Chapter 1

1877 Words
Nisha Mariano~~~ “Patigilin mo muna kaya ng pag-aaral si Calli. Kahit isang taon lang,” sabi ni Erin habang tinutulungan ako sa pagbebenta ng mga isda dito sa palengke. “Ano ka ba? Kahit hirap na hirap ako sa buhay ngayon hindi ko pwedeng patigilin sa pag-aaral si Call,” sabi ko at napabuntong hininga. Ang dami kong kailangang bayaran. Hindi pa ko nakakapagbayad kuryente at upa, susugurin na naman ako ni Aling Belen nito. “Alam mong gusto kong makatulong sayo Nisha, kaso gipit din ako eh.” May anak din kasi itong si Erin na pinapaaral. “Ano ka ba? Wag mo na kong isipin, si Ella na lang ang intindihin mo,” nakagiting sabi ko sa kanya. “Bakit kaya hindi ka manghingi ng tulong sa tatay ni Calli?” natigilan ako sa sinabi niya. Napalunok ako, kung maaari ayoko ng maisip o maalala man lang ang tatay ni Calli. Naninikip lang ang dibdib ko. “A-Alam mong hindi pwede Erin, ni hindi niya nga alam na may anak kami eh,” sabi ko at napaiwas ng tingin sa kanya. “Ang hirap ng sitwasyon natin 'no?” sabi ni Erin habang napapailing. Single mom din si Erin katulad ko kaya siya talaga ang pinaka nakakaintindi sakin. “Mag-apply ka kaya ng trabaho sa Maynila, tutal nakapagtapos ka naman ng pag-aaral,” sabi niya habang nagkikilo ng isda. Napailing ako. “Hindi pwede, mahirap na. Baka may malaman pa siya.” Alam na ni Erin kung sino ang tinutukoy ko. Alam niya naman ang lahat sa buhay ko, at gano'n din ako sa kanya. “Eh yung mga magulang mo? Mukhang wala talaga silang balak ni ang kamustahin ka at ang anak mo.” Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Erin. *** “Sino ang tatay ng ipinagbubuntis mo?!” halos maglabasan ang mga ugat ni Papa sa leeg sa lakas ng sigaw niya. Napatungo ako at napalunok. Naiyak si Mama habang hinahaplos ang likod ko. Ang mga kapatid ko naman ay nakatingin sakin na may halong pagkadismaya, naiintindihan ko naman sila. “P-Papa...” tanging nasabi ko. Hindi ko pwedeng sabihin kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ko. Ayokong guluhin ang buhay ni Sir Dragon, ikakasal na siya. “Bakit hindi mo sabihin samin kung sino ang ama niyan?! Ha?! Nadisgrasya ka ba ng kung sino lang diyan?!” Nanatili akong nakatungo habang naiyak. “S-Sorry po Papa,” nakatungong sabi ko na lang. “Pinatira kita dito sa bahay ko! Pinalamon kita at pinag-aral, tapos ito lang ang igaganti mo sakin?! Wala kang utang na loob!” Nakatikim ako ng malutong na sampal mula kay Papa. Napahagulgol ako ng iyak habang nakasubsob sa sahig. Agad naman akong inalalayan ni Mama patayo. “Tama na Rodel! Wag mong saktan ang anak natin!” naiiyak na sabi ni Mama. “Wag na tayong maglokohan Gina! Hindi natin anak ang babaeng yan! Wala akong anak na disgrasyada!” “Rodel!” pananaway ni Mama kay Papa. “Umalis ka ng pamamahay ko Nisha! Wag na wag kang magpapakita sakin! Baka kung anong magawa ko sayo!” Pagkasabi ni Papa no'n agad siyang nagtungo sa kwarto at padabog na isinara ang pinto. Nanghihinang napaupo ako sa couch. Napailing ang mga kapatid ko at nagpasukan na sa mga kwarto nila. “W-Wag mong isipin ang sinabi ng Papa mo Nisha, nadala lang siya ng galit,” pagpapagaan ni Mama sa loob ko. Ampon lang nila ako, hindi nila ako tunay na anak. Ramdam ko naman 'yon dahil sa pakikitungo sakin ni Papa, ni minsan hindi niya ko tinuring na anak. “M-Mama, sorry po,” sabi ko habang patuloy sa pag-iyak. “Mama! Ang galing ko, nakaperfect ako sa test namin!” masiglang sabi ni Calli na nakapagpaputol sa pag-alala ko sa mapait kong nakaraan. “Talaga? Ang galing naman ng baby ko.” Agad ko siyang niyakap at pinaghahalikan sa mukha. Ang anak ko ang nagtatanggal sa lahat ng pagod ko. Hindi ko pwedeng patigilin sa pag-aaral si Calli kahit hirap na hirap na ko. Titiisin ko ang lahat ng hirap makapag-aral lang siya. Nagtungo na si Calli sa kwarto para maglinis ng katawan, ipinagpatuloy ko naman ang pagtitiklop ng mga damit. Maya maya lumabas na ng kwarto si Calli at tumabi sakin saka ako tinulungan sa pagtitiklop. “Mama, wala pa tayong pambayad sa kuryente at upa?” Natigilan ako sa tanong ni Calli. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. “W-Wag mo ng isipin 'yon, si Mama ng bahala,” sabi ko at hinaplos ang malambot niyang pisngi. “Eh Mama, kung tumigil muna kaya ako sa pag-aaral para hindi ka mahirapan?” nagulat ako sa sinabi niya. “Calli, wag mong isipin yan. Nagpapakahirap ako na magtrabaho para makapagtapos ka ng pag-aaral sa hinaharap. Wag kang mag-iisip ng mga ganyang bagay,” seryosong sabi ko. Napanguso lang siya. “Ayaw ko lang naman na nahihirapan ka Mama, mas nahihirapan po ako.” seryosong sabi nito. Para talaga siyang matanda kung magsalita. Hindi na nakakapagtaka dahil matalino talaga si Calli at mabait pang anak. Ni minsan nga ay hindi siya nagtanong tungkol sa tatay niya. Alam kong gusto niyang makilala ang Papa niya pero ni minsan ay hindi niya ko kinausap tungkol do'n na para bang wala siyang pakialam. “Alam mo namang superhero ang Mama mo diba? Kayang kaya ko ang lahat ng problema,” nakangiting sabi ko sa kanya. “Kaya idol kita eh,” sabi ni Calli at niyakap ako ng mahigpit. Napangiti ako at niyakap din siya. “I love you Calli,” malambing na sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya. “Mas mahal kita Mama.” Napangiti ako at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa kanya. *** “Naiintindihan kong mahirap ang sitwasyon mo ngayon Nisha, pero may pamilya rin akong pinapakain.” Napalunok ako sa sinabi ni Aling Belen. “B-Bigyan niyo po ako kahit isang linggo lang, m-makakabayad din po ako sa inyo,” pakiusap ko sa kanya. Napabuntong hininga siya. “Sige, pero siguraduhin mong makakabayad ka na sa susunod na linggo.” Tumango ako saka alanganing ngumiti sa kanya. “O-Opo. Salamat po.” Tumango na lang siya at tinapik ako sa balikat saka umalis. Napabuntong hininga ako. “A-Anak, wag ka ng umalis. Nadala lang ng galit ang Papa mo kaya niya nasabi 'yon.” Pagpigil sakin ni Mama. Napailing ako. “M-Mama, ayoko pong umalis at malayo sa inyo. Pero palalamigin ko muna po ang lahat. Babalik din po ako kapag wala na ang galit ni Papa,” sabi ko habang patuloy sa pagluha. “Saan ka tutuloy?” tanong pa niya. “Ako na po ang bahala do'n, mas maganda pong hindi niyo alam kung saan ako titira. Baka lalo lanh pong magalit si Papa.” Napabuntong hininga si Mama. “B-Basta anak, tawagan mo lang ako kung kailangan mo ko. Ha?” sabi niya at hinaplos ang mukha ko. Napatango na lang ako. “O-Opo Mama.” “Gusto mo bang ipahatid kita sa driver? Madilim na, baka mapano pa kayo ng anak mo,” sabi niya at hinaplos ang tiyan ko. “Okay lang po ako Mama. Wag na po kayong mag-alala sakin,” sabi ko at ngumiti sa kanya. Si Mama lang talaga ang nagpapakita ng pagmamahal sakin. *** Nandito ako sa IPF, wala kasi si Sir Dragon sa DCF sabi ng bago niyang sekretarya. Nagbabakasakali ako na nandito siya kay Sir Prince na matalik niyang kaibigan. “A-Ako po si Nisha Mariano.” Agad akong pinapasok na ipinagtaka ko. Ang alam ko mahigpit ang security dito sa IPF dahil isa sa pinakamayayaman sa mundo ang may-ari nito na si Ice Prince Farthon. Sinamahan ako ng receptionist sa elevator at pinindot ang floor ni Sir Prince. Napabuntong hininga ako. Sana nandito si Sir Dragon, kailangan ko siya ngayon. Alam kong ikakasal na sa iba ngayon si Sir Dragon, at buong akala niya pinagsamantalahan niya ako ng gabing 'yon dahil iyon ang sinabi ko... Pero may karapatan siyang malaman ang tungkol sa anak namin. Agad akong kumatok sa pinto ng office ni Sir Prince. “Sir, nandito na po si Ms. Nisha Mariano.” Agad niyang binuksan ang pinto. Nakatungong pumasok ako sa office nila. “Maiwan ko na po kayo Ms. Mariano.” Napatango na lang ako. Napapitlag ako nang makita silang anim doon na seryosong nakatingin sakin. Sina Sir Prince, Lion, Tiger, Shark, Gun at Bullet. Nandoon din si Ma'am Shenna. Agad siyang lumapit sakin at pinaupo ako sa couch. Nanatili akong nakatungo, nahihiya ako sa kanila. “How are you?” malamig na tanong ni Sir Prince habang nakaupo sa swivel chair niya. Napatungo na lang ako. Hindi ko masasabing okay lang ako. “P-Pwede po bang malaman kung nasaan si Sir Dragon? K-Kailangan ko lang po siyang makausap,” pakiusap ko sa kanila. Nagkatinginan silang anim. “Nasa Los Angeles siya,” sagot ni Sir Tiger at inayos ang salamin niya sa mata. Napalunok ako. “H-ha?” parang hindi nagsink in sakin yung sinabi niya. “That's his punishment for what he did to you Ms. Mariano. I'll make him suffer big time.” mapanganib na sabi ni Sir Prince. Napalunok ako. Hindi naman kailangan parusahan si Sir Dragon dahil hindi naman niya talaga ako pinagsamantalahan, pero hindi ko magawang magsalita. “K-Kailan po siya babalik? Kailangan ko lang po talaga siyang makausap.” Napabuntong hininga si Sir Prince. “What is it? Anong dapat niyang malaman?” malamig na tanong niya. “Ice, wag mong i-pressure si Nisha. Babatukan kita,” sabi ni Ma'am Shenna. “A-Ang totoo po niyan...” Napabuntong hininga ako at napatungo. “B-Buntis po ako.” Nagulat silang lahat sa sinabi ko. “Y-You're pregnant?” gulat na tanong ni Sir Lion. Napatango na lang ako. “Dapat malaman ni Dragon 'to,” sabi ni Ma'am Shenna. “No.” Napatingin kaming lahat kay Sir Prince. “This will be his biggest punishment, not knowing that he got Nisha pregnant with his child,” nakangising sabi nito. “Gusto mong magpart time sa isang restaurant diyan malapit sa kanto?” tanong ni Erin. “Ha? May restaurant pala doon?” tanong ko. Parang hindi ko napapansin 'yon ah. “Oo. Kakatayo lang nung nakaraang buwan. Mag-aapply ako mamaya, gusto mong sumama?” tanong niya. “Oo, kailangan ko pa ng pera para makabayad kay Aling Belen,” sabi ko at napabuntong hininga. “Mabait daw ang may-ari ng restaurant eh. Malay mo matanggap tayo kahit waitress lang,” sabi ni Erin. Oo nga, sayang din 'yon. *** Napanganga ako nang makapasok kami sa restaurant. Wow. Ang ganda rito. Marami rami din ang costumers kahit linggo. “Hello, ano pong kailangan nila?” Lumapit samin ang magandang babae na may magandang ngiti sa labi. Halatang hindi siya purong Pilipina, maputi siya at matangkad. Kulay brown din ang medyo kulot niyang buhok. Inosente ang mukha niya at mukhang mabait. “H-Hello po, kayo po ba ang may ari ng restaurant na 'to?” magalang na tanong ko sa babae. “Ah hindi po. Ako po ang manager dito. I'm Laura Clarks.” Inabot niya ang kamay niya sakin. Nakipagkamay naman ako sa kanya, gano'n din si Erin. Grabe, ang lambot ng kamay niya. Nahiya tuloy ako. “Nandito po kami para mag-apply.” napangiti si Laura. “Halika, dito tayo sa office.” Pumasok kami sa opisina niya. Na-miss ko ang mga opisina, sanay kasi akong magtrabaho bilang sekretarya. “So, Erin Bartolome and Nisha Mariano, base dito sa records niyo, parehas kayong nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong business management. Bakit kayo nag-aapply sa restaurant na 'to bilang waitress?” tanong niya samin. “Ahm, p-pasensya na po Ma'am Laura, masyado pong personal ang dahilan ko,” nakatungong sabi ko. “It's okay. Naiintindihan ko, maayos naman ang records niyo. Saktong sakto din dahil kulang ang waitress namin dito pero kailangan ko pang tanungin yung may-ari,” nakangiting sabi ni Ma'am Laura. “S-Salamat po Ma'am Laura,” sabay na sabi namin ni Erin. “Oh please, Laura na lang. Kahit mga empleyado dito Laura lang ang tawag sakin,” nakangiting sabi niya. Grabe, ang bait naman niya. Lumabas na kami ng office niya. “Ate Shenna!” pagtawag ni Laura sa babaeng papalapit samin. Shenna? Tama ba ako ng pagkarinig? Naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko. “Ate Shenna, sila yung mga nag-aapply.” “Hello, ako nga pala si Shenna Reyes-Farthon, ako ang may---” natigilan siya nang mapatingin sakin. “N-Nisha? Ikaw ba 'yan Nisha?” gulat na tanong ni Shenna. Napaiwas ako ng tingin. Lumiliit na ang mundo para sakin. Nakarating na si Shenna dito sa Cebu. Dapat na ba akong kabahan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD