bc

THE HEART BREAKER TEAM SERIES Book 1: MR. RACER BREAKER

book_age16+
2.1K
FOLLOW
8.2K
READ
possessive
playboy
goodgirl
independent
sporty
drama
bxg
campus
basketball
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Heartfield University Basketball Team is also known as The Heartbreakers Team. Marami man silang napaluha, girls can't just get enough of them. They are the kings and every girl loves them, every boy envied them.

But what if these heartbreakers fell in love and got their heart broken instead?

chap-preview
Free preview
1 - It's Her
"DAMN!" lihim na napamura si Joru nang makita ang maraming misscalls at text sa cellphone niya. Those unanswered calls and texts came from Heirah Mendoza, his scheduled date for today. Napag-usapan kasi nilang lalabas sila pagkatapos ng practice niya sa basketball. Papaanong hindi siya nito tatawagan, late na siya ng isang oras sa usapan nila! Isa-isa niyang binasa ang mga text messages ng babae sa kanya. Batay doon ay kanina pa nasa meeting place nila ang babae at hinihintay siya. Base na rin sa mga text nito ay galit at nagtatampo na ito sa kanya. Pakiramdam niya'y umakyat na ang lahat ng dugo niya sa ulo at napahigpit ang pagkakahawak niya sa aparato sa mga nabasa niya. Wala na! Naunsiyami na ang date niya! Nanggigigil at nag-iinit ang ulong tiningnan niya ng matalim ang isa sa mga kaibigan at kateam mate niya sa basketball na si Revin. It's all his fault! He should be the one to blame! Kung hindi dahil sa kagagawan at kalokohan nito ay hindi sana sila mago-overtime sa basketball practice nila. Dapat sana ay tapos na ang practice nila kanina pa. Ngunit nang paalis na sila ng gym ay ibinato at ipinasa ni Revin ang bola kay Grey. Hindi naman nasalo ni Grey ang bola kaya tumama iyon sa isang babae. Dahil sa maawain at mapagmalasakit ang Coach nilang si Ivo sa ibang tao ay inutusan nito ang bagong kateam-mate nila na ipunta ang babaeng tinamaan ng bola sa clinic. At ang ending, sila naman ang pinahirapan ng mala-monster at walang puso nilang Coach. Pinatakbo at pinag-push up lang naman sila nito ng isang oras. Ang bait nito 'di ba? Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat. Lahat damay-damay. Sabi nga ng coach nila, unity and teamwork! Dapat sa paglalaro ay mayroon sila nun, maging sa mga punishment ay kasali na rin doon. And damn that rule! Ngunit kahit ayaw niya sa rules na ibinigay ng coach nila, he needs to follow them because he is the team captain. He's obliged to carry all the duties and responsibilities to make the team on top. Kaya seryoso at mahigpit siya sa paglalaro ng basketball kahit gaano pa siya kapasaway sa ibang bagay. It's because he never accept defeat. And so are his friends. Defeat has no room for their team. That used to be their life in The Heartfield University Basketball Team, o mas kilala sa pangalang The Heartbreakers Team. Kilala ang team dahil sa kanilang lima, si Revin na point guard, si Rowie bilang shooting guard, si Grey bilang power forward, si Van bilang small forward and him, Josh Rounin Caranagan known as Joru, the team captain, and the center player with a jersey number 1. They're famous and loved by everybody because they are the best players in all of the Universities in town. A lot of girls swoon, drool and head over heels in love with them because they have everything a girl dreams for a perfect prince charming. And he uses that charm to get all the girl he wanted. At ngayon ay pumalpak siya dahil kay Revin. And he just couldn't accept that. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng kambal. Kinakabahang siniko ng isang kambal ang kapatid nang makita ang itsura niya. "What?!" asik ng isa. Inginuso siya ng isa sa mga kambal kaya naman ay nagtatakang napasulyap ito sa kanya. At ganon na lang ang pamumutla ng mukha nito nang makita ang itsura niya. "W-What's wrong Joru?" kinakabahang tanong nito. "Uh-oh, mukhang alam ko na ang dahilan ng mga titig na iyan," natatawang sabi ni Grey habang nagpupunas ng pawis. "You're dead meat Revin." "Yeah, for sure, hindi na matutuloy ang date niya," humahalakhak na dugtong ni Van at uminom sa gatorade na hawak. "Am I right captain?" Both of them smiled at him devilishly. Ang mga hayop. At tuwang-tuwa pa! Lalo siyang nakaramdam ng inis dahil doon. "Wala na yung date ko and it's all your fault!" paninisi niya sa isang kambal at kinuwelyuhan ito. "Late na ako sa usapan namin ni Heirah dahil sa ginawa mo." "Wait, anong kasalanan ko? Bakit ako?" naguguluhang tanong nito at itinuro ang kambal nitong nakatayo sa tabi nito. "Siya si Revin." "Excuse me! Sinungaling ka! Ikaw kaya si Revin!" sagot ng isa. "Hindi ah! Ikaw kaya! Ako si Rowie!" giit ng isang kambal. "Hindi! Ako si Rowie! Ikaw si Revin!" "Hindi! Ikaw!" "Ikaw!" Naguguluhang pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa. Pilit na kinikilatis ang mukha kung sino si Revin at kung sino si Rowie na saktong magkapareho pa ng suot nang araw na iyon. Nahilo na siya't lahat-lahat ay hindi pa rin niya maidentify ang mga ito. And at the end, he failed to recognize them. Bakit ba kasi sobrang identical ang dalawang ito? Sumasakit ang ulong binitiwan niya ang mga ito. "Bahala na nga kayo r'yan!" Tinalikuran na niya ang mga ito. "Hey! Where are you going?" habol na tanong sa kanya ng apat na kaibigan. Tumigil siya sa paglalakad at binigyan ang mga ito ng malademonyong ngiti. "I'm going to hell. You wanna come?" "No, thank you!" "Never mind!" "Just go by yourself dude!" "Happy trip na lang pare!" Panay ang tanggi ng mga ito sa kanya. Kilala na kasi siya ng mga kaibigan. Kapag ganoon na ang mga isinasagot niya ay lumalabas ang pagiging drag racer niya. He drives like he's in a race. At iyon ang pinakaiwas-iwasan ng mga ito sa kanya. Ewan ba niya sa mga ito, takot na takot ang mga ito kapag may pupuntahan sila at siya ang may hawak ng manibela. Sabi ng mga ito ay reckless driver daw siya, eh hindi naman, nasanay lang kasi siyang magdrive ng mabilis dahil hobby niya ang drag racing. Ang totoo niyan, maliban sa hilig niya sa paglalaro ng basketball, ay mahilig din siya niyon. Mula pagkabata ay umikot na ang mundo niya r'on. Kaya naman ay hindi nakakapagtakang naging tanyag at eksperto siya sa sports na iyon dahil sa lahat ng sinasalihan niyang drag racing ay siya ang nananalo. No one has ever beat him when it comes to that. "Fine!" naiiling na tinalikuran na lang niya ang mga ito at nakapamulsang naglakad palayo. Papunta siya sa parking lot ng Engineering Department. Doon kasi niya ipinark ang Ferrari sportscar niya dahil may kalayuan din ang parking lot ng Heartfield University sa building nila. At ayaw niyang mapagod sa paglalakad lalo na at nasa 6th floor pa ang classroom nilang mga Mechanical Engineer. "Hoy Joru umuwi ka na ha! Gumagabi na! Huwag ka nang maghanap ng babae ngayon! Baka ibang eba pa ang mahanap mo!" natatawang habol at paalala sa kanya ni Grey. Isang kaway lang ang isinagot niya sa sinabi nito. Pagod na din siya para maghanap pa ng babae ngayon. Ikaw ba naman ang tumakbo at magpush up ng isang oras. He needs to rest! He needed his bed tremendously! "Hayan na siya! Hayan na siya!" Malayo pa lang siya ay dinig na niya ang impit na tili ng mga kababaihan sa di kalayuan. "Oh my gosh! Ang gwapo talaga ni Joru!" "Gosh! Mahawakan ko lang siya sa kamay, pwede na akong mamatay!" Isa-isa niyang tiningnan sa mukha ang mga babaeng nadadaanan niya. Ayaw man niyang aminin ngunit wala siyang magustuhan ni kahit isa sa mga ito. Ang tipo kasi niya sa mga babae ay maganda, sexy at matangkad. Yung babaeng babagay sa mukha, katawan at height niya. Ganoong babae ang tipo niya. At sa mga babaeng nakapaligid ngayon sa kanya, height pa lang ay bagsak na ang mga ito. "Not my type," naiiling na bulong niya at hindi pinansin ang mga ito. Nagpatuloy siya sa paglalakad at nilampasan ang mga ito. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din siya sa building ng engineering department. Agad niyang tinungo ang sportscar niya sa parking lot ng building. "Joru!" Akmang papasok na sana siya sa sasakyan nang marinig na may tumawag sa pangalan niya. Kunot-noong nilingon niya kung sino iyon at tumaas ang isang sulok ng labi niya nang makilala kung sino iyon, si Cristine, ang isa sa mga babaeng kabilang sa mahabang listahan ng flings niya. Nagmamadaling lumapit ito sa kanya. "Joru please, umalis ka na rito sa university. I beg you," hinihingal na pakiusap ni Cristine sa kanya. Lalong kumunot ang noo niya sa sinabi nito lalo na at nakalarawan ang matinding takot at pagkabahala sa mukha nito. "And why?" salubong ang kilay na tanong niya. "I'm worried and scared for you. Si Andrew kasi," she's referring to her boyfriend. Hindi man nito sabihin ay tila nahuhulaan na niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Mukhang nalaman na yata ng boyfriend nitong kinalolokohan siya ng girlfriend nito. At malamang ay gusto na siyang patayin ng lalaki. Hindi na siya magugulat doon. What's new? He's expecting for it to happen anyway because he is a relationship wrecker. Palagi namang ganoon ang nangyayari kapag ang nakakafling niya ay mayroon nang karelasyon. Parang normal na lang ang lahat ng iyon sa kanya. Hindi naman siguro siya masisi ng kahit na sino lalo na at ang mga babae na ang mismong nagbibigay sa kanya ng motibo. Sino siya para tumanggi sa grasya? Well, he can't blame those girls. Hindi naman sa nagbubuhat siya ng sariling bangko pero gwapo talaga siya. No one can ever resist his charm especially his stares and smiles. He can make anyone captured by his charm, hypnotized by his eyes and fall for his smile in just a second. Ganon lang kadaling magpaibig ng babae ang isang Josh Rounin Caranagan. At sa edad niyang disi-nuebe ay marami na siyang napaikot na babae. Sa dami ng dumaang babae sa kamay niya ay hindi na niya mabilang at wala siyang mamukhaan o ni matandaan man lang sa mga ito dahil walang nagtatagal sa kanya. He never care to remember any of them anyway. Ni kahit minsan ay wala pa siyang sineryosong babae sa tanang buhay niya. At wala siyang balak magseryoso. Kung gaano niya kadaling paibigin ang isang babae ay ganon naman kahirap hulihin ang mailap at malikot niyang puso. "Narinig kong ipapabugbog ka niya kasi nalaman na niya ang tungkol satin." "Satin?" taas ang kilay na ulit niya at napahalukipkip. Patuyang tiningnan niya ito at pagkuwa'y napangisi. "You're only one of my flings so please don't assume too much. Because right from the very start, alam mong wala naman talagang tayo." Tumaas ang sulok ng labi niya nang makitang rumehistro ang lungkot at sakit sa mukha nito. Imbes na makaramdam siya ng awa rito ay natawa na lang siya. Sanay na siyang may nasasaktan siya kaya balewala naman talaga lahat ng iyon sa kanya. He's heartless and he's aware of that. "Don't worry, I can take care of myself. So you don't have anything to worry about." Sumakay na siya sa kotse niya. May alam siya sa martial arts kaya naman kahit anong gulo ang suungin niya ay makakaya niyang depensahan at protektahan ang sarili. Kung magkagalos naman siya ay mga konting daplis lang. His father trained him a long time ago since their family owns the Sherlock Home Agency, it's a Detective and Security Agency. So obviously, he's not scared of anyone, even that Andrew. Kung gusto talaga nito ng away, puntahan siya nito at sinisiguro niyang hindi niya ito uurungan. Sanay na siyang napapaaway nang dahil sa pagiging babaero at gago niya kaya hindi na siya natatakot pang masangkot ulit sa kahit na anong gulo. Ilang beses na ba siyang napasali sa gulo dahil sa pagiging babaero niya? Ten? Thirty? Fifty? He's not sure. Hindi na niya matandaan at mabilang sa sobrang dami. And he never care of it at all. Nang may maalala ay ibinaba niya ang bintana ng sasakyan niya at sinulyapan ang babaeng malungkot na nakatingin sa kanya. "By the way I forgot something. Don't act as if you're my f*****g worried girlfriend because you will never be. And please just forget about me because you've reached your finish line sweetheart, so bye and thanks for everything," pagkasabi niya niyon ay pinaandar at pinaharurot na niya ang kotse niya. Medyo nakakalayo na rin siya nang pagkatapat niya sa library ay bigla na lang may mga lalaking nakasakay sa apat na motor ang humarang sa daraanan niya. Mabuti na lang at agad siyang nakapagpreno dahil kung hindi ay sa hospital o morge pupulutin ang mga ito. "What's wrong with these jerks?" salubong ang kilay na tanong niya at agad na bumaba ng sasakyan niya. Taas ang kilay at nakahalukipkip na hinarap niya ang mga ito. "Who the hell are you? And what the fvck is your problem with me?" Bumaba ang isa sa mga lalaki at tinanggal ang suot na helmet. Awtomatikong sumilay ang nakalolokong ngiti sa mga labi niya nang mamukhaan si Andrew. "Alam mo na siguro ang dahilan kung bakit kaharap mo ako ngayon." Nakakuyom ang kamaong lumapit ito sa kanya kasama ang tatlo pa nitong kaibigan. "Yeah of course I do." He smirked at him. "It's because of your flirty girlfriend." "Damn you!" Nanggigigil na pagmumura nito at sinuntok siya. Hindi niya napaghandaan iyon kaya naman ay hindi agad siya nakailag at natumba sa semento. Sinamantala naman nito iyon. "Gago ka!" Pinagsusuntok siya nito. Damn him! Anong gusto nitong gawin sa kanya? Sirain ang mukha niya? Sino ang nagbigay ng permiso ritong gawin iyon sa kanya? How dare him! He swear, he will pay for it! Bago pa man ulit siya nito masuntok ay mabilis niya itong tinadyakan sa pinakaiingatan nito. Halos ay mamilipit na ito sa sakit dahil sa ginawa niya. Tinaasan lang niya ito ng kilay. Ano? Masakit? The hell he care. It's part of his defense anyway. Sinuntok siya nito sa mukha at iyon ang kabayaran ng ginawa nito. So, it's a tie. "Bugbugin niyo iyan!" halos ay mangiyak-ngiyak na utos nito sa mga kaibigan nito. Agad naman itong sinunod ng tatlo. Dinaluhong siya ng mga ito. Nagkagulo na sila roon. Suntukan dito, suntukan doon. Hindi naman siya nagpatalo at nanlaban siya. "Stop that! You freak bad boys! If you want to kill each other, don't do it here!" Natigilan sila nang marinig ang boses ng isang babae sa likuran niya. Kumunot ang noo niya. Sa totoo lang ay hindi niya nagustuhan ang pangingialam nito. "You four! Leave now or else I'll call the guard to send you in the guidance office!" pananakot pa nito sa apat. "Tara na." Patulak siyang binitiwan ng isa sa mga lalaki dahilan para mapasubsob siya sa semento. Sumakay na ang mga ito sa kanya-kanyang motor. Binigyan muna siya ng nakamamatay na tingin ni Andrew bago nito pinasibad ang motor palayo. "Coward," bulong niya at napailing-iling. Babae lang iyon, kinatakutan pa ng mga ito? Babae lang pala ang katapat ng mga ito. Lumipat ang tingin niya sa babaeng namagitan sa kanila nang linampasan siya nito. Likod lang nito ang nakikita niya kaya tahimik niyang pinag-aralan ang kabuuan nito. And he couldn't helped himself to admire her from that view. Maliban kasi sa maputi at matangkad ito ay sobrang sexy nito lalo na at naka-school uniform ito ng maiksing palda. 'Damn! That's my type!' Now he starts to wonder how she looks like. Gumana na naman ang pagiging chickboy niya kaya naman ay gusto niya itong makita at makilala. At last! He just found a new prospect to flirt with. "Hey!" tawag niya sa pansin nito ngunit tila wala itong narinig dahil patuloy lang ito sa paglalakad palayo sa kanya. 'Did she just ignore me? What the hell?' Nakaramdam siya ng inis sa pambabalewala nito sa kanya. Puwes kung iniisip nitong susuko na lang siya ng ganoon ay nagkakamali ito. "Hey Miss! Aren't you going to help me here? Bugbog sarado na ako o," tila nagpapaawang tanong niya. Napangiti siya ng matagumpay nang huminto ito sa paglalakad. 'It worked!' Pakiramdam niya'y naexcite siya nang dahan-dahan siya nitong nilingon. Halos ay pigil na pigil na niya ang paghinga nang mga oras na iyon habang hinihintay na makita ang buong mukha nito. Ngunit pareho silang natigilan nang makita ang isa't-isa. Ganon na lang ang pagkatigagal niya nang mamukhaan niya ito. Unti-unting nabura ang ngiti sa mga labi niya. Is it her? For real? No! It can't be! Maybe, it's just part of his illusion. Siguro, nahilo lang siya kaya kung anu-ano na lang ang nakikita niya. "Huwag kang oa!" ito ang unang nakahuma sa kanilang dalawa. "Itinulak at sinuntok ka lang, hindi ka na makatayo? Ang drama mo," taas ang kilay na sabi nito. "Sa nakikita kong kalagayan mo ngayon, ayos na ayos ka naman. So obviously, you don't need my help." Inirapan muna siya nito bago siya nito tuluyang tinalikuran. Ang ngiti sa mga labi niya kanina ay tuluyan nang nawala. Naiwan siyang natitigilan at natutulala sa pagkakakita rito. Ilang taon na rin ang nakalilipas nang huli niya itong makita. And he didn't expect that she'll turn into a voluptuous and gorgeous girl like that. Sigurado siya, kahit sinong lalaking makakakita rito ay tiyak na magkakagusto agad dito. Nang mahimasmasan siya ay mabilis niyang hinagilap ng tingin ang babae ngunit pasakay na ito sa isang kotse. Kaya wala siyang nagawa kundi ang sundan na lang ito ng tingin. -------- "WHAT happened to your face?!" Pagkauwing-pagkauwi niya sa malamansiyon nilang bahay ay iyon agad ang bumungad kay Joru. Nag-aalalang sinalubong siya ng inang si Rowena Caranagan. Hinawakan nito ang mukha niya at sinipat ang mga sugat at blackeye niya. "Manang! Magdala ka nga rito ng gamot," utos nito sa isang kasambahay nila. "Oh my god! Pumutok pa itong labi mo. Should I take you to the hospital?" nag-aalala at naghi-hysterical na tanong nito. Salubong ang kilay na pinalis niya ang kamay nito at tinalikuran ito. "Mom stop it. You're over reacting again. It's nothing," aniya at nakasimangot na sumalampak ng upo sa sofa. "Anong nothing? Tingnan mo nga iyang itsura mo? Dinaig mo pa ang bugbog saradong mukha ni Manny noong natalo siya sa boxing!" sermon nito. "Sabihin mo nga sakin, nakipag-away ka na naman ba?" naghihinalang tanong nito. "What's new? Hindi ka pa ba nasanay diyan Ma?" He rolled his eyes when he heard the voice of his eldest brother, Tyron Blake. Pababa ito ng matarik at mataas nilang hagdan habang naglalaro ng NBA sa tablet nito. "Shut up Blake!" anggil niya rito. Nginisihan lang siya nito at umupo sa kaharap nilang upuan. "For pete's sake Josh Rounin! Grow up!" "Mom, I grew up already. See? Ang tangkad ko nga 'di ba?" pamimilosopo niya. "That's not what I mean!" singhal nito at pinanlakihan siya ng mga mata. "Look at you, you're like a mess! Kailan ka ba titigil sa mga kalokohang pinaggagagawa mo sa buhay mo? Hindi ka ba napapagod sa mga nangyayari sa'yo? God! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayong bata ka! Kailan ka ba talaga magtitino ha?" mahabang litanya ng ina. "Ma seriously? Kailan ka rin ba mapapagod sa kasasabi ng linyang iyan? Wala na bang bago? Gasgas at luma na eh. Move on move on din 'pag may time," pagbibiro ng kuya niya. "Isa ka pa!" anggil ng mommy nila at binato ito ng throw pillow. Tatatawa-tawang sinalo naman iyon ng kuya niya. "Pare-pareho lang kayong magkapatid." "Ma'am heto na po yung gamot." Inilapag ng kasambahay nila ang mga gamot sa center table. Nang matapos ay umalis din ito agad upang ipagpatuloy ang ginagawa sa kusina. Sinimulan namang gamutin ng mommy niya ang mga sugat niya. "Kanino pa ba kami magmamana?" sagot niya sa sinabi ng ina. "Ah ganon?" Idiniin naman nito ang panggagamot sa kanya kaya napahiyaw siya. "Aray Ma! Masakit! Dahan-dahan naman!" nakangiwing maktol niya. "Magtiis ka! Kung hindi ka nakipag-away hindi ka sana nasasaktan ngayon!" pakli nito na ikinasimangot niya. "Pareho talaga kayong magkapatid. Ang titigas ng mga ulo niyo." "As if naman," nakangusong singit ng kuya niya. "Di hamak na mas matino naman ako r'yan." "Eh di ikaw na! The best ka!" He rolled his eyes. "Naman! Magbago ka na kasi. Lagi mo na lang pinapasakit ang ulo ni Mama e. Maawa ka naman sa kanila ni Dad." Hindi siya kumibo sa sinabi nito. "Don't worry mom, magtitino rin iyan kapag nainlove iyan." Kumunot ang noo niya. "Inlove?" salubong ang kilay na ulit niya. "Never Blake! Never! Itaga mo 'yan sa noo mong kasinglawak ng paliparan ng eroplano." "Gago!" Ibinato nito sa kanya ang throw pillow na nasa tabi nito. Tumatawang sinalo naman niya iyon. "Oo, matagal nang nakataga sa malapad kong noo ang katotohanang na in love na dati ang kapatid kong siraulo!" "Talaga? Kanino naman aber?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Kanino pa ba? Eh di kay Syhnie! Kay Syhnie Asther Usop na iniwan ka at naglahong parang bula."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.8K
bc

That Professor is my Husband

read
505.6K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
610.6K
bc

He's Cold Hearted

read
161.5K
bc

Married By Mistake

read
171.9K
bc

His Precious Property

read
617.0K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
700.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook