Aiana’s POV Maaga akong nakatulog kagabi. Hindi ko na halos nasagot ang mga messages ng mga kaibigan ko sa sobrang saya ko sa bahay na ito. Hindi pa rin kasi ako tapos sa paglilipat ng mga laman ng old phone ko sa new phone ko. Grabe ‘yung mga pagkain kagabi sa dinner namin dito. Akala mo fiesta sa dami ng mga pagkain. Saka, ‘yung lasa, pang malakasan talaga. Nakakahiya nga dahil napansin ni Tito Clarence na naparami ang kain ko. Eh, kasi naman tinikman ko rin kasi ‘yung mga pagkain na hindi ko kilala. Lahat naman ng pagkain na natikman ko kagabi ay walang tapon. Lahat ay masarap. Kaya pag-akyat ko rito sa bedroom ko ay bulagta agad ang katawang-lupa ko. Tataba ako rito dahil mapaparami palagi ang kain ko, pero nang maisip kong may gym nga pala rito ay ayos lang dahil kayang-kaya ko nam