Tahimik kaming nakaupo ni Laura sa may sala. Nasa kwarto na si Calli at natutulog, si Erin naman ay umuwi na sa kanila. “So Calli pala ang pangalan niya?” tanong ni Laura habang nasa sahig ang tingin. Napalunok ako at napatango. “Anak talaga siya ni Dragon.” tila wala sa sariling sabi ni Laura. “S-Sorry.” nakatungong sabi ko. Alam kong nasasaktan siya ngayon. “Make sure na hindi malalaman ni Dragon ang tungkol dito.” malamig na sabi niya. Natigilan ako, parang ibang Laura na ang nasa harapan ko ngayon. Hindi ko siya masisisi, alam kong natatakot lang siya. “W-Wala akong balak sabihin kay Dragon ang tungkol kay Calli. Ayokong maging dahilan si Calli ng pagkasira ng relasyon niyo.” nakatungong sabi ko. Tumayo siya at naglakad papalapit sakin, umupo siya sa tabi ko at niyakap ako.