Nagkatitigan kami. Para akong naubusan ng hangin. Hindi ako makagalaw, nanginginig din ang mga kamay at tuhod ko.
“N-Nisha?” Napakurap ako. Baka kasi nananaginip lang ako.
Napasinghap ako nang hinila niya ko at niyakap, ang higpit ng pagkakayakap niya sakin. Napalunok ako.
“Sir Dragon...” nasabi ko na lang.
“Ang tagal kitang hinanap. Akala ko hindi na kita makikita.” Nakatayo lang ako habang yakap niya ako.
“Babe!” Napakalas siya sa pagkakayakap sakin nang marinig niya ang boses ni Laura.
“Magkakilala ba kayo?” tanong niya at kumapit sa braso ni Sir Dragon pagkalapit niya samin.
“Y-yes,” nauutal na sabi ni Dragon.
“Really? Kailan pa?” nakangiting tanong ni Laura. Ngumiti lang si Dragon kay Laura.
“N-Nisha, pwede ba tayong mag-usap mamaya?” tanong ni Dragon sakin.
“H-Ha?” Gusto kong sampalin ang sarili ko. Halatang kinakabahan ako.
“Kung okay lang, gusto kitang makausap mamaya,” tila nakikiusap ang mga mata niya. Napaiwas na lang ako ng tingin.
“S-Sige po,” nakatungong sabi ko.
Hinabol ko na lang sila ng tingin nang magtungo sila sa office ni Laura. Humabol pa ng tingin sakin si Sir Dragon.
“OMG Nisha! Ang intense ng pagkikita niyo ni dragon fruit,” sabi ni Erin habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay niya.
Nakatulala lang ako at nanghihinang napaupo. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman..
Third Person's POV*~*~*
Tulala pa rin si Dragon nang makapasok sila sa office ni Laura.
“Hey, what's your problem?” niyakap ni Laura sa baywang si Dragon.
Napabuntong hininga si Dragon. Hindi niya inaasahan na bigla na lang niyang makikita si Nisha dito.
‘Gago kayo Danger Zone! Patay kayo sakin!’ mura ni Dragon sa isip. Alam niyang may alam ang Danger Zone dito.
“Hmm, kailan pa kayo magkakilala ni Nisha?” muling tanong ni Laura.
“She's my secretary seven years ago.” napasinghap si Laura.
“She's the secretary t-that you---” napahilot si Laura sa sentido niya.
Nakwento kasi sa kanya ni Shenna ang tungkol sa secretary ni Dragon.
Parang nanuyo ang lalamunan niya. Si Nisha pala ang secretary ni Dragon dati na sobra niyang minahal. Alam din niyang pinagsamantalahan ni Dragon ang babae.
Halos hindi nga siya makapaniwala no'n. Hindi niya inakalang magagawa ni Dragon 'yon.
Naging open naman sa kanya si Dragon. Sinabi ni Dragon sa kanya na si Nisha ang babaeng pinakamamahal niya noon.
“Anong pakiramdam na nakita mo na siya ulit?” tanong niya kay Dragon.
“I don't know. Siguro kinakabahan?” umupo si Dragon sa couch. Umupo naman si Laura sa tabi niya.
“M-mahal mo pa siya?” tanong ni Laura.
Hindi niya maiwasang hindi kabahan. Alam niya kung gaano minahal ni Dragon ag secretary niyang 'yon. Dumating pa sa punto na halos suyurin nito ang buong mundo mahanap lang siya. Hindi niya maiwasang hindi magselos.
Ang dami niyang pinagdaanan bago siya minahal ni Dragon.
“Baliw ka ba?” natatawang sabi ni Dragon ang kinurot ang pisngi niya.
“Hindi kita gagawing girlfriend kung may mahal pa kong iba.” Inakbayan siya ni Dragon.
“Tss. Nakakaselos kaya. Alam kong patay na patay ka sa kanya noon,” nakangusong sabi ni Laura. Hinalikan siya sa labi ni Dragon.
“Wala kang dapat ikaselos. Ang nararamdaman ko kay Nisha ngayon, puro pagsisisi na lang. Ako ang sumira ng buhay niya,” sabi pa ni Dragon.
Huminga ng malalim si Laura at niyakap si Dragon.
Sana totoo ang sinasabi niya. Sana wala na talaga siyang nararamdaman para kay Nisha.
Mahal na mahal niya si Dragon at kaibigan na ang turing niya kay Nisha.
Hindi niya alam kung anong magagawa niya kapag nawala sa kanya si Dragon.
Nisha's POV*~*~*
Panay ang iwas ko ng tingin sa kanya. Magkaharap kami ngayon, nasa isang metro din ang layo ko sa kanya. Nakakailang.
“A-Anong pag-uusapan natin?” nakatungong tanong ko.
“How are you?” seryosong tanong nito habang nakatitig sa mga mata ko.
“A-Ayos lang naman,” sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya.
“Nagbago ka na,” tila wala sa sariling sabi nito. Napatingin ako sa kanya.
“Ha?”
“Ang hinhin mo na ngayon,” natatawang sabi niya. Naningkit ang mga mata ko.
“Bakit? Hindi ba ako mahinhin dati?” nakasimangot na tanong ko. Kinurot niya ang ilong ko.
“Para kang hindi babae dati,” pang-aasar pa niya.
“Grabe ka.”
Saglit kaming natahimik. Sobrang awkward. Panay lang ang iwas ko ng tingin sa kanya.
“Hanggang ngayon nagsisisi pa rin ako sa ginawa ko sayo seven years ago Nisha. Alam kong lasing ako ng gabing 'yon, p-pero pinagsamantalahan pa rin kita, dapat nakulong ako, kahit habang buhay pa.” Pilit na napangiti ako. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad niya. Lalo akong nakonsensya.
Bakit kita ipapakulong kung hindi mo naman talaga ako pinagsamantalahan?
“A-Ayos na sakin yo'n. Alam kong lasing ka din nung mga panahong yo'n.” Lumapit siya sakin at niyakap ako.
Napapikit ako ng mariin. Bakit kailangan niya pa kasing magpakita at guluhin na naman ang damdamin ko?!
“Kung alam mo lang, sobrang pinagsisisihan ko talaga ang kahayupan ko sayo.” Hinaplos niya ang mahaba kong buhok. Huminga ako ng malalim.
“O-Okay na talaga sakin yo'n Dragon.”
“Babe!” Napakalas siya sa pagkakayakap sakin.
Para namang tinusok ang puso ko nang makita ko ang girlfriend niya na papalapit na ngayon samin. Agad naman siyang umangkla sa braso ni Dragon.
“Hello Nisha,” nakangiting sabi ni Laura, ang bait talaga niya. Bagay na bagay sila ni Dragon. Naramdaman ko na naman ang paninikip ng dibdib ko dahil sa selos.
“Sige Laura, Dragon. M-Mauna na ko, madami pa kong t-trabaho.” pagtalikod na pagtalikod ko, nagsitakasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Natigilan ako nang tumunog ang phone ko. Pinahid ko muna ang mga luha ko at agad na sinagot ang tawag.
“Mama!” napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Calli.
“Hello baby. Bakit ka napatawag?” malambing na tanong ko.
“Wala lang mama, namiss kasi kita.” Napangiti ako nang marinig ko ang hagikhik niya na masarap pakinggan.
Hangga't maaari, hindi pwedeng malaman ni Dragon ang tungkol kay Calli. Ayokong makasira ng masayang relasyon.
Third Person's POV*~*~*
Magkasalubong ang mga kilay ni Dragon nang pumasok sa office ni Prince. Napatikhim ang Danger Zone, si Prince naman ay kalmado lang hababg nagbabasa ng dyaryo.
“Badtrip ang gago,” bulong ni Lion kay Prince.
“Malamang nakita na niya si Ms. Mariano,” sabi naman ni Tiger at inayos ang salamin niya.
“You guys are fvcked up!” galit na sabi ni Dragon at malakas na hinampas ang table ni Prince.
“You're the one who's fvcked up assh0le,” sabi ni Gun at ipinatong ang mga paa sa table.
“Damn it! Paano niyo nagawa sakin 'to? Tangina! Ang tagal kong hinanap si Nisha,” naiinis na umupo si Dragon sa couch.
“Ay sus. Kilig ka 'no?” pang-aasar pa ni Lion.
“Gago.” Sinipa ni Dragon ang binti ni Lion.
Pumikit si Dragon at sumandal. Hanggang ngayon para paring kinikiliti ang kalamnan niya. Dahil siguro matagal na niyang hinahanap si Nisha.
“Iniisip mo si Nisha 'no” napadilat si Dragon sa sinabi ni Shark.
“Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~~~” Tiningnan niya ng masama si Lion.
“Bakit? Nakanta lang ako eh.” Nanggigigil na sinakal sakal niya si Lion.
“Gago ka talagang bakla ka,” inis na sabi ni Dragon.
“Oy hindi na ko bakla ah, pero kung haharutin niyo 'ko, baka magbago ang isip ko,” sabi ni Lion sa maarteng boses.
“The fvck! Sisipain kita Lion,” tila naiiritang sabi ni Bullet.
Binato ni Prince ng laptop si Lion na nasalo naman nito.
Natahimik si Dragon at inalala ang naging pag-uusap nila ni Nisha.
Malaki ang pinagbago ng dati niyang sekretarya. Parang sinapian ito ng isang mahinhin na babae. Napailing na lang siya.
May boyfriend na kaya siya? Fiancé? Asawa? O kaya anak?
“Si Laura lang ang isipin mo.” Natigilan si Dragon sa malamig na boses ni Prince.
“Can you do that?” tanong pa nito. Napakamot si Dragon sa kilay niya.
“What do you mean?” tanong niya kay Prince. Sumandal si Prince at pinakatitigan siya.
“Kung hindi mo talaga gano'ng kamahal si Laura, pwede mo pang tapusin itong kagaguhan mo,” seryosong sabi ni Gun.
“I love Laura, I really do. Hanggang ngayon ba naman pinagduduhan niyo pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya?” Nairita si Dragon. Lagi na lang ganito ang nagiging takbo ng usapan nila kapag nadadawit si Laura.
“You wanna know why? Kasi kilalang kilala ka na namin. Kilalang kilala natin ang bawat isa. Ayaw lang namin na may pagsisihan ka,” seryosong sabi ni Shark.
Napabuntong hininga si Dragon.
“Let him be,” natigilan silang anim sa sinabi ni Prince.
Nakaramdam ng kilabot si Dragon nang may maglarong ngisi si labi ni Prince. Nakakatakot talaga ang kaibigan niyang 'to, kay Shenna lang talaga lumalambot ang yelo niyang kaibigan.
“We will tell our biggest secret to you...” Napakunot ang noo niya sa sinabi ni Prince.
“...if you figured out your true feelings.” Nahiwagahan siya sa sinabi ng kaibigan.
Anong sikreto ang tinutukoy ng mga gagong 'to? Natanong ni Dragon sa isip.
“And believe me Freenwar, that secret will change your fvcked up life,” nakangising sabi ni Prince.
Mas lalong nagtaka si Dragon. What the fvck is he talking about?
Nisha's POV*~*~*
“Nisha.” Napalingon ako kay Laura. Nakangiting lumapit ito sakin. Napatungo ako.
“Kamusta ang pag-uusap niyo ni Dragon?” Umupo siya. “Upo ka.” Umupo ako sa tapat niya.
“A-Ayos naman. Naayos na ang mga gusot dati. W-Wala na sakin 'yon,” sabi ko habang nilalaro ang mga daliri ko.
“Bakit hindi mo sinabi sakin nung nakita mo ang picture ni Dragon sa wallet ko?” tila nagtatampong sabi nito.
“H-Hindi naman gano'ng kadali 'yon. Saka wala na talaga sakin ang nakaraan.” Napangiti siya sa sinabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa.
“You don't have any feelings for him, right?” Natigilan ako sa tanong niya.
“Ha?”
“Si Dragon, hindi mo siya mahal diba?” Napalunok ako sa sinabi niya. Pilit na ngumiti ako sa kanya.
“Oo, m-minahal ko siya dati. Pero hindi na ngayon, makakasiguro ka do'n,” sabi ko at ngumiti sa kanya.
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman kay Dragon. Ayokong sirain ang relasyon nila.
“Sorry Nisha. I look so foolish now.” Napatungo siya.
“Nakakahiya mang aminin pero natatakot ako, natatakot ako sayo.” natigilan ako sa sinabi niya.
“Bakit?” tanong ko. Napaiwas siya ng tingin sakin.
“Kung alam mo lang, ang dami niyang pinagdaanan makalimutan lang ang nararamdaman niya para sayo. Ikaw lang ang nag-iisang babaeng minahal niya ng sobra sa buong buhay niya.” Napailing ako sa sinabi niya.
“H-Hindi totoo yan. Ikaw na ang mahal niya---”
“I know that. Pero hindi niya ko mahal gaya ng naging pagmamahal niya sayo dati. Alam ko Nisha, narinig ko na sa Danger Zone ang kwento niyo. At ikaw pa lang ang babaeng nagpabaliw kay Dragon.” Natahimik ako sa sinabi niya.
Ano bang dapat kong sabihin?
“Sorry Nisha, h-hindi ko lang maiwasan na hindi magselos.” Hindi maitago ang lungkot sa boses niya.
“Kung alam mo lang kung gaano siyang kamiserable dati. Mainitin ang ulo niya, lagi siyang galit, gusto niya laging mapag-isa. Hindi mo siya makikilala dahil ibang iba siya dati,” malungkot na napangiti si Laura.
Natigilan si Laura nang hawakan ko ang kamay niya.
“Pero diba, nagbago na ulit siya. Nagkakulay na ulit ang mundo niya. Masaya na siya ngayon sayo. Ikaw ang nakapagpabago sa kanya. Ikaw ang mahal niya ngayon. At nakikita kong mas higit na ang pagmamahal niya sayo. Wag mo kong isipin, wag kang matakot. Dahil ang nakaraan namin dati, wala na 'yon. Magtiwala ka sa pagmamahal niya sayo.” napangiti siya sa sinabi ko.
“Salamat Nisha, napagaan mo ang loob ko.”
Hindi ko alam kung bakit, pero nasasaktan ako sa mga sinabi ko.
Hindi ko yata kayang isipin na si Laura ang nasa tabi niya nung mga panahong miserable siya.
At ang mas mahirap tanggapin, si Laura na ang mahal niya ngayon.