2 - Your Only Love

997 Words
NANG mga oras na iyon ay abala si Syhnie sa pagbabasa ng libro habang nakaupo sa mahabang sofa sa private room ng Dad niya sa hospital nang maalala ang nangyari kanina pagkalabas niya ng library. Nakita lang naman niyang pinagtutulungan ng isang grupo ng mga lalaki ang isang lalaki. She's not expecting na may mga ganoon palang estudyante sa Heartfield University. Mga basagulero. Heartfield University is well-known as a high class and a prestigious university. Kaya ganon na lang ang pagtataka niya sa nakita. How come na may mga ganoong klaseng estudyante sa university na iyon? Napapangiwi na lang siya matinding disappointment nang mga oras na iyon. Ayaw sana niyang makialam lalo na at may sarili siyang problema sa buhay ngunit bigla siyang sinundot ng konsensiya niya. At dahil hindi na niya maatim na panuorin kung paano ito suntukin ng mga lalaki ay namagitan na siya. Pasalamat na lang siya dahil nadala niya ang mga lalaki sa pananakot niya. Halos ay nakahinga siya ng maluwag nang umalis na ang mga ito. Wala sana siyang balak kausapin at pansinin ang lalaking tinulungan niya but it seemed like he's too persistent to get her attention. So in the end, she decided to stop from walking and looked at him. At parang gusto niyang magsising lumingon pa siya nang mamukhaan kung sino ang lalaking tinulungan niya. Walang iba kundi si Joru, ang lalaking sobrang minahal niya noon. Aaminin niya, ang pagbabalik niya sa Pilipinas ay hindi ganon kaganda. Marami kasi siyang problema ngayon. First, her dad is in the hospital because of brain cancer. Wala sana siyang balak umuwi kung hindi lang dahil sa kalagayan nito lalo na at silang tatlo na lang ng Kuya Aaron niya ang magkakasama. Bata pa lang kasi siya ay pumanaw na ang mommy nila. Second, nalulugi na ang company ng pamilya nila. Third, wala na silang sapat na pera na gagamitin para sa pagpapagamot ng Dad niya. Fourth, napilitan siyang mag-apply ng scholarship sa bagong university na lilipatan niya, ang Heartfield University. Sa awa ng Diyos agad naman siyang natanggap dahil matataas ang mga grado niya. Sa pinanggalingan kasi niyang university ay Dean's lister siya at siya ang laging nangunguna sa batch nila. She's a junior student taking up Biochemical Engineering. Marami sa mga kamag-aral niya sa dati niyang pinapasukang University ang nagtataka sa diperensiya at pagitan ng edad niya sa mga ito. A lot of them asked her why she's too young to become a college student. Alam naman ng marami na malaki ang difference ng Educational System ng Pilipinas at America. But she took the General Educational Development Test for her to meet the requirements and school standards. And when she passed that test, she received a certificate of high school equivalency. And now, her brother even decided to sell his own car para may pambayad sila sa ospital at para may gagamitin sila sa pansamantalang pampagamot ng dad nila. Binawasan na rin nila ang mga kasambahay nila sa bahay dahil wala na silang sapat na pera na ipapasuweldo sa mga ito. Ang tanging natira na lang na kasama nila roon ay ang mayordoma nila na itinuring nilang pamilya at pangalawang ina. Wala na rin kasi itong pamilya na uuwian kaya napagpasyahan nitong manatili sa kanila. Ibinenta rin niya ang mga mamahalin niyang mga alahas at gamit para lang may allowance sila. Wala na siyang pakialam kahit gaano pa kahalaga ang mga iyon sa kanya. She'd rather choose losing those expensive jewelries than losing her father. She loves her dad so much. Para sa kanya, mas mahalaga pa rin ito kahit sa anong bagay sa mundo. Mawala na ang lahat sa kanya, huwag lang ito. So, here she is, willing to sacrifice everything just to save her father's life. Ayaw naman niyang maging pabigat pa sa kapatid. Kaya napag-isip-isip niyang tulungan ang kuya niya upang hindi ito mahirapan. Besides, magkapatid sila, so she need to do her responsibility as his sister and as a daughter to their father. Alam niyang mahirap maging working student ngunit kailangan niyang kayanin iyon alang-alang sa dad niya. Kapag vacant niya ay magtatrabaho siya sa library ng university. Pagkatapos naman ng klase niya, didiretso siya sa online tutorial institution na inapplyan niya kahapon. Sa awa ng Diyos ay natanggap naman agad siya roon. And fifth, nakaharap at nakita niyang muli si Joru pagkatapos ng limang taon. At hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman nang makita niya ito. Kung matutuwa ba siya or what. Hindi niya alam. Ilang sandali pa'y napasulyap siya sa laptop na nakalapag sa ibabaw ng mesa. Sa mahaba-habang panahon ay ngayon lang niya naalala ang lalaking iyon. Mula kasi nang umalis siya ng Pilipinas limang taon na ang nakalilipas ay nagpakasubsob siya sa pag-aaral at hindi na siya nag-aksaya ng panahon na isipin ito. Ni hindi rin siya nakibalita tungkol dito. 'Kumusta na nga kaya siya?' Dala ng matinding kuryusidad ay dinampot niya ang laptop at mabilis na nag-login sa f******k niya. Mabilis niyang hinanap ang account nito at hindi naman siya nabigong hanapin iyon. Mabuti na lang at naka-public ang account nito, kumpara sa kanya na naka-private na nga, iba pa ang pangalan. Pinakatitigan niya ang unang larawan nitong nakita niya. Hanggang ngayon, gwapo pa rin ang loko. Ayaw man niyang aminin ngunit lalo itong naging gwapo ngayong medyo nagmatured na ito. Kitang-kita naman niya ang ebidensiya kanina. He possess a pair of deep and dark gray expressive eyes designed with thick eye lashes and a pair of perfectly curved eyebrows. Ang mga abuhing mata nitong iyon ay palatandaang may lahi itong swish. If she's not mistaken, ang lolo nito sa mother side ay purong swish. Aside from that, he also have a prominent and perfect pointed nose, jaws, chin and cheekbones. And he has that perfect red lips that can caught someone's eyes, including her. He looks like a greek god. For sure, a lot of girls fell for him. Ilang babae na kaya ang sinaktan at pinaiyak nito? She decided to check everything in his account. Call her stalker, the hell she care. She checked his status, posts and even pictures. Only to find out na iba-iba ang kasama nitong babae sa mga pictures nito. Nagsalubong ang kilay niya. Nagbago na ba ito? Mukhang naging babaero na yata ang kumag. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Napapitlag siya nang marinig ang boses ng kuya niya mula sa pinto. She hurriedly turned off the laptop and put it at the table. "Hindi pa ako inaantok kuya," sagot niya at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro. "How's Dad?" tanong nito at napasulyap sa ama nilang kakatulog lang. Napabuntong-hininga siya. "Ayaw na naman niyang kumain. Gusto na daw niyang umuwi dahil marami pa siyang aayusin sa kompanya. He even told me that he doesn't want to undergo medication. Aksaya lang daw ng panahon at pera. Mas kailangan daw niyang unahin at ayusin ang kompanya. He's having delusions. Hindi pa rin niya matanggap na wala na sa atin ang kompanya." Napabuntong-hininga siya at malungkot na napatingin sa kapatid. "Kuya, please help me convince him to stay here and undergo chemotherapy." Napatango ito. "Kakausapin ko siya bukas huwag kang mag-alala." Halos ay nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Yumakap siya sa kapatid at malungkot na napatingin sa amang mahimbing na natutulog. "Sana, maging maayos na ang lahat," bulong niya. Hinalikan siya ng kapatid sa ulo at niyakap ng mahigpit. "Everything will be okay Syhnie. Everything's gonna be okay." --------- NANG mga oras na iyon ay nakatambay si Joru kasama ang mga kaibigan sa isang tabi habang hinihintay ang pagdating ni Van. Nagtext kasi kaninang madaling araw si Coach monster na maaga ang practice nila ngayong araw dahil malapit na ang tune up game nila ng Perriwolves Team, ang mahigpit nilang kalaban sa larangan ng basketball. Malapit na kasing magsimula ang intercollegiate league. Habang hinihintay nila ang kaibigan ay abala siya sa paglalaro ng drag racing sa IPhone niya habang si Rowie ay nakapikit ang mga mata habang may nakasapak na earbuds sa tainga. Sina Revin at Grey naman ay abala sa pagtitingin ng magagandang chicks sa paligid. "Oh my god! Nakikita mo ba ang nakikita ko?" manghang tanong ni Grey. "Oo," sagot ni Revin. "Amazing isn't it?" Abala siya sa paglalaro nang mga oras na iyon kaya hindi niya pinapansin ang usapan ng dalawa. "Joru! Joru!" kinalabit siya ng dalawa ngunit tinabig niya ang kamay ng mga ito. "Busy ako sa paglalaro, huwag niyo akong istorbohin!" anggil niya sa dalawa. "Blackeye boy!" 'Putspa! Ano raw?!' Matatalim ang mga matang napatingin siya sa dalawang malawak ang pagkakangiti sa kanya. "What did you just call me?" naniningkit ang mga matang tanong niya. "Blackeye boy!" duweto ng mga ito. Aba't talagang nambubwisit ba ang dalawang ito? Umagang-umaga eh binabadtrip siya! "Eh kung upakan ko rin kayo at nang magkaroon din kayo nito?" "Ikaw naman kapitan, hindi na mabiro." Tatawa-tawang mabilis na lumayo ang dalawa sa kanya bago pa man niya mabigwasan ang mga ito sa mukha. "May gusto lang naman kaming ipakita sayo." "I'm not interested," sagot niya at muling itinuon ang atensiyon sa cellphone. "Joru, I want to ask you something," singit ni Rowie nang tanggalin nito ang earphone sa tainga. At dahil mas matino itong kausap ay sumagot siya ng maayos. "About what?" "What if makita mo ulit si Syhnie?" Awtomatikong napatigil siya sa pagpindot nang marinig ang binanggit na pangalan ni Rowie. "What will you do? Lalapitan mo ba siya? Kakausapin?" Nang tingnan niya ang mga kaibigan ay nakita niyang nakatingin ang mga ito sa kanya na tila ba hinihintay ng mga ito ang sagot niya. "I.. I just don't know," sagot niya. Sa totoo lang, nag-aalangan siyang lapitan ito dahil sa nangyari noon. Alam kasi niyang malaki ang naging kasalanan niya noon dito. At natatakot siya sa magiging reaksiyon nito kapag nakaharap siya nito, katulad kahapon, hindi man nito sabihin ngunit tila balewala na lang siya rito. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit naaapektuhan siya sa pambabalewala nito sa kanya kahapon. "You should decide now," ani Grey. Nang lingunin niya ito ay kumunot ang noo niya nang ngumiti ito sa kanya ng nakaloloko. That smile. Alam niya may binabalak na naman itong hindi maganda. "See this?" Lalong kumunot ang noo niya nang pinaikot-ikot at nilaro-laro nito sa daliri ang hawak nitong bola. Ano na naman kaya ang binabalak ng lokong ito? Nang ilipat nito ang tingin sa isang direksiyon ay nagtatakang sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito. At ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita kung sino ang tinitingnan nito, si Syhnie. "Damn you Grey. Don't you dare!" mapanganib ang boses na babala niya. Ngunit imbes na matakot ito ay lalo lang itong napangisi. "Catch this and save her Captain." Bago pa man siya makagalaw ay mabilis nitong ibinato ang bola sa direksiyon ni Syhnie na tulalang naglalakad at tila wala sa sarili. "Fvck!" Napamura siya nang makitang nasapol sa mukha ang dalaga at natumba sa damuhan sa tabi ng dinadaanan nito. Ano bang problema nitong mga kaibigan niya? Bakit ang hilig-hilig mambato ng mga ito ng bola? "Damn you Grey!" Binigyan muna niya ng isang nakamamatay na tingin ang tatawa-tawang kaibigan bago lumapit kay Syhnie na nawalan na yata ng malay. "Yeah, and thanks to me, you'll be her knight and shining armor!" ------- PAGKATAPAK na pagkatapak ni Syhnie sa unibersidad ay naging malikot ang mga mata niya. Pilit hinahanap ang anino at bulto ni Joru sa paligid. Ang totoo niyan ay hindi niya ini-expect na doon din pala ito nag-aaral. Kung alam lang sana niya, eh di sana hindi na lang siya nag-enrol doon. Kung minamalas nga naman talaga. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at napabuntong-hininga. Sa totoo lang ay hindi pa siya handang makita at makausap si Joru. Hangga't maaari ay iyon ang gusto niyang iwasang mangyari dahil natatakot siya sa maraming bagay. Ngunit ngayong nagkrus ang landas nila at unti-unting lumiliit ang mundo nila ay hindi niya maiwasang mangamba. First year high school pa lang siya noong magsimulang umusbong ang pagmamahal niya para sa lalaki. Sino ba naman ang hindi magkakagusto rito? Gwapo ito, sikat, drag racer, astig, mayaman, matalino, varsity player, team captain, leader at student government officer pa ito. Ito ang tipo ng lalaking pinapangarap ng kahit na sinong babae. Dahil halos lahat na yata ng katangian na gusto ng isang babae ay nandito na. Even the word perfect is not enough to describe and define him. Iyon nga lang, medyo may pagkapasaway ito at matigas din ang ulo. But it never stopped her to love and admire him. Maliban sa kanya ay alam niyang marami pang babae ang nagkakagusto at nagkakandarapa rito. Iyon nga lang, suplado ito, masungit at puro pag-aaral, basketball at drag racing ang inaatupag. Ngunit ang mga katangian nitong iyon ang dahilan kung bakit lalo siyang nagkagusto rito. Kaya naman nang lumaon ay hindi na niya napigilan pa ang sariling magparamdam at mangulit dito. Sa loob ng limang taon na wala siyang balita rito at sa tagal ng panahong hindi niya ito nakita ay aminado siyang nakalimutan na niya ito. Ngunit labis siyang nababahala sa maaaring maramdaman niya oras na muling nagkrus ang landas nila. She fully trust herself but she never trust her heart. Natatakot siya at nababahala na baka manumbalik ang nararamdaman niya rito at iyon ang hindi dapat mangyari. That's the biggest mistake she'll ever do in her life. At iyon ang ayaw niyang mangyari. Ayaw na niyang masaktan ulit. Abala siya sa pag-iisip ng malalim nang mga oras na iyon kaya hindi niya napansin ang paparating na bola. Pakiramdam niya'y nagdilim na ang paningin niya nang sumalpok iyon sa mukha niya. Nang mahimasmasan siya mula sa pagkahilo ay namalayan na lang niya ang sariling nakahiga sa damuhan. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at halos ay masilaw na siya sa liwanag na tumatama sa mukha niya. "Patay na ba ako?" wala sa sariling taong niya. "Hey, are you alright?" anang boses lalaki sa harap niya. Nang takpan ng mukha nito ang nakasisilaw na liwanag ay saka lang niya nakita ang kabuuang mukha nito. Pakiramdam niya'y tila tumigil na sa pagtibok ang puso niya nang makita kung gaano kagwapo ang nakatunghay sa kanyang lalaki. She was dumb-founded. Ni kahit ang utak at ang buong sistema niya ay hindi na gumagana ng maayos. Kung dahil ba iyon sa pagtama ng bola sa ulo niya o dahil sa kaharap na lalaki, hindi na niya alam. "Nasa langit na ba ako?" tila nahihipnotismong tanong niya. He chuckled. "I didn't know I look like an angel to you," tila napapantastikuhang sabi nito. "Isa ba iyan sa mga dahilan kung bakit minahal mo ako?" Natigilan siya sa sinabi nito. Minahal niya ito? Nababaliw na ba ito? Anong kalokohan at kabalbalan ang pumasok sa kukote nito para sabihin iyon? "What are you talking about? Tsaka, sino ka ba?" salubong ang kilay na tanong niya rito. She's still trying to regain her consciousness. "Wow ha! Natamaan ka lang ng bola nagkaamnesia ka na?" napapantastikuhang tanong nito. "Hindi mo na ba ako naaalala? Ako ito, your only love, Josh Rounin Caranagan." -------- "MY GOSH! Bakit sa dinami-rami ng tao sa university na ito, bakit siya pa?" nanggigigil at problemadong tanong niya sa sarili habang hawak-hawak ang ice pack na ipinanggagamot niya sa noo niya. Nang mga oras na iyon ay nasa university clinic siya. Papaanong hindi siya isusugod doon? May malaki lang naman siyang bukol sa noo na sa hula niya ay magkakablackeye pa yata. Nagkaroon siya niyon dahil nang marinig niya ang pangalang binanggit ng pesteng kaharap na lalaki ay natatarantang bumangon siya. Sa pagkataranta niya ay nawala sa isip niyang nakatunghay lang ito sa kanya. Sa bilis ng mga pangyayari ay nagkauntugan sila ng ulo. At ang resulta, hayun nagkaroon sila ng bukol. Mas kawawa nga lang siya dahil mas malala at malaki ang natamo niyang bukol kaysa rito. At ang magaling na lalaki, hayun prenteng nakaupo sa kabilang kama at nakatingin sa kanya. Kung gaano ito katagal na nakatingin sa kanya? Hindi na niya alam. Mula kasi nang nandoon sila ay hindi na nito tinanggal ang tingin sa kanya. "Your only love, Josh Rounin Caranagan," naiinis na bulong at ulit niya sa sinabi nito kanina. "Tsk! Yabang! Hambog! Kapal nito! Nakamove on na ako 'no!" "I didn't expect we'll meet in this funny and awkward situation," natatawang basag nito sa katahimikan. Bahagya siyang natigilan nang marinig ang pagtawa nito. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang niya ito nakitang tumawa habang kausap siya. Nang makahuma ay agad niyang ipinilig ang ulo. Hindi niya ito pinansin at nagkunwari siyang walang narinig. "Funny? At tuwang-tuwa pa siya? Porke mas malaki ang bukol ko sa kanya?" Pakiramdam niya'y lalong kumulo ang dugo niya. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa ice pack na nakadikit sa noo niya. "Kung hindi lang sana kasi matigas ang bao ng ulo niya, hindi sana ganito kalaki ang bukol na natamo ko!" Nagngingitngit pa rin ang kalooban niya dahil sa matinding inis dito. "How are you by the way?" pangungumusta nito ngunit katulad kanina ay hindi niya ito pinansin. Nang tila hindi ito makatiis ay lumipat ito sa kama niya at umupo pa sa mismong harap niya. Kunot ang noong tinitigan niya ito. May ilang blackeye ito sa mukha ngunit gayunpaman ay hindi nakabawas iyon sa taglay na kagwapuhan ng binata. Damn that perfect face of him. "How are you Syhnie?" "Kita mo ito?" nawawalan ng pasensiyang tanong niya at itinuro ang bukol sa noo. "Hindi pa ba obvious ang sagot sa tanong mo?" "That's not what I'm trying to say. What I mean is, how are you these past few years? How you've been something like that." Kinunutan niya ito ng noo. Aba himala! Naging curious ito bigla sa buhay niya. Anong nangyari rito at bigla itong nagkainteres sa kanya? Pansin niya, kung dati ay ayaw na ayaw siya nitong kinakausap at sinusulyapan, ngayon naman ay iyon ang ginagawa nito. Weird. Wala sa sariling napatitig na lang siya rito. Habang nakatingin siya rito nang mga oras na iyon ay tila unti-unting bumalik siya sa nakaraan.. "JORU, my loves!" tuwang-tuwang tawag niya sa pangalan ng lalaking itinatangi niya sa mundo nang matanaw niya itong naglalakad kasama ang apat na kaibigan nito. Napalingon ang mga kaibigan nito sa direksiyon niya at napangiti ang mga ito nang makita siya. Imbes na huminto ang lalaki dahil sa pagtawag niya rito ay mas lalo lang nitong binilisan ang paglalakad at nilakihan pa nito ang mga hakbang. He's doing it again! Tinatakbuhan na naman siya ng soon to be husband niya. At dahil wala sa bokabularyo niya ang sumuko ay tumakbo siya at hinabol ito. Nang maabutan niya ito ay mabilis niya itong pinigilan sa braso. "Sandali nga muna kasi! May ibibigay lang ako." Hinihingal na nagtungo siya sa harap nito. "O para sayo." Nakangiting iniabot niya rito ang dalang box na naglalaman ng cookies na niluto niya kagabi. Napasimangot siya nang makitang wala itong balak abutin iyon dahil sa ibang direksiyon na naman ito nakatingin. Nakaramdam siya ng lungkot. Kailan ba siya nito titingnan at susulyapan? Ni kahit minsan kasi ay hindi siya nito tiningnan man lang. "Hindi mo na naman ako pinapansin. Oy Joru!" pangungulit niya at nagtungo sa direksiyong tinitingnan nito ngunit agad nitong ibinaling sa ibang direksiyon ang paningin nito. Trying to avoid looking at her face. Tila may punyal na tumarak sa puso niya sa ginawi nito. He really doesn't want to look at her. And that idea is killing her. Napabuntong-hininga siya. Siguro naman balang-araw ay susulyapan din siya nito. Pilit niyang pinalis ang lungkot na nararamdaman at nginitian ito katulad ng madalas niyang ginagawa. "Sige na, tanggapin mo na please." "Kailan ka ba titigil sa ginagawa mo? Isang taon ka na sa ganyang agenda. Hindi ka ba napapagod?" nababagot at walang kainte-interes na tanong nito. "Hindi." Napangiti siya. Hindi man siya nito magawang sulyapan ay masaya pa rin siya dahil kahit papaano ay kinakausap siya nito ngayon. And hearing his lovely voice is enough for her to be happy. "What should I do for you to stop?" "Ginawa mo na ang lahat hindi ba?" nakangiting tanong niya. "Ilang beses mo na akong itinaboy at binasted pero wala pa rin. Hindi pa rin ako sumuko. That only means, nothing can stop me." "Puwes para sabihin ko sayo, ako ang napapagod sa ginagawa mo." "Pagod ka na? Ni hindi mo pa nga ako sinusulyapan e," nakangusong maktol niya. "Sabagay, paanong hindi ka mapapagod, palagi mo akong tinatakbuhan. Try mo kayang huwag akong iignore, I'm sure hinding-hindi ka mapapagod," ubod ang tamis ng ngiting hirit pa niya. Lalong naging sambakol ang mukha nito sa sinabi niya. He's starting to get pissed off again. "Uy! Nandiyan na naman yung loveteam of all season!" Nang marinig niya ang panunudyo ng ilang estudyante sa kanila ay napangiti siya dahil sa matinding kilig. Kung siya ay kinikilig, ang kaharap naman niyang binata ay kababakasan ng inis at pagkairita. Hindi na kasi maipinta ang mukha nito at tila anumang oras ay lalamon na ito ng tao. Imbes na matakot siya sa itsura nito ay ipinagsawalam-bahala niya iyon. "Alam mo, kahit ayaw mo akong sulyapan, okay lang. Kasi makita lang kita at marinig ko lang ang boses mo, buo na ang araw ko." Sa kabila ng hindi maipintang mukha at madilim na awra nito ay nagawa pa niyang bumanat dito. "Naks naman! Ang sweet talaga! Ayiieehh!" Lumawak ang ngiti niya sa matinding kilig nang marinig ang malakas na tilian at hiyawan sa paligid. She loves it whenever everyone teases them. At alam niya, kabaliktaran naman iyon ng nararamdaman nito. "Stay out of my life." Matapos nitong sabihin iyon ay tinalikuran na siya nito. Nabura ang ngiti sa mga labi niya. Na naman? Iyon na naman ang huling linya nito? Wala na bang bago? Kahit man lang sana napipilitang 'Take care Syhnie and I love you too' ay wala. Ang damot talaga. Nagkibit-balikat na lang siya at masayang sinundan niya ito ng tingin. "See you around Joru! Study hard! Take care!" habol na sigaw niya rito at kinawayan pa ito. "I love you!" nakangiting dugtong pa niya. Ngunit katulad ng madalas nitong ginagawa ay nagpatuloy ito sa paglakad at hindi man lang siya nilingon. Naiwan siya roon kasama ang mga kaibigan nito. "Wala, binasted ka na naman niya," naiiling na sabi ng kaibigan nitong si Van. Tinapik naman siya sa balikat nina Grey at Revin. "Again, my condolences to your bereaved broken heart." "RIP! Sa puso mo at sa naghihingalo mong pag-ibig." "Tse!" Nakairap na tinabig niya ang kamay ng dalawang mapang-asar nitong mga kaibigan. "Don't ruin my day! Masaya ako ngayon!" "Masaya ka pa? E binasted ka na nga niya." Fondness was written all over their faces. "Ibahin niyo ako. Positive ang outlook ko sa buhay. Tingnan niyo, hanggang ngayon hindi pa rin ako sumusuko," nakangiting sagot niya. "Wala e, mahal na mahal ko talaga ang kaibigan niyo." "Correction! Baliw na baliw!" natatawang pagtatama ni Grey. "Whatever! Wala na akong pakialam sa sinasabi niyo. Basta ang alam ko, hinding-hindi ko siya isusuko." Naiiling na naglakad ang mga ito palayo sa kanya. Naiwan naman ang tahimik na si Rowie na nangingiti sa kanya. Ginulu-gulo nito ang buhok niya. "Better luck next time Syhnie." ANG KABALIWAN niyang iyon ay nangyari noon. Para siyang tangang habol ng habol noon kay Joru. Ilang beses siya nitong nireject noon ngunit ewan ba niya sa puso niya, ayaw pa ring sumuko. Siguro ganon lang talaga kapag tinamaan ng husto ang isang tao ng lintik na pag-ibig na iyan, yung pakiramdam na kahit ang sakit-sakit na at kahit pagod na pagod na siya, pero hindi pa rin niya ito magawang bitiwan at kalimutan. Ngunit laking pasasalamat niya pa rin sa Diyos dahil sa kabila ng pagiging baliw niya sa lalaking ito ay naisip niyang gawin ang alam niyang tama, ang sumuko, umalis at magpakalayo-layo rito. Oo, nagtagumpay siya sa ginawa niyang paglimot at paglayo rito ngunit sa biglaang pagsulpot nito sa buhay niya ay mukhang mawawalan ng saysay ang pagsasakripisyong ginawa niya dahil pakiramdam niya'y balak lang nitong guluhin ang tahimik niyang buhay. "Syhnie?" Natauhan siya nang marinig ang pagtawag nito sa pangalan niya. Mukhang napalalim yata ang pag-alala niya sa kahapon. "I'm fine, contented and happy," malamig na sagot niya. Napatango-tango ito sa sagot niya. Nang titigan siya nito sa mata, pakiramdam niya'y bigla na lang kumabog ang dibdib niya. There's something the way he looks at her that she can't comprehend. "Kaya ba hindi ka na bumalik? Kaya ba hindi ka na nagpakita pagkatapo-" "I don't want to talk about that," mabilis niyang putol sa mga sinasabi nito. Ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol sa nakaraang iyon. Ayaw na niyang balikan pa ang isa sa mga malungkot na kabanata ng buhay niya. "Syhnie I'm sor-" "I'm fine now so don't even bother to say those words to me," walang emosyong putol niya sa balak nitong sabihin sa kanya. "I need to go. Excuse me." Tumayo na siya at tinalikuran ito. "Syhnie!" Narinig niya ang pagtawag nito sa kanya ngunit hindi na niya ito pinansin pa. As much as possible, she need to stay away from him. Dahil alam niya, masasaktan lang ulit siya rito. At iyon ang hindi niya mapapayagan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD