Aiana’s POV “Ano ang iniiling-iling mo diyan?” tanong ni Mama nang lapitan niya ako. Wala na pala si Manang Gilda. Nakita kong naglalakad na ito papunta sa kung saan. “Wala,” sagot ko na lang. “Maupo ka na roon at nagpahanda ako kasi ng makakain natin. Nagugutom na talaga ako,” sabi niya. Kaya naman pala umalis na si Manang Gilda. “Si Manang Gilda pa talaga ang inutusan niyo?” tanong ko nang makaupo na ulit kami sa sofa’ng napakalambot. “Oo, bakit bawal ba?” Naupo pa si Mama na parang donya. Feel na feel niya ang pagiging sosyal kahit mukha naman siyang katulong sa suot-suot niyang dress na lumang-luma na. “May payakap-yakap ka pa sa kaniya, ginaganoon mo naman pala ang matanda ‘yun. Feeling amo ka rin dito, Mama. Nakakahiya ata ang ginagawa mo?” Inirapan niya ako. “Gaga, hindi nam