KABANATA 5
Matagal ding pinag-isipan ni Mr. Sarmiento ang sagot sa tanong ni Danica. Pero kahit ano'ng pilit niya ay wala talagang pumapasok sa isipan niya kung bakit napanaginipan din ni Danica ang mangyayari. Tiningnan niya ang dalaga na ngayon ay nagpakawala nang malalim na hininga.
"Hindi ko rin alam, Ms. Mattias. Pero tutulungan kitang alamin iyon. Pero sa ngayon, ihahatid na muna kita sa inyo," anang Mr. Sarmiento.
"Okay po, sir," magalang na sagot ni Danica.
Nagsimula na silang humakbang patungo sa nakaparadang sasakyan ni Mr. Sarmiento habang nakasukob sa isang malaking payong. Dahan-dahan lang silang naglakad para hindi na mangyari ang dapat na mangyari. Tagumpay namang nakapasok silang dalawa nang hindi nababasa.
"See? Nabago ko," masayang sabi ni Mr. Sarmiento sabay ayos ng kanyang polo. Tiningnan niya si Danica. "Hindi ako nabasa at walang hubaran ng damit ang mangyayari. You'll be safe tonight."
"Thank you, sir," masayang sagot ni Danica na ngayon ay kampante na. "Sir?" sambit nito.
"Bakit?" tanong nito.
"Do you hate me?" matapang na tanong ni Danica. Naramdaman niya kasi sa una pa lang na malayo ang loob nito sa kanya.
"Yes, at first. But I've realized that Its unfair na magagalit ako sa iyo dahil lang nakikita ko sa iyo ang dating kasintahan ko noong kabataan ko. Sobrang katulad mo siya. Kung paano ka magsalita, gumalaw... Basta nakikita ko siya sa iyo. Tapos ka apelyido mo pa iyong taong kinamumuhian ko. Ang best friend ko na inagaw ang girlfriend ko," sagot nito. Sa bawat pagbitaw ng salita nito ay mararamdaman mo ang sakit na sinapit niya noon.
Napanganga si Danica dahil sa narinig niya. Hindi niya inakala na sa guwapong taglay ng guro ay ipinagpalit pa siya ng dating kasintahan. Kung sa ugali naman ay naramdaman niyang mabait ito kahit may pagkasuplado ang dating nito. Madalang lang kasing ngumiti at magkasalubong pa lagi ang kilay.
"Hindi ba nakikita mo ang mga mangyayari, sir? Wala ka bang ginawa to make her stay?" seryosong tanong ni Danica.
"Why would I? Bakit ko pa ipagsiksikan ang sarili ko sa taong sa aki'y 'di na masaya. Kung babaguhin ko 'yon. Wala ng pagmamahal doon kasi ako lang iyong gumagawa ng tadhana namin." Tumingala ito at inaalala ang nangyari sa kanila noon. "It was 17 years ago nang iniwan ko siya. Sumuko ako nang nakita kong may nangyari sa kanila..." Habang nagkukuwento ang guro ay tila hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. "Alam mo ano'ng mas masakit? Isang buwan nang iniwan ko siya ay nabuntis siya ng best friend ko."
Umusog si Danica sa kina-uupuan niya at niyakap ang ngayong umiiyak na si Mr. Sarmiento. Grabe pala ang nangyari sa kanya noon. Hindi mo siya masisisi kung bakit naiinis siya sa dalaga. Una, nakikita niya ang dating kasintahan sa kanya. Pangalawa, magka-apelyido ito sa matalik niyang kaibigan na nang-agaw sa kasintahan niya.
"Sir, tahan na po," ani Danica. Hinimas niya ang likuran nito para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nito.
Bumuwag sa pagyakap si Danica at pinunasan ang luha ng guro gamit ang panyo niya. Napahinto sa pag-iyak si Mr. Sarmiento at napangiti nang mapagtanto nito na hindi dapat siya umiiyak sa harapan ni Danica. Nahiya tuloy siya.
"Sorry. Nakababading ang pag-iyak ko, Ms. Mattias," natatawang sabi ni Mr. Sarmiento. Pero ang totoo, sobra talaga siyang nasaktan nang muling maalala ang masakit na kahapon.
"Sa totoo lang sir, mas lalo akong humanga sa iyo," pagpuri ni Danica.
"Bakit naman?"
"For letting her go. Kahit sobrang mahal mo pa siya. Sa totoo lang, kaya mo sana baguhin iyong mangyayari to make her stay. Pero mas pinili mong palayain siya para sa kaligayahan niya sa piling ng iyong kaibigan. Ang tapang mo po roon, I know may magmamahal pa sa iyo na hindi ka pagtataksilan at ako po iyon."
Napangiti naman si Mr. Sarmiento dahil sa tapang ni Danica na aminin iyon sa kanya ng harap-harapan. Sa sobrang bukal nito sa kanyang naramdaman, wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin ni Mr. Sarmiento sa kanya.
"Ang tanda ko na para sa iyo, Ms. Mattias. Para mo na akong isang ama," magalang na sagot ni Mr. Sarmiento.
"Age doesn't matter naman, sir," giit ni Danica.
Napailing si Mr. Sarmiento. "Mga bata talaga ngayon." Hinawakan nito ang braso ni Danica. "Ihahatid na kita sa inyo."
"Bahala ka po, sir. Basta gusto kita, ha? I love you. Maghihintay po ako. Gusto ko, ikaw iyong makakatuluyan ko, sir."
Muli na namang napangit si Mr. Sarmiento dahil sa kabaliwan ng isang Danica. Kung kanina ay napa-iyak siya, ngayon naman ay hindi niya maitago ang saya na dulot sa kanya ng dalaga.
Pinaandar na ni Mr. Sarmiento ang sasakyan para ihatid na si Danica sa kanilang bahay. Minuto ang lumipas ay nakarating na sila. Dahil huminto na ang ulan, bumaba na silang dalawa sa sasakyan. Bumungad sa kanilang dalawa ang liwanag ng buwan at mga bituin na kumikislap sa kalangitan.
"Ang ganda ng kalangitan." Tiningnan niya ang dalaga na ngayon ay nakatingala pa rin sa kalangitan. "Parang ikaw, Ms. Mattias."
Napalingon si Danica at napangiti dahil sa sinabi ng guro. "So mahal mo na ako, sir?"
"Ikaw talaga. Pumasok ka na nga sa loob ng bahay niyo. Good night. Mauna na ako." Tatalikod na sana ang guro para umalis, pero hinawakan ni Danica ang braso nito. "Bakit? Ahhh, alam ko na..."
Hindi na pinatapos magsalita ni Danica si Mr. Sarmiento at agad itong ninakawan ng isang halik. Pagkatapos, tumakbo papasok sa kanilang bahay na parang isang bata. Nang hindi na nasilayan ng guro si Danica ay napahawak ito sa kanyang labi at napangiti. Natutuwa siya dahil sa dami ng lalaki sa mundo, bakit pa ito sa kanya nagkagusto kahit na may edad na siya.
Pumasok na siya sa kanyang sasakyan at hindi pa rin mawala sa isipan niya ang paghalik ni Danica. Parang nag-iwan iyon sa kanya ng katagang, 'maging akin ka kahit na mali'.
Pinaandar na niya ang sasakyan at umalis. Pero nang papalabas na siya sa village ni Danica ay may hindi siya inaasahang makita. Ang masayang mag-asawa na sina Erica at Dan Mattias, ang dati niyang kasintahan at matalik na kaibigan. Kitang-kita niya sa loob ng kotse na masaya ang mga ito kaya sobrang tindi ng galit ang nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang magwala sa loob ng sasakyan. Gusto niyang sapakin ang dating kaibigan na noon ay hindi niya nagawa.
Si Drake Sarmiento noong kabataan, maliban sa pagiging guwapo at habulin ng mga babae ay may busilak itong puso at angking talino kaya agad niyang nabihag si Erika noong nasa labing-walo pa sila. Pero natuldukan ang masayang relasyon nila noong nakapagtapos na sila ng kolehiyo. Unti-unting nawala na parang bula ang matamis na pagmamahal ni Erica kay Drake nang nagtagpo ang landas nilang dalawa ni Dan. Sobrang nasaktan si Drake roon dahil halos ibigay niya na ang lahat kay Erica. Pero, ipinagpalit lang siya nito ng ganoon kadali at sa matalik niya pang kaibigan.
Ilang beses na rin binago ni Drake ang kanilang kapalaran ni Erica gamit ang kakayahan niyang makita ang bukas, pero sa huli ay napagtanto niya na dapat nang palayain ang babaeng sa kanya ay hindi na masaya. Naging makasarili si Erica at Dan sa mga oras na iyon. Hindi nila inisip na masasaktan si Drake sa kanilang pagtataksil at tanging kaligayahan lang nilang dalawa ang iniisip nila. Sa panahong iyon, kahit si Drake ang biktima ay siya pa iyong nagpakalayo-layo para sa dalawa.
Nagpaharurot nang takbo si Mr. Sarmiento habang walang tigil pa rin sa pagbuhos ang luha mula sa kanyang mga mata na parang isang tagong talon. Hindi niya lubos maisip na sa higit labing-pitong taon ay muli niyang nakita ang dalawang tao na naging parte ng buhay niya. Ang dalawang taong tinuring niyang pamilya, pero sinaksak lang siya ng talim ng katotohanan na ito rin ang mga taong dudurog sa pagkatao niya.
Huminto si Drake sa isang bar para uminom. Gusto niya maglabas ng sama ng loob. Gusto niyang malasing at pansandaliang makalimot sa sakit.
Habang nakatayo sa harap ng counter si Mr. Sarmiento, may dalawang babaeng pinagitnaan siya; maganda at may balingkinitang katawan. Iyong isa ay nakayakap sa braso niya sabay amoy sa leeg niya habang ang isa naman ay ipinasok ang kamay sa loob ng pantalon niya na parang kumuha lang ng pitaka sa bulsa.
"Monstrous c**k," wika ng isa sa mga babae. Nanlaki ang mata nito nang naramdamang tinitigasan si Mr. Sarmiento.
"Really?" gulat na tanong ng kasamahan niya kaya ipinasok niya rin ang kamay niya sa loob ng pantalon ni Mr. Sarmiento at hinawakan ang ngayong sintigas ng bakal na p*********i nito. "Gifted," namamanghang sabi nito.
Kahit may humahawak sa p*********i ni Mr. Sarmiento ay wala pa rin ito sa sarili dahil sa kanyang nakita kanina. Hinablot siya ng dalawang babae paakyat sa itaas ng bar at hindi man lang siya kumibo. Pumasok sila sa loob ng isang pulang kuwarto na may pula ring ilaw. Sobrang ganda nito at mabango kaya mas lalong ganado ang mga babaeng matikman ang hindi umiimik na matipunong guro.
Hinubad ng isang babae ang suot pang-itaas ni Mr. Sarmiento at ang isa namang babae ay ang suot nitong pang-ibaba. Hahalikan na sana ng babae si Mr. Sarmiento sa labi, ngunit umilag ito kaya sa leeg na lang ito dumiretso patungo sa u***g ng guro. Nilaro niya ito gamit ang kanyang mapangahas na dila. Ang isa naman ay napanga-nga nang bumungad ang walong pulgadang p*********i ng guro sa harapan niya. Nagulat siya dahil ito ang kauna-unahan niyang makakita ng ganoon kalaki lalo na't ito ay purong pinoy. Maliit kasi ang nakasanayan nila, pero itong si Mr. Sarmiento ay biniyaan ng tumataginting na walong pulgada.
Kumuha ang babae ng condom at lubricant sa bag niya. Halatang sanay na sa kama ang mga ito. Nang sinimulan ng babae na isuot ang condom sa p*********i ni Mr. Sarmiento ay napunit lang ito dahil hindi magkasya. Hindi nakayanan dahil sa sobrang lusog nito.
"Unbelievable!" pagkamangha ng babae sabay dila sa butas ng p*********i ni Mr. Sarmiento.
Dahil sa sobrang laki ng p*********i ni Mr. Sarmiento ay mas lalong nasabik ang mga babaeng matikman ito. Patuloy pa rin sa paghalik ang isang babae sa leeg at u***g ng guro dahil hindi ito nagpapahalik sa labi. Habang ang isa naman ay pinaglalaruan pa rin ang walang ganang p*********i ng guro kasi agad itong lumalambot. Hindi man lang natatagalan ang pagtigas nito kahit ano'ng subo at sipsip ang ginawa ng babae.
"Stop," maawtoridad na utos ni Mr. Sarmiento.
Napahinto ang dalawang babae sa ginagawa nila. Pinulot naman ni Mr. Sarmiento ang mga damit niya na nakakalat sa sahig at isinuot iyon. Nang matapos na siyang magbihis ay dinaanan niya lang ang dalawang tulalang babae. Pagbukas niya sa pinto, nilingon niyang muli ang dalawa.
"Women will pay."
~~~