"Ready?" Tanong ni Mico sa akin ng pumasok siya dito sa condo.
"Mico, hindi ba pwedeng ikaw na lang pumunta sa party?" Kinakabahan na tanong ko sa kanya. Nakabihis na rin naman na ako kaya lang natatakot ako at baka makita ko doon ang mga magulang ko.
"Bakit ba parang takot na takot kang sumama sa akin? May kinatatakutan ka ba na may makakita sayo? Oh may pinagtataguan kang tao? " Nakangising saad niya.
" Ha? Wala naman, kaya lang hindi lang talaga ako sanay sa mga sosyal na party. " Pagdadahilan ko sa kanya.
" Ganun naman eh, kaya halika, ayaw kong malate sa party ng kapatid ko." Aniya Sa akin at hinapit ako sa bewang.
Todo ang kaba ko habang papunta kami sa party ng kapatid ni Mico. Iwan ko ba pero iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Siguro naman hindi niya kilala sina, mommy at hindi pupumunta sa party ng kapatid niya.
" You look tense, relax okay. Wala kang dapat na ikabahala dahil kasama mo ako." Aniya na pinisil ang palad ko, kaya bumiga ako ng hangin.
" Hindi naman, kinakabahan lang ako first time ko kasi pumunta sa party ng mayayaman. " Sagot ko. Binawi ko ang kamay ko sa kanya dahil may kung anong kuryente akong nararamdaman na gumapang sa kaibuturan ko.
"You don't have to worry dahil masquerade party naman ng dadaluhan natin. Walang may makakakita sa mukha mo o makakakilala sayo." Saad niya sa akin. Medyo nakahinga ako ng maluwag sa aking dibdib dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin kahit nandoon sina, mommy at daddy hindi pa rin nila ako makikilala dahil naka maskara kami.
Sa isang kilalang hotel kami hinatid ng driver ni Mico. Ang bilis ng t***k ng puso ko ng makita kong maraming reporter na naka abang sa may pasilyo.
"Wear this." Baling sa aking ni Mico at agad na sinuot sa akin ang kulay itim na maskara.
"Bakit parang ang laking party nito Mico?" Kinakabahan na tanong ko at inikot ko ang aking paningin sa buong bulwagan ng party.
"Yes, pero wala ka naman dapat na ipag alala." Aniya sa akin at iginiya ako papasok sa loob ng hotel kung saan gaganapin ang party. Napalunok ako ng salubungin kami ng mga nag kikislapang camera. Hinatak ni Mico ang bewang ko para mapalapit sa kanya saka bumulong sa akin.
"Smile at camera's darling." Aniya sa aking. Humarap siya sa camera at ngumiti, wala kasi siyang suot na maskara kaya kitang kita ang gwapo niyang mukha. Pilit naman akong ngumiti at humarap sa camera.
Pagkatapos kaming kuhanan ng litrato ay derecho pasok na kami sa loob. Hinila ako ni Mico papunta sa isang mesa kung saan may ilan ilan ng bisita.
"Good evening dad, mom." Bati ni Mico sa dalawang taong nakaupo sa kabilang mesa. Medyo may katandaan na din ang mag asawa. Ngumiti ako sa kanilang dawala. Kahit medyo may katandaan na ang ginang, pero bakas pa rin sa mukha nito ang kagandahan at sa daddy naman ni Mico ay bakas pa rin ang kakisingan. Nakuha ni Mico sa daddy niya ang kanyang tindig at itsura.
"Good evening, iho, kakarating niyo lang ba? Ito na ba yung sinasabi mong si Lychee?" Nagulat pa ako ng banggitin ng mommy ni Mico ang pangalan ko.
"Ah, yes mom, dad, this is Lychee my fiance." Nakangiting pakilala sa akin ni Mico. Napalunok ako ng biglang ibaba ng mommy ni Mico ang maskara nito.
"Ikinagagalak kitang makilala iha" anito na niyakap ako na siyang kinagulat ko.
"G-good evening po ma'am, sir, ako nga po pala si Lychee. Pero tawagin niyo na lang po akong Lyee. " ani ko at kiming ngumiti sa kanila.
"Lyee, hmm nice name iha. Halika umupo ka muna." Saad nito na hinawakan ang kamay ko. Pinag hila naman ako ni Mico ng upuan.
" May gusto ka bang kainin? ikukuha kita." Bulong niya sa akin, pero umiling lang ako dahil busog pa naman ako.
"Pwede bang wine na lang? " sagot ko. Tumango naman siya at nag excuse sa mga magulang niya.
" Ah iha, ilang taon ka na? " Tanong sa akin ng ginang ng umalis si Mico para kumuha ng alak.
"21 po ma'am," sagot ko at nahihiyang yumuko.
"Ohh, bata ka pala, anyway bagay naman kayo ng anak ko saka 28 lang naman si Mico, hindi pa naman siya matanda para sayo." Nakangiting saad niya naikinapula ng mukha ko.
"You're so cute iha lalo na kapag namumula ka." Saad naman ng daddy ni Mico kaya kinagat ko ang aking ibabang labi.
"Salamat po ma'am, sir." Ngumiti ako sa kanila.
"Tawagin mo na lang kaming mommy at daddy iha, isa pa malapit ka na maging Valderama dahil ikakasal na kayo ng anak ko." Aniya na may panuksong ngiti sa labi.
" Sige po, ma'am" nag aalangan na sagot ko sa kanya.
" Darling, come here ipapakilala kita sa kapatid ko." Ani ni Mico ng bumalik sa mesa namin.
" Mom, dad , excuse us ipapakilala ko lang siya kay, Melvin. " aniya at hinala na ako sa may lamesa palapit sa may unahan.
"Bro," tawag ni, Mico sa isang lalaking nakatalikod. Humarap naman sa aming ang lalaki at ngumiti. Nang makita ko ang mukha ng lalaki ay para pinako ang katawan ko sa aking kinatatayuan. Kilala ko siya dahil lagi din siya sa bar ng mariposa. Minsan na rin siya nag sabi kay madam Leah na i table ako pero di ako pumayag.
"Bro buti na nakarating ka? At sino naman itong magandang dilag na kasama mo?" Nakangiting ni nito at niyakap ang kapatid.
"Of course, bakit naman ako hindi darating hindi ba? Oo nga pala si Lyee fiance ko." Sagot ni Mico dito.
"Lyee? Siya yung dancer sa mariposa bar na pagmamay ari ni tito Ramon, hindi ba?" Napasinghap naman ako sa direktang saad niya sa kapatid niya.
"Akala ko regalo mo siya ngayon sa birthday ko." Nakangisi na dagdag niya na tiningnan ang kabuohan ko.
"Melvin.." may pagbabanta sa boses ni Mico ng tawagin niya ang kapatid niya.
"Okay, okay I'm sorry. Hi Lyee ako pala si Melvin." Anito na inilahad ang kamay sabay kindat sa akin. Nanginginig na tinanggap ko ang kamay niya.
" Lyee po" maikling kong sagot at agad na hinila ang aking kamay. Hindi kasi ako kumportable ng pisil niya.