbi nang sunud-sunod na pumatak ang mga luha niya. Ayaw man niyang aminin ngunit alam niyang may puwang pa rin ang binata sa puso niya. Ang buong akala niya, wala na siyang nararamdaman dito. Akala niya, nakamove on na siya. Akala niya nakalimutan na niya ito ngunit nagkamali siya. Dahil ang pagmamahal niya rito na akala niya'y wala na ay nakatago lang pala sa isang sulok ng puso niya. Naghihintay na mabuhay ulit upang muling maghilom ang mga sugat niya at upang muling mabuo ang nagkapira-piraso niyang pagkatao nang iwan niya ito limang taon na ang nakararaan. Umiiyak na tinutop niya ang bibig. "I'm so sorry Joru. I'm so sorry for everything."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD