Chapter 4

1913 Words
“Bakit mo kami tinakasan?” malamig na tanong ni Sir Prince. Nanginig ang mga tuhod ko. Nakakatakot siya. “Maayos ang usapan natin Ms. Mariano, hindi ko alam na hindi ka pala sumusunod sa usapan,” dagdag pa niya. Napatungo ako. “S-Sorry po Sir. Hindi ko naman po kailangan ng tulong ninyo, kaya ko pong itaguyod ang anak ko ng mag-isa.” Napapitlag ako nang marahas na hinampas ni Sir Prince ang table. Nakaramdam ako ng takot. “Really Ms. Mariano? It doesn't seem---” “Ice!” napatigil si Sir Prince nang magsalita si Ma'am Shenna. “Wag mo siyang takutin!” sabi ni Ma'am Shenna at tiningnan si Sir Prince ng masama. “Wag kang makialam Shenna,” malamig na sabi nito. Tinitigan ni Ma'am Shenna si Sir Prince. Napabuntong hininga si Sir Prince at napaiwas ng tingin. “Damn it,” mura nito at umupo na lang sa swivel chair. “Taob kay misis!” pang-aasar ni Sir Lion. Binato ni Sir Prince ng laptop si Sir Lion. Nanlaki ang mga mata ko. Buti na lang nasalo ni Sir Lion yung laptop, jusko. Aatakihin ako sa kanila. Hanggang ngayon nagbabatuhan pa rin sila ng mga gano'ng bagay. Naalala ko dati binato ni Sir Dragon ng printer si Sir Shark. “Nisha, may gusto kaming i-offer sayo.” Napalingon ako kay Sir Tiger na seryosong nakatingin sakin. “Po?” “Dadalhin namin kayo ni Calli pabalik sa Manila.” Natigilan ako sa sinabi niya. “Susuportahan namin kayong mag-ina. Pag-aaralin namin si Calli, magt-trabaho ka din sa IPF. Kami na din ang bahala sa matitirhan niyo.” Napaiwas ako ng tingin sa kanila. “But of course, wala kaming sasabihin kay Dragon tungkol kay Calli. Ikaw ang bahalang magdesisyon kung ipapakilala mo si Calli kay Dragon. Wala ring alam si Laura tungkol dito,” seryosong sabi ni Sir Tiger. Napailing ako. Natigilan sila sa naging tugon ko. “A-Ayoko pong bumalik doon Sir. Malaki ang posibilidad na makilala ni Sir Dragon ang anak ko. Ayokong kunin niya sakin si Calli.” “Hinding hindi yan mangyayari Ms. Mariano,” malamig na sabi ni Sir Prince. Napatungo na lang ako. “Nagpapasalamat po ako dahil gusto niyo kaming tulungan ng anak ko, p-pero ayoko po talagang bumalik sa Maynila,” sabi ko na puno ng kasiguraduhan. “Why?” tanong ni Sir Bullet na nasa sulok at nagbabasa ng diyaryo. Napabuntong hininga ako at tumayo. “Pasensya na po pero hindi na po magbabago ang isip ko,” magalang na sabi ko at umalis na sa office ni Ma'am Shenna. Shenna's POV~~~ “May pinaplano kayo noh? Sabihin niyo na,” sabi ko sa kanilang anim. Kilala ko ang mga 'to, lalo na si Ice. “Secret namin 'yon Mrs. Farthon,” nakangising sabi ni Shark. Tiningnan ko si Ice. Napatingin siya sakin at napakunot ang noo. Tinaasan ko siya ng kilay. “Anong pinaplano niyo?” nagkibit balikat lang siya. “Hindi pwedeng sabihin, kokontra ka lang,” masungit na sabi ng asawa ko. Kinurot ko ang abs niya. “Kapag hindi mo sinabi mo sakin, mapipilitan akong matulog sa guest room...” bulong ko sa kanya at kinagat ko ang ibabang labi ko. Napatingin siya sa labi ko at napalunok. Naptikhim siya at niluwagan ang tie niya. “Tatakutin namin si Nisha,” sabi nito. Napangiti ako, bibigay ka din palang yelo ka. “Tangina. Marupok ka talaga eh,” nakasimangot na sabi ni Lion kay Ice. “Tss. Parang ikaw hindi, isang tawag nga lang sayo ni Kyla sinusugod mo na agad,” sabi naman ni Gun. Binato siya ni Lion ng coffeemaker na nasalo naman agad ni Gun. Hindi na ko nagugulat sa bigla nilang pagbabatuhan. Isang beses nga binato ni Ice ng rice cooker si Bullet. Hay! “Wag nga kayong ganyan kay Nisha. Ang dami ng pinagdaanan nung tao eh,” sabi ko at niyakap si Ice sa baywang, niyakap niya din naman ako. “Alam namin 'yon, pero kailangan magkita sila ni Dragon,” sabi pa ni Tiger. “Bakit naman?” tanong ko. “Hindi kami naniniwalang mahal ni Dragon si Laura,” seryosong sabi ni Gun. “Hindi naman siguro. Mukha namang masaya si Dragon kay Laura eh,” depensa ko. Nakikita ko naman kasi. Ramdam kong mahal ni Dragon si Laura. Ngumisi si Ice. “Just wait and see.” Kapag ganyang linyahan ni Ice, madalas nakakatakot. Nisha's POV~~~ “Anong pinag-usapan niyo sa loob?” pasimpleng bulong ni Erin habang nagpupunas ng mesa. Hinila ko ang buhok niya. “Tsismosa ka talaga.” “Sige na, ano nga yung pinag-usapan niyo?” tanong pa nito. Napabuntong hininga ako. “Inalok nila ako, bumalik daw kami ni Calli sa Maynila. Tutulungan daw nila ako,” mahinang sambit ko. “Oh, anong sinabi mo?” tanong pa niya. “H-Hindi ako pumayag.” Hinampas niya ako sa braso. “Bakit hindi ka pa pumayag? Makakaahon na kayo sa hirap ni Calli.” sabi niya. “Ayoko. Paano kung makita ko si Sir Dragon? At paano kung makita niya si Calli? Matalino si Sir Dragon, maiisip niya na anak niya si Calli dahil magkamukhang magkamukha sila.” Kamukha talaga ni Calli si Sir Dragon. May nakuha din naman sakin si Calli, mas lamang lang na kamukha niya si Sir Dragon. “Sabagay...” tanging nasabi ni Erin. “You can take your break girls,” nakangiting sabi ni Laura samin nang makalapit siya. Napangiti kami at tumango. “Almost perfect na talaga siya. Kaya siguro nagustuhan siya ng dragon fruit na 'yon,” sabi naman ni Erin. Natahimik ako. “Are you avoiding me?” natigilan ako nang hawakan ni Sir Dragon ang braso ko. Napanguso ako at binawi ang braso ko mula sa kanya. “Syempre naman! Bigla mo na lang akong hinalikan kahapon. First kiss ko kaya 'yon,” nakasimangot na sabi ko. “I know,” tanging sabi niya. Binatukan ko siya. “Hoy dragon fruit, hindi porket boss kita pwede mo na lang akong halikan basta basta. Alam ko namang maganda ako at nakakaakit pero grabe ka naman,” nakangusong sabi ko. Natatawang binatukan niya ko. Grabe talaga 'to. Kung halikan ako kahapon parang walang bukas tapos kung batukan ako ngayon para akong hindi babae. “I can't help it,” sabi pa niya. “Anong ‘I can't help it’ ka dyan? Eh paano kapag naakit ka na naman sa alindog ko? Basta mo na lang ako hahalikan... Sana nagpaalam ka muna,” pabulong na sabi ko sa huli. Napangisi siya. “Pag nagpaalam ba ako, papayagan mo ko?” natigilan ako sa tanong niya. Napalunok ako at napakamot sa leeg ko. Ang landi ng dragon fruit na 'to ah. “S-Syempre hindi. Paano kung mawili ka at hindi lang halik ang magawa mo? Echusero ka!” sabi ko at kinurot siya. “Oo nga, may punto ka do'n,” sabi nito at umupo sa swivel chair. Aba! Hindi man lang tinanggi. “May gusto ka ba sakin?” nakapamaywang na tanong ko at naglakad papalapit sa kanya. Napatikhim siya at natatawang napakamot sa batok niya. “Grabe ka talaga Nisha,” sabi niya at napalunok saka nag-iwas ng tingin sakin. “Tinatanong ko lang, kasi ako, gusto kita.” Nanlaki ang mga mata niya. Gulat na napatingin siya sakin. Kalmado lang ako na nakatingin sa kanya. Pero deep inside nagwawala ang body organs ko. “T-That's good,” sabi nito at tumayo. Naglakad siya papalapit sakin. Napakunot ang noo ko. “Ha? Anong ‘that's good’ ka dyan?” nakasimangot na tanong ko. “'Cause I like you too, so much.” Pagkasabi no'n, basta basta na lang niya ako hinalikan. ~~~Third Person’s POV~~~ “Kailan ka ba kasi pupunta dito? I miss you,” napangiti siya sa sinabi ni Laura. “Hmm, I don't know. I'm busy,” sabi niya habang pinaglalaruan ang hour glass sa opisina ni Prince. “Oh goodness! Maghiwalay na lang kaya tayo?” natawa siya sa sinabi ng nobya. “I love you babe.” Natahimik si Laura sa sinabi niya. “I love you too,” sabi naman ni Laura sa kabilang linya. “Bwisit talaga.” Narinig niya ang bulong ng nobya. Napahagalpak siya ng tawa. “Damn it, you and your cuteness,” nakangiting sabi niya. Nai-imagine niya ang nakasimangot na mukha ng nobya. Lalo niya tuloy itong namiss. “Bye na nga. Ang daming costumers eh. Love you.” “I love you too.” “Nisha! Can you---” Natigilan siya sa sinabi ng nobya bago nito patayin ang tawag. Napakunot ang noo niya. Tama ba siya ng pagkarinig? Nisha. Mariin siya napapikit. Imposible. Baka nagkamali lang siya ng pagkarinig. Madalas niya kasing maisip at mapaginipan si Nisha nitong mga nakaraang araw sa di malamang dahilan. “Bakit hindi mo sinabi kay Laura na nandito ka na sa Palawan?” tanong ni Shark sa kanya. Ngumiti lang siya. “I want to surprise her,” sabi niya at ininom ang kape na hinanda ng secretary ni Prince. “Nisha Mariano,” nasamid siya sa sinabi ni Prince, may tinitingnan ito sa laptop niya. Malamig na tiningnan siya ni Prince at tinanggal ang suot nitong salamin sa mata. Napaiwas ng tingin si Dragon at napakamot sa kilay niya. “Natatandaan mo pa siya?” prenteng tanong ni Bullet habang nagbabasa ng dyaryo. “O-Of course. Bakit ko naman siya makakalimutan?” Napabuntong hininga si Dragon. “Talagang hindi mo siya makakalimutan. Meron pa nga siyang picture sa kwarto mo eh.” Nasamid na naman siya sa sinabi ni Lion. Binato niya ang hour glass na libo libo ang halaga kay Lion. Paano nila nalaman na may picture siya ni Nisha sa kwarto niya? Kahit nga si Laura hindi niya hinahayaang makapasok sa kwarto niya. Baka makita kasi nito ang malaking painting na may mukha ni Nisha sa pader ng kwarto niya. “Baliw ka ba?” naiinis na tanong niya kay Lion. “Ikaw ang baliw,” sabi na lang ni Lion. “By the way, a-alam niyo ba kung nasaan siya?” tila nahihiyang tanong niya sa mga kaibigan. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya hinanap si Nisha. Hanggang ngayon nga ginagawa niya pa rin ang paraan para mahanap ang dalaga. Pero alam din niyang ginagawa din ng mga kaibigan niya ang lahat para hindi niya mahanap si Nisha. “Ewan,” sabi na lang ni Gun. Napangisi na lang siya at napailing. Pero sa tingin niya mas okay na rin na hindi niya makita si Nisha. Baka makalimutan niya pang may girlfriend siya pag nagkataon. “You're still crazy for her, I know you still love her~~~” pakantang sabi ni Lion. Binato niya ito ng laptop si Lion. “Gago ka! Nakanta lang ako ah,” depensa ni Lion pagkasalo sa laptop. “Gago ka, walang gano'ng kanta!” ~~~Nisha's POV~~~ “Feeling ko may kakaibang mangyayari sa buhay mo mula ngayon,” biglang sabi ni Erin habang nakain kami ng burger. Napailing na lang ako. Pero nakaramdam ako ng konting kaba. Hindi manghuhula si Erin pero laging nagkakatotoo ang mga wirdong nalabas sa bibig niya. “Ayan ka na naman. Kinakabahan tuloy ako,” nakasimangot na sabi ko. Napairap siya. “Malay mo naman positive na ang mangyari sa buhay mo this time.” Napailing na lang ako. “Imposible yan, Nisha ‘Kamalasan’ Mariano yata ang full name ko,” nakasimangot na sabi ko. Si Calli lang ang swerte sa buhay ko. Kung hindi siya dumating sa buhay ko baka naloka na ko ng tuluyan sa problema at pressure. “Hindi rin, kaibigan mo ko eh. Ang swerte mo lang kasi dyosa ang kaibigan mo, nakakabawas ng stress,” sabi niya at uminom ng juice. “Tumahimik ka nga diyan. Nawalan ako ng gana sa sinabi mo,” nakasimangot na sabi ko. “Tss,” sabi na lang ni Erin at pinagpatuloy ang pagkain. Maganda si Erin, sobra. Mabait pa. Tanga talaga ang asawa niya para iwan siya at ipagpalit sa iba. Tsk. “Hmm, miss?” Natigilan ako sa pagkain nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Naramdaman kong nanghina ang nga tuhod ko at bumilis ang t***k ng puso ko. Nanlaki ang mga mata ni Erin habang nakatingin sa likod ko na para bang nakakita siya ng multo, nabitawan niya pa nga ang burger na hawak niya eh. “I just want to ask kung nandito si Laura Clarks?” tanong pa nito. Mas lalong naging pamilyar ang boses niya. Ang boses na 'yon, hindi ako pwedeng magkamali. Napatingin ako kay Erin. Nanlalaki ang mga matang umiling siya sakin na para bang sinasabi niya na wag akong lumingon. Tama yata ang hinala ko. Nanginginig ang mga kamay na lumingon ako. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso nang magtama ang mga mata namin. Nanginginig ang mga tuhod ko pero nagawa ko pa ring tumayo. Bahagya siyang napaatras habang gulat na nakatingin sakin. “N-Nisha,” tila hindi makapaniwalang sabi niya. Mariin akong napapikit. Gano'n pa rin ag epekto niya sakin, parang mas lalo pa yatang tumindi. Mahal na mahal ko pa rin ang lalaking 'to. “S-Sir Dragon...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD