Aiana’s POV
Paghinto ng taxi ay nagpakawala ng usok sa loob ng taxi si Lio at saka siya naunang bumaba. Bababa na rin sana ako pero naka-lock ang mga pinto ng kotse. Pinilit kong hindi maamoy ang usok pero masyadong matapang ‘yun. Sa loob lang ng ilang segundo ay nawalan agad ako ng malay-tao. Pagkagising ko, nakahiga na ako sa kama sa loob ng isang kuwarto habang naka-bra at panty na lang. Syet! Hindi ko alam kung anong nangyari. Mag-isa na lang ako ngayong dito sa room. Bumangon na tuloy agad ako. Wala akong nakita na kahit sino rito sa maliit na kuwarto na ito. Hinanap ko ang suot kong dress. Nakita ko ‘yun sa may banyo nang pumasok ako roon. Doon na rin ako nagbihis. Paglabas ko naman sa silid na ‘yun ay wala rin akong nakita na kahit sino. Hindi ko alam kung nasaang bahay ako. Bagong bahay lang ito kaya takang-taka ako.
“Tang-ina ka, Lio! Nasaan ka? Saan mo ako dinala?” sigaw habang bumababa ako sa hagdan pero walang sumagot o lumitaw na kahit sino. Sigurado naman ako na walang gumalaw sa akin dahil ramdam ko naman ‘yun sa ari ko kung alam kong pinagsamantalahan niya ako.
Naging masaya lang ako nang makalabas na ako roon. Malaking palaisipan sa akin ang naganap. Hindi ako nasaktan at alam kong walang nangyaring masama sa akin. Ang pinagtataka ko lang ay bakit wala na akong suot na dress nang magising ako.
Ano kayang pinagawa ni Francizka kay Lio?
Kinuha ko ang cellphone sa bag ko. Pagtingin ko roon ay sobrang daming missed call ni Keno sa akin. Ang dami niya ring text message na isa-isa kong binasa.
“Hey, nasaan ka, Babe?”
“Babe, nag-aalala na ako.”
“Babe, saan ka dinala ni Lio?”
“Babe, kasama ko si Lio. Hindi ka naman daw niya kinuha ah?”
“Babe, pinagti-trip-an mo ba ako? Kainis naman, nagba-basketball ako tapos lolokohin mo lang ako.”
“Ngayon naman ayaw mong saguting ang mga tawag ko. Nag-aalala pa rin ako, babe.”
Dahil sa mga nabasa kong text message niya ay tumawag na agad ako sa kaniya.
Wala pang ilang segundo ay sumagot na siya.
“Hey, Babe? Nasaan ka ba? Pinuntahan kita sa bahay ninyo wala ka pa roon. Kakaalis ko lang doon ngayon,” sabi niya sa kabilang linya.
“Babe, sinungaling ‘yang si Lio. Kanina, pag-alis ko sa coffee shop ay sumakay ako sa taxi. Nagulat na lang ako dahil si Lio pala ang driver ng taxi na nasakyan ko. Dinala niya ako rito sa isang village na for sure ay bahay nila. Pinatulog niya ako gamit ang usok na sinaboy niya kanina sa loob ng taxi. Pag gising ko, wala na akong suot ng dress habang nasa isang kuwarto na ako.”
“Wait, what? F*ck! Don’t tell me ni-rape ka niya?” galit niyang tanong habang malakas ang boses.
“Wala namang nangyari. Alam at ramdam ko ‘yun. Ang pinagtataka ko lang ay bakit wala na akong suot na dress pagkagising ko. Bra at underwear na lang ang suot ko nang magising ako kanina,” sagot ko sa kaniya.
“Nasaan ka? Susunduin kita now,” tanong niya kaya sinabi ko kung nasaan ako at saka na niya pinatay ang linya niya.
Naghintay ako sa tapat ng isang mini store na sinabi ko sa kaniya na kinaroroonan ko ngayon. Pagkalipas ng fifteen minutes ay dumating na rin agad si Keno. Bumaba siya sa sasakyan niya upang pagbuksan ako ng pinto. Seryoso ang mukha niya nang tignan ako. Alam ko na agad ang ganoong awra niya. Galit ito. Pero bakit siya magagalit kung alam naman niya na may nangyari sa akin?
Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay inayos ko ang sarili ko. Sigurado ako na sesermonan na naman niya ako.
“Nagla-lie ka ba sa akin?” bungad niyang tanong nang mag-umpisa na siyang magmaneho.
“Hindi ah. Bakit ako magsisinungaling?”
“Imposible ang sinasabi mo. Kasama ko si Lio kanina sa basketball court.”
“Talaga ba? Naroon na siya simula nang dumating ka? Naroon na siya noong mag-text ako sa ‘yo? Imposible, dahil kasama ko siya nang oras na mag-text message ako sa iyo. ‘Yun ‘yung oras na sakay-sakay niya ako sa taxi na dala-dala niya.”
“Teka, late nga siyang dumating. Nang tinatawagan kita, naroon na siya sa basketball court. Pero wala pa nga siya nang mag-text ka sa akin. Pero sigurado ka ba talaga na kinuha ka niya at dinala sa kung saan?” tanong pa niya kaya tumango ako.
Sa huli ay naniwala naman siya sa akin. Nag-sorry na lang din siya dahil sa hindi niya agad ako natulungan. Mabuti na lang talaga at walang grabeng nangyari sa akin. ‘Yun ang pinapasalamat ko.
**
Paghinto ng sasakyan ni Keno ay bababa na dapat ako nang hatakin niya ang kamay ko. “Kiss ko, nakalimutan mo,” sabi niya habang naka-puppy eyes pa. Napangiti naman ako dahil ang cute niya kapag ginagawa niya ‘yun. Hinalikan ko siya sa labi niya. Hindi pa siya nakuntento at hinatak pa niya ang mukha ko at saka pinudpod ng halik ang labi ko.
“Sige na, gabi na, babe, magmamaneho ka pa pauwi,” sabi ko sa kaniya habang natatawa pa rin. Gusot-gusot tuloy ang dress ko dahil habang naghahalikan kami ay sapo-sapo ng dalawang kamay niya ang dalawang dibdib ko.
“Sige, sige, babe. Nga pala, bukas ko haharapin si Lio. Humanda siya sa akin.”
Bago ako pumasok sa loob ay hinintay ko muna siyang makaalis.
Nadatnan kong umiinom ng tsaa si Mama habang nakaupo sa upuan nang makapasok na ako sa loob. Nakangiti ito habang nagbabasa ng message na sigurado akong galing sa boyfriend niya ngayon. Ang landi tignan ni Mama. Tila ito nagbalik sa pagiging dalaga ulit.
Tinignan ko ang itsura niya ngayon. Naka-duster na siya at mukha na namang poorita. Kanina, ang sosyal-sosyal ng suot niya at pak na pak pa ang makeup niya. Ibang-iba ang itsura niya ngayon sa itsura niya kanina nang makita ko sa coffee shop.
“Magaling ho kayo pipili ng boyfriend. Mayaman at mukhang bata pa,” sabi ko sa kaniya kaya nakuha ko na ang atensyon niya. Ngumisi ako nang lumapit pa ako sa kaniya. Pinakita ko sa kaniya ang kuha nila ng boyfriend niya nang picture-an ko sila kanina sa coffee shop. Namilog agad ang mga mata niya nang tignan ako.
“N-nakita mo kami?”
Binaba ko ang bag sa lamesa at saka tumuloy sa kusina. Sinundan naman niya agad ako. Inagaw niya ang baso na sasalinan ko dapat ng malamig na tubig. Binuksan niya ang lumang fridge namin at saka niya kinuha ang mango juice na tila uwi-uwi niya. ‘Yun ang sinalin niya sa baso ko at saka inabot sa akin.
“Mayaman nga siya pero tunay kaming nagmamahalan. Isa pa, hindi ‘yun bata. Magka-edad lang din kami. Mukha lang akong matanda sa kaniya dahil madalas magbanat ng mukha ‘yun para maging bata siyang tignan. Botox ata ang tawag doon. Soon, ipapakilala na rin kita sa kaniya. Gaya ko ay patay na rin ang asawa niya. Meron din siyang anak, pero lalaki naman ang kaniya. Soon, mami-meet mo rin sila,” sabi niya.
“Ma, huwag naman sanang umabot sa magpapakasal pa kayo. Ayos na ‘yung mag-syota na lang kayo. Mga matatanda na kayo kaya sana hanggang doon na lang muna ho kayo,” saway ko na agad sa kaniya. Nahihiya kasi ako sa sasabihin ng mga kapitbahay naming mga madidiwara.
“Anak, heto nga, nag-propose na siya sa akin kanina. Heto oh,” sabi niya at saka pinakita ang singsing na nakasuot na sa daliri niya. Napailing na lang ako. Talaga ngang push na push na si Mama sa lalaking ‘yun. Hindi na lang ako nagsalita at masakit na ang ulo ko. Tila lalagnatin na ako dahil sa pagpapaulan ko kanina. Nilayasan ko na siya at naloloka lang ako sa mga ganap ng lovelife niya.
Pumasok na ako sa room ko at saka nagbihis. Tinamad na akong mag-dinner kaya nahiga na lang ako. Nagligbang na lang muna ako sa social media. Mayamaya ay papikit na sana ako nang makatanggap ako ng tawag kay Keno. Sinagot ko naman agad ang phone call niya at baka emergecy ang tinatawag niya.
Unang bumungad sa akin ang malakas na music sa background niya. Teka, nasa bar ba siya? May naririnig din ako na para bang umiiyak.
“Babe, K-keno? Hello?”
“Babe mo mukha mo! Grabe ka, Aiana,” bungad niyang sabi sa kabilang linya habang nanginginig ang boses. Ano ito? Umiiyak ba siya? “Napakalandi mo pala. Nakakadismaya ka. Tang-ina talaga. Mahal na mahal kita, pero ganito lang pala ang gagawin mo sa akin. Sa lahat pa talaga ng lalaki siya pa? Aina, I’am breaking up with you. Nagsisisi ako kung bakit ikaw pa ang minahal ko. F*ck you, Aiana. Pinaglaruan mo lang ako. Magsisisi ka sa ginawa mong panloloko sa akin!”
Napatayo agad ako sa mga narinig ko sa kaniya.
“Teka anong pinagsasab—”
Naputol agad ang sasabihin ko nang p*****n na niya ako ng linya niya. What the f*ck! Hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nagalit at kung ano-ano na lang ang pinagsasasabi. Lalo tuloy sumakit ang ulo ko. Lasing lang ba siya o totoong nakikipaghiwalay na siya? Teka, hindi naman siya ganoong mag-joke. Saka kapag lasing ‘yun malambing, hindi ganoong mukhang dragon na galit na galit. Wala akong idea sa nangyayari.
Napasapo tuloy ako sa ulo ko. Napatulo na rin ang luha ko dahil sa mga narinig kong masasakit na salita na binato niya sa akin. Tinawagan ko siya nang ilang beses pero ayaw na niyang sumagot. Tila seryoso na nga siya sa pakikipaghiwalay sa akin. Bakit ba kasi? Anong dahilan? Saka, ano ang sinasabi niyang malandi ako?
Kanina, ayos na ayos pa kami nang ihatid niya ako. Tapos biglang ganito? Nakikipaghiwalay na siya. Tang-ina. Lalo akong nanlata tuloy.