Kabanata 6

2104 Words
KABANATA 6 Pagdating ng guro sa loob ng condo unit niya ay pinagbabasag nito ang lahat ng gamit na nakikita niya. Mula sa plorera, lampara, telebisyon, at kahit na aparador na gawa sa salamin ay hindi niya pinatawad. Pinagsusuntok niya rin ang dingding ng kuwarto kaya nagdulot ito nang sugat at pagdurugo sa kaliwang kamay niya. Nakaaawa tingnan ngayon si Drake Sarmiento. Parang pinagkaitan siya ng mundo at hinagisan ng kumukulong tubig ng katotohanan para magising siya sa na 'wag niyang takasan ang masakit na nakaraan. Dahil mapahanggang ngayon ay nakatali pa rin siya sa lubid na ginawa ng mga taong mahalaga sa kanya. "Buwesit! Mga hayop kayo! Erica! Dan! Mga taksil! Minahal ko kayo! Pero bakit ito ang ginanti niyo sa akin!?" pagsisigaw niya habang hawak-hawak ang ulo dahil sa galit. Napahiga ito sa kama at wala pa ring humpay ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Napapikit siya hanggang sa... Tahimik na nagbigay nang pagsusulit si Mr. Sarmiento. Wala sana siyang ganang pumasok sa paaralan para magturo dulot nang nasaksihan niya kagabi. Pero napagtanto niyang dapat siyang magpaka-propesyonal sa napiling karera. Nakabalot naman ng bendahe ang buong kaliwang kamay niya dahil sa mga sugat na natamo nito sa pagsuntok sa dingding ng kanyang condo. May mga sugat rin ang iilang bahagi ng kanyang kamay dahil sa mga bubog na tumilapon sa kanya pabalik nang pinagtatapon niya ang mga gamit na gawa sa salamin. Nang nakita iyon ni Danica ay hindi siya mapakali. Nilapitan niya ang guro para tanungin. Pero wala itong gana na pansinin ang dalaga kaya bumalik na lang si Danica sa upuan niya at binilisan ang pagsagot. Dahil matalino si Danica ay madali niya itong natapos. Bago niya ito ipapasa, sinigurado niya munang nakakopya lahat ng mga kaklase niya. Ngayon tumayo na siya para ibigay sa guro. Pag-abot niya ng papel, hinawakan ni Mr. Sarmiento ang kanyang kamay. "Sorry," sambit ni Drake sabay tanggal sa kanyang kamay. Maaaring nakonsensya siya sa inasal niya kanina. "Naiintindihan ko po, sir. May problema ka po ba?" mahinang tanong ni Danica. Tumango ang guro kaya nakaramdam siya ng simpatya para rito. Gusto niya man itong yakapin, pero hindi niya magawa dahil nasa loob sila ng klase. Kaya tanging pagtango lang din ang ginawa niya bilang sagot sa guro. Nang tumunog ang alarm bell hudyat na tapos na ang klase ay balak niyang kausapin ang guro. Sakto naman na huling klase rin nila sa hapon ang oras ni Mr. Sarmiento ngayong araw kaya uwian na rin. Naghintay si Danica sa labas ng gate dahil binabalak niyang kamustahin ang guro. Hindi kasi siya mapakali sa nakita niyang mga sugat sa kamay nito. Naglakad na lang muna siya nang mahigit dalawang daan metrong layo sa paaralan para doon niya hintayin ang sasakyan ng guro. Baka kasi ano pa isipin ng mga makakakita sa kanilang dalawa. Pagdating niya roon sa isang bakery ay umupo muna siya at hinintay na dumaan ang sasakyan nito. •8• Papauwi na ngayon si Mr. Sarmiento sa kanyang condo unit. Pero sa kabilang kalsada siya dumaan dahil bibisitahin niya ang kaibigang doctor sa hospital na tinatrabuhan nito. Gusto niya rin kasing palinisan ang sugat na natamo niya kagabi. Pagdating niya sa hospital ay dumiretso siya sa opisina nito. Sakto namang walang operasyon ang kaibigan kaya may oras ito para sa kanya. Sinimulan nang linisan ng kaibigan ni Mr. Sarmiento ang sugat niya. Napanga-nga ang guro dahil sa hapdi ng ipinahid na sinadyang dinamihan ng doctor. Naiinis kasi ito sa kaibigan niyang si Drake. "Next time, Drake. Kung ganito lang din naman ang gagamutin ko, 'wag ka nang pumunta rito. Okay?" sabi ng kaibigang doktor. "Sorry. I went out of control. Thank you rito, Brent," sagot niya sa kaibigan. "Welcome." Nagpaalam na si Drake sa kaibigan at dumiretso nang umuwi sa condo unit niya. Pagdating niya roon, nagulat siya nang makita ang estudyanteng si Danica na nakatulog sa gilid ng pintuan sa unit niya. Para itong isang pulubi na nakatulog sa tabi ng maingay na kalsada habang naghihintay ng aboloy sa mga hindi kakilala. Napatakbo ang guro papunta sa dalaga at ginising ito. "Ms. Mattias, wake up. Kanina ka pa ba rito?" tanong ng guro. Nagising naman si Danica at inayos muna ang sarili. Pero imbes na sagutin niya ang tanong ng guro ay siya itong nagtanong. "Okay ka na po ba, sir?" Hinawakan niya ang kamay ng guro. "Okay ka na po ba? Pinag-aalala mo ako?" "I'm fine." Tinulungan niyang tumayo si Danica. "Pinuntahan mo pa talaga ako rito. Salamat." Binuksan ni Mr. Sarmiento ang pintuan ng kanyang unit. Pagpasok nilang dalawa ay labis ang pagkagulat ng dalaga nang makita ang magulong kuwarto ng guro. "Hindi mo dapat ito nakita, sa panaginip mo noong isang araw ay namangha ka pa sa linis ng unit ko. Pero ngayon ito iyong nasaksihan mo. Sorry," paghingi nang paumanhin ni Drake kay Danica. Nahihiya kasi siya dahil ang gulo ng buong unit niya dahil sa mga pinagbabasag niya noong nagwala siya kagabi. "Ano pala talagang nangyari sa iyo, sir?" tanong ni Danica na may kuryosidad sa tono. "I saw them at your village. Sobrang saya nilang dalawa," mahinang sabi ng guro. "What do you mean, sir? Iyong babaeng ipinagpalit ka sa best friend mo?" "Yes," sambit ng guro na papuntang kusina para kumuha ng walis at pandakot. Sumunod naman si Danica. "What a small world. Sa village pala namin nakatira ang dalawang taksil na iyon. Tsk!" "Kaya nga. Sige, umupo ka muna rito. Tatawagin na lang kita kapag malinis ko na itong kalat." "Okay po. Sir? Please, 'wag ka na pong malungkot. Nalulungkot din kasi ako dahil mahal kita." "Okay. I will. Ikaw talagang bata ka," natatawang sabi ng guro sabay paghawak sa ulo ni Danica. "Ang guwapo niyo po, sir. I love you," sagot ni Danica. "Oo na," nakangiting sagot ni Drake sabay pagtalikod at sinimulan nang linisan ang mga kalat na nagawa niya. Nang natapos nang maglinis ang guro ay pumunta na ito sa kusina. "Sorry kung natagalan ako. Nabagot ka ba, Danica?" tanong nito. Bumilis ang pintig ng puso ni Danica nang tawagin siya ni Drake sa pangalan niya. Ito ang kauna-unahang beses na narinig niya ang pangalan mula sa guro. Tinabihan siya nito at inakbayan. Tila naninigas pa si Danica at hindi makagalaw. "Bakit mo ako ninakawan ng halik kagabi?" biglang tanong ng guro. Parang may multong nagpakita kay Danica dahil napatayo lahat ng balahibo niya sa tanong ng guro. Naramdaman niyang kapag hindi aalis sa tabi niya si Mr. Sarmiento ay mamatay na siya sa sobrang kilig. "Sir! Kinikilig ako!" buong tapang na sigaw ni Danica sabay takip sa mukha niya. "Ano'ng gagawin ko para mawala 'yan?" bulong ng guro sa tainga ng dalaga. "Distansya?" pahiyang sabi ni Danica sabay tulak sa mukha ni Mr. Sarmiento na ngayon ay walang tigil sa pang-aasar. Mas inilapit niya ang mukha sa dalaga at panay ngiti ito upang maasar si Danica. Itinulak naman muli ni Danica ang mukha niya. "Sir, promise. Kinikilig talaga ako. Please stop it." "Gusto mo pakiligin pa kita?" Habang tinititigan ng guro si Danica ay nakikita niya sa mga mata ng dalaga ang mga mata ni Erica. "Kamukhang-kamukha mo talaga siya," malungkot na sabi ng guro sabay layo ng mukha niya sa dalaga. Pumunta muna siya sa refrigerator para uminom ng tubig. Habang umiinom ng tubig ang guro ay siya namang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Bumalik na naman kasi muli ang sakit na naramdaman niya lalo na noong tinitigan niya si Danica. Bumabalik kasi sa kanya iyong masaya pa silang nagmamahalang dalawa ni Erica. Nang marinig ni Danica ang paghikbi ni Drake ay napalingon siya at napatakbo pupunta sa guro. Niyakap niya ito at pinatahan. "Sir 'wag ka na po umiyak," sabi ni Danica na labis ang pag-aalala. "Namiss ko lang siya," mahinang sagot ng guro. "Move on, sir. Huwag mong hayaang lamunin ka ng sakit ng iyong nakaraan. Hindi mo ito deserve, 'wag mong isara ang puso mo. Maraming nagmamahal sa iyo at isa na ako roon." "How can I love you kung nakikita ko sa iyo si Erica?" "E-erica?!" gulat na sabi ni Danica. Napatango ang guro at patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Sasagot na sana ang guro, pero tumunog na ang alarm nito kaya nagising siya na umiiyak pa rin dahil sa panaginip niya na mangyayari ngayong araw. Kahit gising na siya ay hindi pa rin siya bumangon at nakatitig lang sa kisame habang walang tigil ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. Napatigil siya sa pag-iyak nang maalala iyong sinabi ni Danica sa kanya na 'wag niyang hayaan na lamunin siya ng sakit ng nakaraan. Napabuntong-hininga ito bago bumangon. Nang makita niya ang kalat sa sahig dulot ng pagwawala niya kagabi ay napakamot na lang ito sa ulo. Pumunta siya sa kusina para linisin na ito. Sa panaginip niya kasi ay pumunta lang siya ng paaralan na hindi man lang nilinis ang kalat sa bahay niya. Pagkatapos niyang maglinis ay dumiretso na siya sa banyo para maligo. Habang hubo't hubad na nasa harapan ng salamin sa banyo ay naalala niya ang dalawang babae kahapon sa bar na gusto siyang ikama. Napangiti siya nang maalala ang mga reaksyon nito nang bitinin ang mga ito. Sinadya niya talagang mambitin iyon dahil galit siya sa mga babaeng gumagawa ng unang hakbang para maikama siya. Naaalala niya kasi ang ginawa ni Erica kay Dan noon. Kaya lahat ng babaeng gumagawa ng hakbang para matikman siya ay binibitin niya maliban na lamang kung siya ang may gusto sa babae. Pagkatapos niyang maligo ay nilinis niya rin ang sugat niya at nilagyan ng bendahe. Naghanda rin siya ng ekstra para hindi na siya makapunta sa kaibigang doctor at siya na lang ang maglinis sa sariling sugat total nakita rin naman niya kung paano ito ginamot ng kaibigan niya. Napagdesisyunan niya rin na umuwi sa pamilya niya. Matagal-tagal na rin kasing hindi siya nakabisita sa bahay nila. Umuuwi lang kasi siya roon sa kanila kapag may espesyal na okasyon katulad ng kaarawan, fiesta, mahal na araw, at pasko. Pero ngayon ay napagdesiyunan niyang umuwi mamaya roon sa mansion nila. Nang matapos na siyang mag-ayos at mag-agahan ay pumunta na siya sa paaralan. Pagdating niya sa faculty ng unibersidad ay nandoon na si Ma'am Tricia. Ang babaeng patay na patay sa kanya. Itinaas agad nito ang saya para akitin si Mr. Sarmiento. Sa panaginip ay hindi siya pinansin ni Mr. Sarmiento, pero ngayon ay nagbago ang isip nito. Nilapitan niya si Ma'am Tricia sabay hawak sa makinis nitong hita. Si Tricia ay nasa bente otso, maganda at may maganda ring hubog ng katawan. Nang dumapo ang kamay ni Mr. Sarmiento sa hita ni Tricia ay napatayo ito at agad ipinasok ang kamay niya sa loob ng pantalon ng guro. Pagkahawak niya sa p*********i ni Mr. Sarmiento ay napangiti ito. Hahalikan niya sana ito, pero umilag lang ito. "Sorry. Hindi ako nagpapahalik sa taong hindi ko mahal. Pero 'wag kang mag-aalala Ma'am Tricia dahil nandidilig naman ako ng tuyong halaman," sabi nito sabay dakot niya sa loob ng saya ng babaeng guro. Ipinasok niya ang dalawang daliri sa loob ng panty ng guro sabay tusok. "Tuyo nga." Dahan-dahan nang hinimas ni Mr. Sarmiento ang p********e ni Ma'am Tricia na nagdulot ng pag-ungol mula rito. Nang makaramdam na siya nang pagkabasa ay pinahiga niya na si Ma'am Tricia sa lamesa sabay tanggal ng sayang suot nito. "Ako'y sabik nang matikman ka, Ma'am. Maaari ko na bang tanggalin ang panty mo at makita ang mataba at mukhang masarap mong hiyas?" tanong ni Mr. Sarmiento. Tumango si Ma'am Tricia sabay kagat ng kanyang labi. Makikita mo ngayon sa mga mata niya ang labis na saya. Dahan-dahan nang tinanggal ni Drake ang salawal ng guro habang pinakitaan niya ito nang nakaaakit niyang ngiti. Pagkatapos matanggal ni Drake ang salawal nito ay nagbago ang anyo ng mukha niya. Kung kanina ay nakangiti siya, ngayon ay mukhang iritable ito. Pinakita niya kay Ma'am Tricia ang pulang salawal na nasa kamay niya at pagkatapos ay tinapon niya ito sa bintana. "s**t! Ano 'yang ginawa mo? Ang panty ko!" sigaw ni Tricia. "Umayos ka! Kababae mong tao at may asawa ka na. Nanlalandi ka pa sa iba? Matuto kang makuntento at rumespeto lalo na sa sarili mo." Tumalikod na si Mr. Sarmiento sa kanya. "Takpan mo 'yang p********e mo baka langawin 'yan sa baho ng kaluluwa mo." Natulala si Tricia sa ginawa ni Mr. Sarmiento at hindi alam ang gagawin lalo na at wala na siyang suot na salawal. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD