Aiana’s POV
Bumaba agad ako sa ibaba upang magpaalam kay Mama. Hindi puwedeng ‘di ko makakausap si Keno. Kaka-one month lang namin. Hindi ko naman hahayaan na ganoong kabilis kaming magkahiwalay. Isa pa, ngayong pa lang ako nag-e-enjoy na tahimik ang buhay ko sa school. Ngayong pa lang ako nag-e-enjoy na kinaiinggitan ng mga kababaihan at pati na rin ng mga bakla sa school namin. Hindi puwedeng mawala siya ngayong mas dumami pa ang mga haters ko school. Kapag nangyari ‘yun, kawawa ako for sure. At ‘yun naman ang ayokong mangyari. Baka mapilitan na akong lumipat ng school. Hindi dapat mawala sa akin si Keno. Hindi ako papayag dahil mawawalan ako ng tagapagtanggol sa school namin.
“Anong oras na? Aalis ka na naman?” tanong ni Mama ng makita niyang nagsusukbit na ulit ako ng bag sa balikat ko.
“Ma, need kong makausap si Keno. May problema ho kasi,” sagot ko habang nagsusuot naman ako ng tsinelas. Magsa-sandal na lang ako at nagmamadali na rin kasi ako.
“Nag-dress ka pa talaga?”
“Eh, nasuot ko naman na rin ito nang nakaraang araw. Sayang, malinis pa naman.”
“Alam mo, parang hindi seryoso ang lalaking ‘yan sa ‘yo, Anak,” sabi ni Mama kaya napakunot ang tingin ko sa kaniya.
“Bakit niyo naman po nasabi ‘yan?” Lalo tuloy akong pinanghinaan ng loob.
“Eh, kasi hanggang ngayon hindi mo pa siya hinaharap sa akin. Sa tuwing in-invite ko siya rito, palagi siyang may dahilan. Palaging may emergency. Anak, matanda na ako. Marunong akong kumilatis ng mga lalaki. Sobrang dami ko nang pinagdaanan. Ano ang dahilan niya at ayaw niya akong harapin? Natatakot ba siya na isang araw ay kapag nalaman kong niloloko ka niya ay balikan ko siya at parusahan?”
“Ma, I know Keno. Talagang sa tuwing gusto niyo siyang makita ay palaging may natatapat na event o emergency. Hindi naman siya nagsisinungaling o gumagawa lang ng dahilan,” pagtatanggol ko kay Keno.
Tumawa naman si Mama kaya naiinis na rin ako. “Mag-iisang buwan pa lang kayo. Wala pa kayong isang taon kaya huwag kang umastang parang kilalang-kilala mo na ang lalaking ‘yan. Anak, mahal kita. Hindi naman sa dina-down ko si Keno sa ‘yo, pero malakas talaga ang pakiramdam ko na hindi siya ang lalaking seryoso para sa iyo. Sa nakikita ko ay parang wala rin siyang pinag-iba sa mga naging ex-boyfriend mo na sina Wize De leon at Anjay Cruz.”
“Salamat sa concern, Mama, pero titignan ko pa rin. Kailangan kong sagipin ang problema naming dalawa dahil hindi kasi kami nagkakaintindihan ngayon. Hindi ko alam kung ano ang reason niya kung bakit bigla siyang nakipaghiwalay sa akin,” sabi ko kaya lalong nanlaki ang mga mata ni Mama.
“Ano? Nakipaghiwalay siya? Siya pa talaga ang nakipaghiwalay?” Namimilog at halos parang pagalit na ang mukha niya. Sana pala ay hindi ko na sinabi.
“Huwag kang aalis. Babae ka. Maganda ka at ikaw dapat ang hinahabol. Huwag kang magpakatanga sa lalaking ‘yun. Tama ang hinala ko, Aiana. Hindi seryoso ang lalaking ‘yun. Malakas ang kutob ko na may pustahan na nangyari. Pinagpustahan ka lang ng gagong ‘yun. Hindi ako makapaniwala na uso pa ‘yun ngayon. Nakakasuklam ang Keno na ‘yan. Humanda talaga sa akin ang lalaking ‘yan.”
“Ma, kailangan ko siyang kausapin. May hindi talaga pagkakaintindihan ang naganap sa amin. Saka, kailangan ko pong alamin kung bakit nakipaghiwalay siya bigla. Sayang ho kasi,” pagpupumilit ko. Nasasayangan ako dahil isa rin ako noon sa patay na patay kay Keno. Sayang kung isang buwan lang ang tinagal namin.
“Kapag umalis ka rito, hindi ka na makakauwi. Bahala ka na sa buhay mo. Maghanap ka na rin ng bagong mo ina. Noong ako’y dalaga, Aiana, hindi ko hilig ang maghabol sa mga lalaki. Para sa akin, mas mainam kung ang babae ang makikipaghiwalay sauna, masakit sa damdamin ng babae kapag ang lalaki ang nakipaghiwalay. Kaya hindi ako makapaniwala na ikaw na nga itong hiniwalayan, ikaw pa ang maghahabol ngayon. ‘Yun naman ‘di ba ang purpose nang pag-alis mo ngayon? Kakausapin mo siya kasi hindi ka makapayag na hiniwalayan ka niya. Eh, di ganoon na nga rin ‘yun, naghahabol ka sa kaniya. Nagmumukha tuloy na patay na patay ka sa kaniya. Bakit? Malaki ba ang ari ng lalaking ‘yan at ayaw mong pakawalan. Nag-s*x na ba kayo at napatikim na niya sa iyo ang kargada niya kaya hindi mo siya mapakawalan. Jusmiyo, Aiana, ut*n lang ‘yan. Marami ka pang mahahanap diyan na mas malaki at mas masarap. Again, maganda ka, Anak. Hindi mo deserve ang maghabol dahil ako ang nasasaktan para sa iyo. Hindi kita niluwal para lang maging ganiyan. Tandaan mo, habulin ng nanay mo. Hindi lang noon kundi magpahanggang ngayon.”
Nakakaloka. Masyado talagang totoo itong si Mama. May point naman siya pero tutuloy ako. Kailangan kong makausap si Keno.
“Ma, kapag walang nangyari ngayon sa lalakarin ko, ayoko na talaga. Hindi naman paghahabol ang pupuntahan ko ngayon sa kaniya. Kailangan ko lang maliwanagan kung ano ang nangyayari. Kung bakit biglaan siyang naging ganoon. Lasing din po kasi. Kapag nalaman kong pagkakamali lang ang nangyari. Kapag alam kong wala talaga akong ginagawang mali, ako mismo ang makikipaghiwalay sa kaniya. Tama naman ho kayo. Masakit talaga sa akin na siya pa ang nakipaghiwalay sa akin kaya heto ako ngayon, hindi mapakali dahil hindi ko rin matanggap na ginanito niya ako. Sa lahat ng naging boyfriend ko, siya pa lang ang kauna-unahang lalaking nakipaghiwalay sa akin kaya hindi ako makakayag na maganito niya ako. Nakikinig naman ako sa iyo, Mama. Pero, please, paalisin niyo ako dahil kailangan kong malaman ang totoo.”
Bumuntong-hininga si Mama. “Fine, bilisan mo lang. Umuwi ka agad pagkatapos mo siyang kausapin. Saka kung sakaling may mangyaring mali ay tawagin mo ako at pupuntahan kita agad,” sabi niya kaya napangiti ako.
Bigla ko tuloy siyang niyakap. “Salamat, Mama. Uuwi rin po agad ako,” sabi ko at saka na ako nagmadaling lumabas sa bahay namin.
Sakto naman na may dumaan na tricycle paglabas ko. Dali-dali na akong sumakay doon upang puntahan na sa bar si Keno na madalas niyang puntahan. Mabilis lang naman akong nakarating doon. Nagbayad na ako sa tricycle driver at saka nagtatakbo papasok sa loob. Agad ko namang nakita si Keno, nakabayukyok na ito.
“Mabuti at dumating ka na. Kanina pa kasi magulo at nang-aaway ng kung sino-sino ang boyfriend mo,” sabi ng isang crew sa akin.
“Pasensya ka na, ngunit maaari mo ba akong tulungan na alalayan siya palabas dito sa bar?”
“Sige, sige, para makauwi na rin ‘yan,” sagot niya kaya tinulungan na niya akong alalayan si Keno palabas doon. Nag-request pa ako sa lalaking crew na isakay na rin kami sa tricycle. Mabuti at pumayag siya dahil alam din naman niyang hindi ko kayang mag-isa na buhatin ang napakalaking tao na si Keno. Nang makapara na ako ng tricycle driver ay sumakay na kami roon.
Sinabi ko sa tricycle driver ang address ng bahay ni Keno. Tiyak na wala na namang tao sa bahay nila kaya sasamahan ko na muna siya roon hanggang sa mahimasmasan siya. Kailangan ko rin kasi siyang makausap ngayong gabi bago ako umuwi sa bahay. Aalamin ko ang totoong dahilan nang pagkagalit niya sa akin kanina. Pagdating namin sa bahay nila ay nagpatulong din ako sa tricycle driver na buhatin si Keno papasok sa malaki nitong bahay. Mabuti at nasa bulsa ni Keno ang susi ng bahay nila. Inakay namin siya papunta sa sofa sa living area ng bahay nila. Dinagdagan ko na lang ang bigay ng pera sa tricycle driver para sulit ang pagtulong niya sa akin.
“N-nasaan na ako?” mautal-utal pa niyang tanong.
Tumingin ako sa buong paligid. Bukas na bukas ang buong ilaw pero kahit isa ay walang tao. Pumunta ako sa kusina upang ipagtimpla siya ng kape. Kumuha na rin ako ng basang bimpo at planggana para mapunasan ko siya.
Habang pilit ko siyang pinapainom ng kape ay isa-isa ko nang tinanggal ang mga saplot niya. Nang underwear na lang ang matira ay inumpisahan ko nang punasan ng basang tela ang katawan niya. Ito ang unang beses na makita kong underwear lang ang suot niya. Totoo nga pala ang bali-balita noon sa school namin na sobrang ganda ng katawan niya. Galit na galit ang mga muscle niya. Ang ganda ng bycep nito tapos bukol na bukol din ang walong abs sa tiyan niya.
Nanginginig ang mga kamay ko habang pinupunasan ko ang katawan niya. Sa lahat ng naging boyfriend ko, siya palang ang aalagaan ko ng ganito. Siya lang kasi ang kapag nalalasing ay hindi kaya ang sarili niya. Grabe, sobrang kinis ng balat ni Keno. Kahit gasgas ay wala rin siya.
Natutunan ko ito kay Mama noong nabubuhay pa si Papa. Sa tuwing malalasing si Papa, ganito ang ginagawa ni Mama. Habang pinapainom niya ng kape ang lasing na lasing na si Papa ay pinupunasan niya ng basang bimpo ang katawan nito. Dahil sa kape at pagpupunas ng basang tela sa katawan ay maiibsan kahit pa paano ang tama ng alak sa katawan ng isang taong lasing.
Matapos ko siyang punasan ay pumunta ako sa kuwarto niya. Nakapasok naman na ako rito ng ilang beses sa tuwing aayain niya akong mag-dinner sa bahay niya kaya kahit pa paano ay kabisado ko na ang bahay niya. Binuksan ko ang cabinet niya habang naghahanap ng pantulog niyang damit. Nahirapan ako sa paghahanap dahil sa laki ng cabinet niya.
Mayamaya ay biglang bumukas ang pinto ng silid niya. Nagulat ako dahil nakasunod na si Keno sa akin. Napatingin ka agad ako sa ibaba niya nang makitang wala na rin siyang suot ng underwear. Napalunok ako bigla ng laway nang makita kong halos hindi masakop ng kamay niya ang galit nitong alaga.
“May one month naman na tayo kaya puwede na sigurong may mangyari sa atin,” sabi niya na maayos na ngayong magsalita. Nawala na ata ang lasing niya.
Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa itsura niya ngayon. Hubu’t hubad siya habang nilalaro ang matigas at mahaba niyang kargada. Ang wild niyang tignan ngayon. Tapos ‘yung tingin niya ay para bang nagsasabi na halika na, tikman mo na ako dahil sobrang sarap ko. Hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako ng isang lalaking nakahubad. Marami sa naging boyfriend ko ay may nangyari na rin sa amin. Kaya lang, bakit napatitig ako bigla ng ganito sa kaniya. Sa lahat kasi nang naging boyfriend ko. Itong si Keno ang sobrang perfect para sa akin. Kung sa nakadamit pa lang ay sexy na ang tingin ko sa kaniya, may ise-sexy pa pala siya kapag wala nang suot ng saplot tapos ganito pa ang katawan. Ngayon, alam ko na kung bakit maraming uhaw na babae sa kaniya. Ngayon alam ko na kung bakit pilit na inaagaw sa akin ni Francizka si Keno. Dahil ganito nga pala siya kasarap tignan kapag wala ng saplot.
“S-sandali, hindi ba’t nakipaghiwalay ka na sa akin?” tanong ko bigla sa kaniya.
“Lasing lang ako kanina. Halika na rito. Ngayon ka bumawi sa akin. Ipakita mo sa akin na tama ako ng pinili na babae sa school natin. Maraming takam na takam sa akin, Babe. Ngayong inaaaya kita ay sana’y pagbigyan mo ako,” sabi niya habang mapanghibok ang boses. Naglakad pa ito na parang model paupo sa kama niya. Nang makaupo na siya roon ay bigla itong bumukaka kaya umabot na ang ulo ng alaga niya hanggang sa abs niya. Napapamura ako ng palihim dahil nakakaakit ang itsura niya ngayon. Sobrag hot niya ngayon. Kung tignan ko ito ay parang naiisip ko na sobrang sarap niyang ka-s*x sa kama. For sure, hindi ako makakaligtas sa kaniya. Kilala ko ang sarili ko. Mabilis na rin kasi ang t***k ng puso ko. Nag-iinit na ako kapag tinitignan ko siya. Matagal na rin akong may pagnanasa sa kaniya. Kahit noong hindi pa kami ay madalas ko nang isipin kung masarap ba siya ka-s*x. Ngayon ay tila malalaman ko na ang kasagutan.
Kusa namang naglakad ang mga paa ko palapit sa kaniya. ‘Yung boses niya kasi ay parang may kapangyarihan. Para ako nitong kusang pinapasunod sa sinasabi niya. Daig ko pa ang lasing ngayon dahil habang palapit ako sa kaniya ay hinuhubad ko na rin ang suot kong dress. Saktong pagdating ko sa harap niya ay bra at underwear na lang ang suot ko. Nakita kong kumislot ang ari niya habang nakatitig sa katawan ko. Hinatak niya ako bigla palapit sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan niya ang dibdib ko kahit may suot pa akong bra.
Heto na nga. Wala na akong kawala. Ito na ang unang beses na may mangyayari sa amin ni Keno. Kung nakikita lang sana kami ngayon ni Francezka ay tiyak na umuusok na naman ang ilong niya sa sobrang inggit niya.