Chapter 2

2023 Words
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. “Nisha, bakit ang tagal mong nawala?” tanong niya at hinawakan ang kamay ko. Nandito kami sa office niya, tinanggap na niya kami ni Erin. Bukas magsisimula na kaming magtrabaho. “H-Hindi ko po alam kung paano kayo haharapin,” nakatungong sabi ko. Napabuntong hininga siya. “Kamusta ka na Nisha?” tanong ni Shenna. “A-Ayos lang po ako Ma'am Shenna,” nakatungong sabi ko. “Y-Yung anak mo? Kamusta siya?” natigilan ako sa tanong niya. “A-Ayos naman po si Calli.” Napangiti siya. “Calli pala ang pangalan niya, ang gandang pangalan. Sana makita ko siya,” nakangiting sabi niya. Nag-aalangang ngumiti ako sa kanya. “Nag-aalala ka ba dahil kay Dragon? Don't worry---” “A-Ayoko po siyang pag-usapan Ma'am Shenna,” nakatungong sabi ko. Napabuntong hininga ako. “Sorry about that. Hindi na mauulit,” apologetic na sabi niya. “Okay lang po,” sabi ko at nginitian siya. “By the way, sure ka na bang magt-trabaho ka dito as a waitress. Matalino ka, madaming opportunities ang naghihintay sayo.” Napailing na lang ako. “Ayos na po ako sa ganito Ma'am Shenna. Kapag ganito ang trabaho ko, hindi ako makikita ni Sir Dragon, ayos na po ito.” *** “Sosyal! Magkakilala kayo nung may-ari,” sabi ni Erin habang nakain ng fishball. “Hindi naman kami ganong ka-close. Asawa siya ng kaibigan ni Sir Dragon.” Tumaas ang mga balahibo ko nang mabanggit ko ang pangalan ni Dragon. “Talaga? Parang pamilyar nga siya sakin eh, ang ganda rin kasi niya,” sabi pa ni Erin. “Si Ice Prince Farthon kasi ang asawa niya kaya malamang pamilyar siya sayo.” Halos naibuga ni Erin ang iniinom niyang juice. “S-Seryoso? May asawa na pala si Ice Prince? Crush ko pa man din siya,” nakangusong sabi niya. Napakibit balikat ako, oo gwapo si Sir Prince at mayaman kaso sobrang sungit naman. Natigilan ako nang may maalala ako. “DCF? Imposibleng matanggap ako diyan,” natatawang sabi ko sa kaibigan kong si Rizza. “I-try mo lang, nangangailangan ng bagong secretary si Mr. Freenwar.” Nagt-trabaho kasi siya sa DCF. “Ang haba ng pila eh, nakakatamad,” sabi ko habang nakain ng burger. “Sus. Nag-apply lang yung mga 'yon para magpapansin kay Sir Dragon,” nakasimangot na sabi ni Rizza. “Kasi alam mo, sa Danger Zone, si Sir Dragon yung pinakamabait, actually siya lang ang mabait,” sabi niya at napairap. Kilala ko ang Danger Zone, syempre sikat na sikat ang mga lalaking 'yon. “Si Sir Prince ang cold, si Sir Lion babaero, si Sir Tiger hindi namamansin, si Sir Shark walang nagtatagal na empleyado sa kanya, si Sir Gun mainitin ang ulo, si Sir Bullet sobrang pala-utos... Si Sir Dragon lang ang mabait kaya ang daming sumusubok na landiin siya.” Napatango ako sa sinabi niya. Kaya pala. Pero nakita ko na siya sa magazine at masasabi kong sobrang gwapo niya, halos lahat naman sila. “Ayokong sumubok, magsasayang lang ako ng oras,” nakasimangot na sabi ko. “Bakit naman? Magaganda ang grades mo at galing ka pa sa sikat na school sa bansa. May pag-asang matanggap ka.” Napakibit balikat na lang ako sa sinabi niya. Sa totoo lang tinatamad talaga ako magtrabaho. Hindi naman kasi business administration ang gusto kong kurso eh, bata pa lang ako gusto ko ng maging abogado kaso ayaw ni Papa. “Mauna na ko ha, may pupuntahan pa ko eh,” pagpapaalam sakin ni Rizza. “Sige. Bye.” Ngumiti siya sakin at agad ng lumabas ng restaurant. Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Natigilan ako nang may basta na lang nagpatong ng pagkain niya sa tapat ko. Napakunot ang noo ko at napatingala. “D-Dragon?” gulat na tanong ko. Kinusot kusot ko ang mga mata ko at sinampal ang sarili kong pisngi. Natatawang umupo siya sa tapat ko. Napakamot siya sa kilay niya. Grabe, ang gwapo niya lalo sa personal. “Miss, wala na kasing ibang upuan. Okay lang?” tanong niya. Napanguso na lang ako at napatango. “May magagawa pa ba ako eh nakupo ka na?” natawa siya sa sinabi ko. “Sungit ah,” natatawang sabi niya. Napatikhim ako bago nagsalita. “Ikaw si Dragon Calli Freenwar diba?” nakataas kilay na tanong ko. Ngumiti lang siya sakin at tumango. “Oo, bakit?” tanong niya. “May gusto ka ba sakin?” nasamid siya sa tanong ko. “Bakit mo naman nasabi yan?” natatawang tanong niya at pinahid ng tissue ang bibig niya. “Wala kasing kwenta yung palusot mo, ang dami pa kayang pwedeng upuan. Ano bang tingin mo sakin? Bulag?” mataray na tanong ko. Napangiti siya at napasandal sa upuan. Grabe. Sobrang gwapo naman ng lalaking 'to. “Sige na, nagandahan ako sayo. Okay na?” nakangiting tanong nito. Napairap ako. “Tutal nagandahan ka sakin, mag request ako sayo.” Napatingin siya sakin dahil sa sinabi ko. “Ano 'yon?” tanong niya. “Nangangailangan ka ng secretary diba? Gawin mo kong secretary mo, kailangan ko ng trabaho,” matapang na sabi ko. Napaawang ang labi niya sa sinabi ko. Pero maya maya napangiti din siya. “Okay, pumunta ka sa DCF building bukas, 8am sharp.” Napanganga ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya?! “You're hired,” nakangiting sabi niya. I'm hired?! Agad agad?! Ni hindi niya pa nga alam ang pangalan ko. “Mama, may inipon akong pera,” sabi ni Calli at ibinigay sakin ang mga perang inipon niya. “Calli, tinitipid mo ba ang sarili mo?” seryosong tanong ko. Napanguso siya. “Hindi naman sa gano'n Mama, gusto lang kitang tulungan sa mga bayarin,” nakasimangot na sabi niya. “Hindi mo naman ako kailangang tulungan eh, kaya na ni Mama ang lahat,” sabi ko at binalik ang pera sa kanya. “Eh Mama naman,” pagmamaktol niya. Kinurot ko ang pisngi niya. “Calli naman. Diba superhero si Mama? Kaya ko na 'to. Okay?” Niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap niya rin ako. *** “Oo, gagabihin si Mama eh. Magbehave ka diyan kay Ate Millet ha. Matulog ka na ng maaga, wag mo ng hintayin si Mama,” pagbilin ko kay Calli. Pinsan ko si Millet, may asawa na siya pero walang anak, tomboy kasi ang asawa niya. Mukha ngang wala silang balak mag-ampon ng bata. Mabait si Millet at maaasahan pati na rin ang asawa niya, napamahal na nga rin Calli sa kanila. “Sige po Mama. I love you.” Napangiti ako sa sinabi niya. “I love you too, baby.” Agad ko na ring binaba ang tawag. Tinulungan ko na si Erin sa paglilikom ng mga paninda. “Ang dami nating benta lagi. Swerte talaga kayong dalawa sa tindahan ko,” nakangiting sabi ni Aling Anna. Malaki ang utang na loob namin sa kanya dahil lagi siyang tumutulong samin hanggang sa makakaya niya. Para na rin namin siyang nanay. “Syempre naman po, ang gaganda namin eh,” sabi ni Erin at nagpose pa. Napailing na lang ako at sinabunutan siya. “Aba totoo naman, kagaganda niyo. Bakit hindi na lang kayo mag-artista o magmodelo?” sabi nito at inabot ang sweldo namin. “Hindi po kami mahilig sa mga gano'n, baka mapahiya lang po kami,” sabi ko habang naghuhugas ng mga kamay. “Shy type po kasi kami,” sabi ni Erin at humalakhak. Napailing na lang si Aling Anna sa kakulitan ni Erin. “Uuwi na ba kayo?” tanong niya. Napailing kami ni Erin. “May trabaho pa po kami sa restaurant diyan sa may kanto,” magalang na sabi ko. “Buti na lang at maagang naubos ang mga isda. Baka ma-late pa kayo sa trabaho niyo,” nakangiting sambit ni Aling Anna. “Nako hindi naman po, part time job lang naman po namin 'yon,” sabi naman ni Erin. “Sige po, mauna na po kami,” pagpapaalam ko. Kahit papaano makakabayad na ko kay Aling Belen. Nahihiya na rin ako sa kanya dahil laging delay ang bayad ko. “Okay lang naman siguro na ma-late tayo diba? Kakilala mo naman ang may-ari.” Kinurot ko ang braso niya. “Loka. Dapat maaga pa rin tayo, hindi naman kami gano'ng ka-close ni Ma'am Shenna eh. Nakakahiya, baka isipin niya nananamantala ako.” Napanguso siya sa sinabi ko. Agad na bumungad samin ang maraming costumers pagpasok namin sa restaurant ni Ma'am Shenna. Agad kaming sinalubong ni Laura. May inabot siya saming paper bag. “Uniform niyo yan. Nandoon ang cr,” sabi niya at tinuro ang pinto ng cr. “Ay Ma'am Laura, wag po kayong dumikit samin masyado, amoy isda po kami,” tila nahihiyang sabi ni Erin. Napangiti si Laura. “Ano ba kayo? Wala naman akong naaamoy eh, and please just call me Laura. Ayoko ng may 'Ma'am', feeling ko ang tanda ko na,” nakangiting sabi nito. Grabe, hindi lang siya maganda, sobrang bait pa. “O-Okay Laura,” sabi namin. Ngumiti siya samin at umalis na. Nagpunta na kami sa cr at nagbihis. Pagkasauot namin ng uniporme namin agad na kaming lumabas ni Erin at tumulong sa mga kapwa namin waitress. “Ano ba yan?!” napalingon kaming lahat sa sumigaw na costumer. “Ano pong problema?” agad na lumapit si Laura sa costumer. “Itong waitress na 'to! Tatanga tanga! Tinapunan niya ang bag ko ng juice!” galit na sabi ng costumer habang nakatungo lang ang waitress at mukhang paiyak na. “Sorry for that, how much is your bag? Babayaran ko na lang. Hindi mo kailangang ipahiya ang empleyado namin.” nakataas kilay na sabi ni Laura sa costumer. “Sigurado ka miss?! 7,000 ang halaga nitong bag ko! Mas mahal pa 'to kaysa sa buhay ng walang kwenta niyong waitress!” galit na sabi ng costumer. “7,000? Fine, gagawin kong 14,000. Just get the hell out of this restaurant at wag ka ng babalik.” May sinulat si Laura sa tseke at padabog na inabot ito sa costumer. Mataray na kinuha ng costumer ang tseke at dali daling lumabas sa restaurant. Nagsibalikan naman ang mga tao sa kani kanilang ginagawa. “S-Sorry po Ma'am,” nakatungong sabi ng waitress kay Laura, ngumiti lang ito at tinapik siya sa balikat. “It's okay, just be careful next time. You can go back to work,” nakangiting sabi ni Laura. “Grabe, ang astig talaga ni Laura noh?” bulong ni Erin sakin. Wala sa sariling napatango ako. Hindi ko maiwasang hindi humanga kay Laura. Ang bait niya... “Fvck! You're so stupid!” Napapitlag ako sa malakas na sigaw sakin ni Mr. Alvarez nang matapunan ko ng kape ang suit niya. “S-Sorry po Sir, hindi ko po talaga sinasad---” Napasinghap ako nang makatikim ako ng malutong na sampal mula sa kanya. Nasaan ka na Sir Dragon? Bakit ang tagal mo? Napahikbi ako dahil sa impact ng pagkakasampal niya sakin, pakiramdam ko nag-iinit ang kaliwang pisngi ko sa lakas ng sampal niya. “Gago ka!” Napapitlag ako nang biglang may sumuntok kay Mr. Alvarez. Nanlaki ang mga mata ko nang pumatong si Sir Dragon kay Mr. Alvarez at muli itong sinuntok sa mukha. Nang matauhan ako agad kong hinila si Sir Dragon patayo. “S-Sir, tama na po.” Pinagtitinginan na kasi kami ng mga empleyado mula sa glass wall. Hinihingal na tumayo si Sir Dragon, pulang pula ang mukha niya, halatang galit na galit siya. “You'll regret this Mr. Freenwar!” galit na sabi ni Mr. Alvarez habang nahihirapang tumayo. Agad na kinuha ni Sir Dragon ang mga dokumentong pinirmahan niya para sa collaboration nila ni Mr. Alvarez. Napasinghap ako nang punitin niya ang mga 'yon. “You will rot in hell Alvarez,” malamig na sabi ni Sir Dragon at hinila ako palabas. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko nang makarating kami sa office niya. “S-Sir Dragon, pa'no na ang collab---” “Wala na kong pakialam do'n, hindi ko palalagpasin ang pananakit niya sayo,” seryosong sabi nito at umupo sa swivel chair niya. Napatitig siya sakin, napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Lalo ko lang siyang nagugustuhan eh. Agad rin siyang tumayo at naglakad papunta sakin. Napasinghap ako nang yakapin niya ko ng mahigpit. Agad naman akong gumanti ng yakap sa kanya. “Ayoko ng may nananakit sayo Nisha,” seryosong sabi nito at hinaplos ang buhok ko. “S-Sir, tama na ang drama. May meeting ka pa with the board directors. Kapag hindi ka na naman um-attend babatukan na talaga kita,” pagpapagaan ko sa atmosphere. Kumalas siya ng yakap sakin at napangiti. “Siraulo ka talaga.” “Wala yata si Ma'am Shenna,” puna ni Erin. Napakibit balikat ako. “Baka nasa Maynila siya, nandoon ang pamilya niya eh,” sabi ko habang nagpupunas ng mesa. “Hey girls.” Napalingon kami kay Laura nang lumapit siya samin. “Pwede na kayong umuwi, mag-gagabi na. Baka mapaano pa kayo,” nakangiting sabi nito. Napatango na lang kami ni Erin. “Sige Laura, salamat,” sabi ko at ngumiti. Kaibigan talaga ang turing niya sa mga empleyado dito. Natigilan ako nang mapansin kong nahulog ang wallet ni Laura sa sahig. Agad kong pinulot 'yon. “Laura, yung wallet mo,” sabi ko at lumapit sa kanya para iabot ang wallet niya. Hindi sinasadyang bumuka ang wallet niya at may nakita akong litrato doon. Gano'n na lang ang panginginig ng mga tuhod ko nang makita kong litrato iyon ni Laura at Sir Dragon na magkasama at parehas na nakangiti. “L-Laura, itong lalaki sa picture...” Kinuha niya ang wallet niya. “Siya ba? Ang gwapo niya noh? Si Dragon yan, boyfriend ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD