Kabanata 7

1578 Words
KABANATA 7 Buong araw nasa loob ng faculty si Tricia dahil hindi ito kumportableng gumalaw. Wala kasi itong suot na salawal. Itinapon kasi iyon ni Mr. Sarmiento sa bintana dahil naiinis ito sa paglalandi ng kapwa guro sa kanya kahit na may asawa na ito. Pinagtaksilan siya noon ng mga mahal sa buhay kaya iyon ang dahilan kung bakit kumulo ang dugo niya sa katulad ni Tricia. Alas tres na ng hapon kaya papunta na si Mr. Sarmiento sa klase niya sa Matematika. Nakabalot ng bendahe ang kaliwang palad niya dahil sa sugat na natamo sa pagsusuntok niya sa haligi ng condo unit niya. Pagdating niya sa silid-aralan nila Danica. "Get 1 whole sheet of paper." Napakamot sa ulo ang mga estudyante maliban kay Danica na magaling sa lahat ng aspeto. Nanlaki ang mga mata ni Danica nang makita ang kamay ng gurong si Drake. Katulad nang nangyari sa panaginip, nilapitan ng dalaga ito para magtanong. Sa panaginip, hindi siya pinansin ng guro, pero sa totoong pangyayari ay pinansin siya nito. "Sasabihin ko mamaya pagkatapos nitong klase. Pero sa ngayon, sagutin mo muna ang pagsusulit," sagot ng guro. Binigyan pa niya ito nang matamis na ngiti. "Okay po," sagot ni Danica sabay takbo pabalik sa upuan niya. Binilisan nang sagutan ni Danica ang pagsusulit dahil para sa kanya ay madali lang ito. Nang matapos siya ay hindi pa niya ito pinasa bagkus binigay pa niya ito sa mga kaklase niya. Ganoong klaseng tao si Danica, mapagbigay at hindi maramot kaya mahal siya ng lahat. Makulit din itong babae kaya magaan ang loob ng mga taong nasa paligid niya. May mga matatalik siyang kaibigan, pero sa ibang paaralan nag-aaral. University kasi ang pinapasukan niya ngayon habang iyong mga kaibigan niya ay nanatili sa dating akademya kung saan siya nag-aaral. Bente minuto ang lumipas, bumalik na sa kanya ang papel na pinagmulan ng sagot ng mga kaklase niyang nahihirapan sa asignatura. Tumayo siya para ipasa ito kay Mr. Sarmiento. "Daddy, I'm done," mahinang sabi niya. Sinigurado niya na ang guro lang talaga ang makaririnig nito. Napangiti si Mr. Sarmiento nang marinig iyon sa dalaga. "Baliw. Bumalik ka na sa upuan mo," nakangising anito. "Yes, dad," sagot ni Danica sabay talikod. Muling napangiti si Mr. Sarmiento dahil sa kakulitan ni Danica. Mukhang napadalas na ang pagngiti niya. Nagsimula lahat ng iyon nang naging bukas siya rito. Noon kasi ay pinag-iinitan niya ito dahil kamukha nito ang dating kasintahan at ka-apelyido pa ang dating kaibigan na ngayon ay ang kanyang kinamumuhian. Pero nang napagtanto niya na kabilanin iyon sa dalaga ay sinubukan niyang maging mabait dito. At isa pa, gabi-gabi niya nakikita ito sa panaginip kaya kilalang-kilala niya na ito. Nang tumunog ang bell, napatayo ang guro at nagpaalam. Pero bago niya iyon sinabi, nakatingin siya kay Danica. Dahil matalino si Danica, naintindihan niya ang nais ipahiwating ng guro kaya agad din siyang sumunod dito. Nang makalabas sa silid-aralan si Danica, hindi na niya nakita ang guro. Inilakbay niya ang tingin sa paligid, pero wala na ito kaya napakamot siya sa kanyang ulo. Dahan-dahan siyang naglakad hanggang sa may tumakip ng mga mata niya. Dahil gusto niya ang tao, alam niya kung sino ito sa pamamagitan ng pabango nito. "Huhulaan ko kung sino ito. Hmm, mahal ko? Daddy?" nakangiting sabi ni Danica. Napatawa si Mr. Sarmiento kaya tinanggal niya ang kamay na nakatakip sa mga mata ni Danica. "Oo, anak. Ako ito," natatawang sagot ni Mr. Sarmiento. Humarap si Danica at sinundot ang tagilaran ng guro sabay simangot. "Bakit anak? Dapat Mommy," pagrereklamo nito. "Ewan ko sa iyong bata ka. Anyway, hintayin mo ako roon sa bakery, kung saan ka naghintay sa panaginip ko," saad ni Mr. Sarmiento. "Pero hindi po ako nanaginip kagabi, dad," sagot ni Danica. "Ahhh, okay. Gusto man kita pasasakayin sa kotse ko, pero baka ano pa ang masasabi nang makakakita sa atin kaya roon ka na lang sa unang bakery mula rito sa paaralan maghintay. Mag time-out muna ako roon," paalam ng guro. "Okay po, dad. I love you," sabi ni Danica sabay alis. Habang paalis na si Danica ay tinitingnan pa rin ito ni Mr. Sarmiento. "Parehong-pareho talaga kayo ng ugali ni Erica," mahina niyang sabi. Nasa faculty si Mr. Sarmiento para kunin ang gamit niya at makapag-time-out. Nang matapos, nagmadali siyang lumabas para puntahan si Danica. Pagpasok niya sa sasakyan, agad niya itong pinaandar at nagpaharurot ng takbo kaya sinbilis ng kidlat siyang dumating sa kinaroroonan ng dalaga. Bumisina ito sa tapat ng bakery kaya agad napatayo si Danica at pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. "Hi, dad," masayang bati nito. "Hello. Nababagot ka na ba? Sorry sa paghihintay." "Not so. Um, I want a piece of cake, daddy," tunog batang sabi ni Danica. "Sumasakit na ang tiyan ko sa katatawa sa iyo ngayong araw, Danica. Pero okay, bibilhan kita." "Yeheyyyy! I love you, daddy!" sigaw ni Danica na parang isang bata. Napatigil ito sa pagsigaw nang hinalikan siya ni Mr. Sarmiento sa pisngi. Paglingon niya sa guro, nginitian siya nito. "Please calm, baby," anito at muling hinalikan sa pisngi ang dalaga. Hindi makasagot si Danica at tulala lang siya sa ginawa at sinabi ng guro. Paglabas ni Mr. Sarmiento sa kotse ay ito namang pagsigaw ni Danica ng 'I LOVE YOU, DADDY' nang buong lakas. Nang nakita niyang pabalik na ang guro, inayos niya na ang kanyang sarili. Umayos siya ng upo at tinali ang kanyang buhok. Pagpasok ng guro, napatitig siya sa dalaga, nakatali kasi ito ng buhok kaya makikita mo ang kinis ng leeg nito. Tila nanghina naman si Mr. Sarmiento nang makita ang balagat ni Danica na may mga nunal. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili kaya binigay na niya ang nabiling cake at softdrinks sa dalaga. "Kain ka muna," saad nito. Habang kumakain si Danica ay nagpatuloy lang sa pagsasalita si Mr. Sarmiento. "I saw them last night sa village niyo." "W-what? Iyong dati mong kasintahan at matalik na kaibigan?" gulat na tanong ni Danica. "Oo. Sa village niyo sila nakatira. Nakita ko sila sa loob ng kanilang kotse. Mukhang papauwi na sila sa kanilang bahay." "Ah. At 'yang bendahe na nasa kaliwang kamao mo ay dulot nang pagsusuntok mo sa haligi ng condo unit mo, tama ba? Dahil nagalit ka at bumalik ang sakit sa puso mo kaya nagawa mo iyon?" Hinawakan ni Danica ang kamay nito. "At itong mga sugat ay dulot ng bubog na pinagtatapon mo?" "Tama. Ang galing mo baby, ah?" namamanghang sagot ni Mr. Sarmiento. Namumula ang pisngi ni Danica nang marinig muli ang salitang 'baby' kay Mr. Sarmiento. Pinigilan niya ang kilig dahil nahihiya siyang makita nito. Pero mahina siya at nahampas ang guro sa balikat. "Ano ba, dad! Kinikilig ako," nahihiyang sabi nito. "Ang weak mo, baby," pang-aasar ni Mr. Sarmiento. "Pero strong ako magmahal. Especially for you. Ayiehhhh." "Thank you," seryosong sagot ni Mr. Sarmiento. "For what po?" "Dahil minahal mo ako kahit ganito na ang edad ko. Kung tutuusin you can find someone better na kasing-edad mo. You are pretty, smart, and kind at maraming magkakagusto sa iyo." Napanguso ang dalaga. "But, sir. Ikaw iyong better na gusto ko. I don't care about your age. It's just a number. Loving you is enough." "Bakit ba ako?" "Kung puwede lang sumagot ang puso ko, siya na ang magsasabi sa iyo, sir." Napangiti ang guro. "Okay, I will let you call me, Drake." "Drakey?" asik ni Danica. "No. Iyan ang tawag sa akin ni Erica." Nang nabangggit niya ang pangalang Erica, naalala niya iyong sa panaginip niya na mukhang nagulat si Danica nang marinig iyon. "Erica?" gulat na tanong ni Danica. "Oo. Sa panaginip ko, ganyan ang reaksyon mo. May kakilala ka bang Erica sa village niyo?" tanong ni Mr. Sarmiento. Napatango si Danica. "Mommy ko, Erica ang pangalan. Erica Dela Cruz Mattias." Tila nanlisik sa galit ang mga mata ni Mr. Sarmiento sa narinig habang napakamao ang kaliwang kamay. Pero hindi iyon makikita ni Danica dahil abala siya sa pagkain ng cake. "I like her name. Your father? Ano ang pangalan niya?" kalmadong tanong ng guro. Pero ang totoo, nagliliyab siya sa galit. Napalingon si Danica kay Mr. Sarmiento dahil sa pagtanong nito sa pangalan ng ama niya. Dahan-dahang lumawak ang labi nito. "Hmmm, you want to ask them if puwede mo ako ligawan noh? Ayiehhhhhh. Dan Cris Mattias po ang pangalan ng mabait kong Daddy," sabi ni Danica. Tinitigan ito ng guro na walang emosyon kaya nagdulot ito ng katanungan sa dalaga. "Baki..." Hindi natapos ni Danica ang sasabihin dahil bigla lang itong sinunggaban nang mainit na halik ni Mr. Sarmiento. Habang naghahalikan silang dalawa ay siyang paggapang ng kamay ni Mr. Sarmiento sa loob ng saya ni Danica. Napabitaw sa paghalik sibDanica dahil sa gulat. "You said, you love me?" tanong ni Mr. Sarmiento. "Pero walang tayo," pag-aalala ni Danica. Napangiti si Mr. Sarmiento nang marinig iyon sa dalaga. "So can I be your boyfriend, Danica?" "Yes," sagot nito ng walang pagdadalawang-isip. Niyakap agad ito ni Mr. Sarmiento. Habang magkayakap sila ay biglang nagbago ang itsura nito. Muling nanlisik ang mga mata nito sa galit. "Anak ka pala ng mga taong manloloko, Danica. Ngayon, ipaparamdam ko sa iyo ang ipinaramdam nila sa akin. Tingnan lang natin kung ano'ng gagawin nila sa oras na basagin ko ang puso ng anak nila. Sisimulan ko na ang pahihiganti," sabi ni Drake sa kanyang isipan. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD