Chapter 6

1805 Words
“Minsan naiinis ako sa sobrang bait mo eh,” pabulong na sabi ni Erin habang nagpupunas ng table. “Bakit naman?” tanong ko. “Sa inyong dalawa ni Laura, ikaw ang mas dapat piliin ni dragon fruit dahil may anak kayo. Ikaw naman, wala kang balak sabihin kay dragon fruit ang tungkol kay Calli dahil ayaw mong makasira ng relasyon. Pero pa'no ka naman? Hindi mo na inisip ang sarili mo.” Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Erin. “Isipin mo Nisha, may karapatan din naman si dragon fruit na malaman ang tungkol kay Calli, malay mo matulungan ka pa niya. Mukha namang mabait ang gagong yun eh,” patuloy niya pa. “Hindi gano'ng kadali 'yon Erin. Ikaw nga, bait hindi mo pa sinasabi sa asawa mo na may anak kayo diba?” Napairap siya sa sinabi ko. “Magkaiba ang asawa ko at si dragon fruit. Hinayupak kaya ang asawa ko,” nakangusong sabi niya. Napailing na lang ako. “Nisha.” Sabay kaming napatalon sa gulat ni Erin. “S-Sir Dragon.” Nakaramdam ako ng kaba. Narinig niya kaya ang usapan namin?! “Please stop calling me sir, I'm not your boss, si Shenna na,” nakangiting sabi niya. Alanganing napangiti na lang ako at tumango. “Ahm, lunch break niyo na. Pwede ba kitang makausap?” tanong niya at napakamot pa sa batok niya. Napalunok ako. “H-Hindi ba magagalit si Laura?” Ngumiti siya. “Of course not. Ipinagpaalam na kita sa kanya.” Napatungo na lang ako. Dapat ba akong pumayag? “Pumayag ka na, mag-uusap lang naman kayo eh,” bulong ni Erin. Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti kay Dragon. “S-Sige.” *** Laura's POV~~~ “Seriously?! Are you nuts Laura? Pa'no na lang kung magkagustuhan na naman sila? Alam mong muntik ng masiraan ng bait si Dragon dahil sa secretary niya na 'yon.” I just rolled my eyes at her. “That won't happen Cristina.” tanging sabi ko na lang at sumandal sa kinauupuan kong swivel chair. “Wag kang pakasigurado Laura.” napabuntong hininga ako at napahilot sa sentido ko. To be honest, I'm really nervous. Sino ba namang hindi? Alam kong mahal ako ni Dragon pero hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. “Temporary lang din naman ako dito, babalik din kami ni Dragon sa Manila.” “Pero iba din ang pakiramdam ko sa Nisha na 'yon.” sabi pa ni Cristina at ininom ang kape na inihanda ko. “She's nice Cristina. I actually like her to be my friend.” It's true, alam kong mabait si Nisha. I can feel it. “Pero pa'no kung dumating sa punto na mahalin siya ulit ni Dragon? What will you do?” Natigilan ako sa tanong niya. “You like Dragon, I'm very sure of that.” natigilan ako sa sinabi ng kaibigan kong si Fea. “H-Hindi noh.” I denied. Nakakahiya pa kapag nalaman ni Dragon na gusto ko nga siya. Napatingin ako kay Dragon na tahimik na nainom ng alak sa isang sulok. He look devastated. Nakilala ko si Dragon ilang buwan na ang nakakalipas. Pinakilala siya sakin ni Fea na pinsan ni Tiger ng Danger Zone. Minsan napunta dito sa Los Angeles ang Danger Zone. Masasabi kong sikat talaga sila kahit dito sa LA. Agaw atensyon nga si Dragon dito lagi eh. Nabalitaan ko din kay Fea na nandito si Dragon para sa parusa ni Ice Prince Farthon sa kanya. Ni-rape daw kasi ni Dragon yung secretary niya. Halata ang pagod sa mukha ni Dragon. Kunot na kunot din ang noo niya at para bang ayaw niyang may lumapit sa kanya. Nung unang beses nga na nagkakilala kami, ni hindi man lang siya nakipagkamay sakin. Sabi ni Fea malaki daw ang pinagbago ni Dragon. Mabait daw talaga siya dati “Nakatitig ka sa kanya, gusto mo talaga siya eh.” napapitlag ako sa sinabi ni Fea. “Heh! Wait nga lang, magpapahangin lang ako sa labas.” Tumayo ako at lumabas sa bar. Ang ingay, nakakarindi. Para akong nakahinga ng maluwag pagkalabas ko sa bar. Umupo ako sa may damuhan at tiningnan ang mga bituin. Kapag dumating ang araw na mahalin din ako ni Dragon, ako na yata ang pinakamasayang babae sa lahat. “Fvck life.” napalingon ako sa pamilyar na boses. Sinipa ni Dragon ang plastic bottle na nakita niya, mukhang di niya napansin. Sabagay wala naman siyang pakialam sa ibang bagay. “Aray!” tumama sa braso ko ang plastic bottle na sinipa niya. Napalingon siya sakin at napakunot ang noo. Agad akong tumayo. Tumalikod lang siya at akmang aalis na pero agad ko siya hinabol. “Hoy Dragon!” hinawakan ko siya sa braso, agad niyang binawi ang braso niya sakin. “Hindi ka man lang ba magsosorry sakin?” nakasimangot na sabi ko. “Sorry Lira.” mas lalo akong napasimangot sa sinabi niya. “Laura ang pangalan ko.” sabi ko at hinampas siya sa braso. “I don't give a sh*t.” masungit na sabi niya at pumasok ulit sa bar. Napangiti na lang ako, ang cute niya kapag nagsusungit. *** “Pwede ba tantanan mo na ko?! Nakakairita ka na!” napapitlag ako sa malakas na sigaw ni Dragon. Araw araw ko siyang pinupuntahan dito sa apartment niya at dinadalhan siya ng pagkain, nililinis ko din lagi ang apartment niya. Pero mukhang naiirita na siya sa mga ginagawa ko. “D-Dragon... Mahal kita.” nakatungong sabi ko. Natahimik siya sa sinabi ko. Umupo siya sa upuan at napahilamos sa mukha niya. “I'm not a good man Laura.” bulong ni Dragon. “Wala akong pakialam Dragon. Wala akong pakialam kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa mundo, b-basta mahal kita.” tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. “Umalis ka na.” tanging sabi niya. “At wag ka ng babalik.” Natulala ako sa sinabi niya. “H-Hindi mo ba ako mahal Dragon? Kahit konti lang?” napaiwas siya ng tingin sakin. “J-Just leave.” napabuntong hininga ako at tumango tango. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko. “S-Sorry sa abala.” tanging sabi ko at tumalikod na para umalis. Napabuntong hininga na lang ako nang makalabas na ko ng apartment niya. Kailangan kong tanggapin, hinding hindi ako mamahalin ni Dragon. Napapitlag ako nang maramdaman ko na lang ang matitipunong braso ni Dragon na nakapulupot sa baywang ko. Natulala ako. “D-Don't leave me Laura.” tila nagmamakaawang sabi niya. Humarap ako sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. Mas lalo akong nagulat nang siilin niya ng halik ang labi ko. “Will you wait for me Laura?” tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. “H-Ha?” “H-Hindi pa ko sigurado sa nararamdaman ko.” hinawakan ko ang kamay niya. “Kahit gano'ng katagal, maghihintay ako Dragon.” napangiti siya sa sinabi ko. Ngayon ko lang nakita na ngumiti si Dragon, and I want to see that smile everyday. Si Dragon, mahal na mahal ko talaga siya. Napapikit ako habang inaalala ang nga nakaraan namin ni Dragon. “Kung si Nisha ang magiging dahilan ng pagkasira ng relasyon namin ni Dragon, I have to get her out of the way.” seryosong sabi ko habang nakatitig sa kawalan. “Hindi biro ang pinagdaanan ko mahalin lang ako ni Dragon.” *** Nisha's POV~~~ “K-Kamusta ang naging buhay mo sa LA?” pag-open ko ng topic. Ang tahimik kasi. Nandito kami sa may park na madalas naming puntahan ni Calli, maganda kasi dito at malinis. “Miserable, sobrang hirap ng pinagdaanan ko sa LA, tapos lagi pa kong nilalamon ng konsensya ko dahil sa ginawa ko sayo.” seryosong sabi nito habang nakatitig sa mga batang naglalaro sa di kalayuan. “But I'm thankful dahil dumating si Laura sa buhay ko, she's my savior. ” nakangiting sabi niya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Wag kang iiyak Nisha, pigilan mo. “M-Masaya ako para sayo.” mahinang sabi ko. Saglit kaming natahimik. “P-Pero meron akong gustong itanong.” napalingon ako sa kanya. “Nagalit ka ba sakin? Kinamuhian mo ba ako?” tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. Napalunok ako sa tanong niya. “H-Hindi ko sinasabing nagustuhan ko ang nangyari, pero hindi kita kinamuhian.” Hindi kita kinamuhian dahil hindi mo ako pinagsamantalahan. “Kasi sobra sobra ang pagmamahal ko sayo noon para kamuhian kita.” hanggang ngayon naman, mahal pa rin kita. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maialis ang titig ko sa kanya, gano'n din siya sakin. Dapat kong pigilan ang nararamdaman ko. Hindi maganda ang idudulot nito para samin. Para namang natauhan si Dragon at napaiwas ng tingin. Napahilamos siya sa mukha niya at napasandal sa kinauupuan naming bench. “Damn it, this is bad.” narinig kong bulong niya. “H-Ha?” tanong ko. “N-Nothing, don't mind me.” *** Third Person's POV~~~ “He's fvcked up.” bulong ni Lion kay Prince. Napailing na lang si Prince at sumandal sa kinauupuang swivel chair. Tulala kasi si Dragon habang nakatitig lang sa kanya ang Danger Zone. “Why the fvck is this happening to me?” napasabunot sa sariling buhok si Dragon. “Nasiraan na talaga siya ng bait.” sabi ni Shark at napailing iling. “Fvcktard.” napalingon si Dragon kay Prince. “Still confused?” tumayo si Prince at sinuot ang coat niya. “Sigurado yan, pustahan tayo puro 'Nisha' ang nasa isip niyan.” pang-aasar pa ni Lion. “Magpasalamat ka wala akong maibato sayo dito.” sabi ni Dragon habang nakatingin ng masama kay Lion. Napakamot si Dragon sa kilay niya. “Kailangan na naming bumalik ni Laura sa Manila. Delikado ako dito sa Palawan.” sabi ni Dragon at napabuntong hininga. “Bakit? Dahil kay Nisha?” tanong naman ni Tiger. “Fvck.” naiinis na tumayo si Dragon at lumabas ng office ni Prince. “Pa'no na yan?” tanong ni Gun. “Mukhang kailangan na nating kumilos.” seryosong sabi ni Bullet habang nagbabasa ng dyaryo. “I have a plan.” sabi ni Prince at napangisi. *** Nisha's POV~~~ “Kamusta ang pag-uusap niyo kanina ni dragon fruit?” tanong ni Erin. Naglalakad na kami pauwi. Maagang nagsara ngayon dahil Linggo. “Ayos lang.” matipid na sagot ko habang nasa kalsada ang nga mata ko. “Sus. Bakit parang malungkot ka?” tanong niya at inakbayan ako. “Masaya siya kay Laura.” natahimik siya sa sinabi ko. “Kung nakita mo lang yung mukha niya namung nabanggit niya yung pangalan ni Laura. Mahal na mahal talaga niya si Laura. Ramdam ko 'yon.” naramdaman kong may dumadaloy ng luha sa pisngi ko. “Nisha...” “Kaya pano ko masasabi kay Dragon na may anak kami? Pano ko masisira ang masayang relasyon na meron sila? Gusto kong magtuloy tuloy ang sayang nararamdaman ni Dragon sa piling ni Laura.” napabuntong hininga siya sa sinabi ko. “Bahala ka kung yan ang desisyon mo. Pero dadating din ang araw na malalaman niya ang tungkol dito at wala kang magagawa kapag nangyari 'yon.” napabuntong hininga ako sa sinabi niya. “Mama!” napalingon ako nang magtatakbo si Calli papalapit sakin. Agad ko siyang sinaubong ng yakap. “Namiss kita ng sobra Mama.” pinupog niya ng halik ang mukha ko. “Namiss ka din ni Mama.” niyakap ko siya ng mahigpit, napahagikhik naman siya. “Mama, may uwi ka sakin?” nakangusong tanong niya. Napangiti ako at inangat ang paborito niyang tinapay. “Yehey!” napangiti ako at binigay sa kanya ang supot ng tinapay. “N-Nisha.” pagtawag sakin ni Erin. “Wait lang, nilalambing ko pa si Calli ko.” sabi ko habang yakap yakap si Calli. “Nisha!” niyugyog na ni Erin ang balikat ko. Napatayo ako at nilingon si Erin. “Ano bang problema----” natigilan ako at napatingin sa babaeng nakatitig samin ngayon. Bakas ang gulat sa magandang mukha niya. “L-Laura...” agad kong tinago si Calli sa likod ko. “H-Hindi ako pwedeng magkamali, kamukhang kamukha siya ni Dragon.” sabi ni Laura sa nanginginig na boses. Agad akong lumapit sa kanya. “L-Laura, magpapaliwanag ako.” tumingin sakin si Laura. Tuluyan ng nagtakasan ang mga luha sa mata niya. “M-May anak kayo ni Dragon?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD