chapter 7

1074 Words
Hinila na ako ni, Mico pabalik sa mesa kasama ang mama niya, napansin niya rin ata na hindi ko komportable sa presensya ng kapatid niyang si melvin. "Dito ka na muna, ikukuha kita ng maiinom." Aniya sa akin ng ihatid niya ako sa mesa. Tumango ako sa kanya. Nang umalis siya, para kumuha ng inumin namin, ay na pasulyap ako sa kapatid niyang si Melvin. Pero ganun na lang ang kaba ko ng makita kong nakatingin pa rin ito sa akin at may kakaibang ngiti akong nakita sa kanyang labi. Nang iangat niya ang kanyang wine glass sa akin, ay umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Pakiramdam ko gagawan niya ako ng masama. "Are you okay? Hindi ka ba kumportable dito sa party?" Tanong ni Mico ng makabalik siya sa mesa namin. Ngumiti ako sa kanya at inabot ang ladies drink na binigay niya. "Hindi lang ako sanay sa ganitong party, kaya kinakabahan ako." Sagot ko at sumimsim ng alak. Hindi naman ako mabilis malasing dahil na sanay na rin ang katawan ko sa alak mula ng mag trabaho ako sa bar. "Oo nga pala saan ang cr dito? Kanina ko pa kasi gustong mag cr." Nagawa kong itanong sa kanya. "Sasamahan na kita." Aniya na at inalalayan akong tumayo. "Wag na, ituro mo na lang kung saan. Kaya ko naman ang sarili ko. " tanggi ko. Nakakahiya naman kasi kung sasama pa siya sa cr, hindi naman na ako bata para sumama pa siya. "Sure ka bang kaya mo? Pwede naman kitang samahan kung gusto mo." Giit niya. Pero hindi ako pumayag sa gusto niya. "Pasok ka na lang sa loob ng hotel, then makikita mo sa side, sa dulo ng pasilyo ang cr." Aniya sa akin. Pumasok na ako sa loob ng hotel at nagtanong na rin sa mga staff kung saan banda ang comfort room nila. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang masayang mukha ni mommy na kausap ang mommy ni Mico. Sa pag taranta ko na baka makita ako ni mommy at ng mommy ni miko ay agad akong yumuko at nagkunwaring may nahulog sa aking paanan, para lang maitago ko ang aking mukha. Narinig ko ang tawa ni mommy, tawa na namiss ko sa kanya. Gusto ko tuloy tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya. Dahil namimiss ko na ang yakap at pag aalaga niya sa akin. Hinihiling ko tuloy na sana hindi na galit sa akin si daddy at hindi na niya ako pilitin na ipakasal sa business partner niya. "Naku, kung nandito lang yung anak kong si Ann, sigurado ko magugustuhan siya ng isa sa mga anak mo. Ang ganda ganda kaya ng anak ko at sobrang mabait at malambing. Masunurin din siya kaya wala akong problema sa kanya." may pag mamalaki g saad ni mommy. "Nami miss ko na rin siya at sana ay umuwi na siya sa amin. Araw-araw ay nanalangin ako sa diyos na sana ay ok lang siya at bumalik na sa bahay namin." Lihim akong napangiti ng marinig ko ang sabi ni mommy. Napa sarap pakinggan ang puri na galing sa kanya. Nang wala na si mommy at ang mommy ni Mico, saka lang ako umayos ng tayo at pumasok ng cr. Nag retouch na muna ako at nag lagay ng konting lipstick sa aking labi. Nang makuntento na ako sa aking sarili ay lumabas na ako ng cr, pero paglabas ko nagulat ako ng makita na nakasandal na si Melvin sa gilid ng pinto ng cr. Hindi ko siya pinansin at lalagpasan na sana ng hawakan niya ang braso ko. "How much did my brother pay you? and I'll triple it as long as you come with me tonight. I'm also good in bed like my brother and I can satisfy you just like him." Naka ngising saad niya sa akin. Tinignan ko siya masama at hindi pinansin ang sinabi niya. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa aking braso. "Bitawan mo ako bago ko makalimutan na birthday party mo ang ang dinaluhan namin ng kapatid mo." Asik ko sa kanya. "Oh, come on Lyee, huwag ka nang pakipot pa, alam ko na binayaran ka ni, Mico para ipakilala sa magulang namin na nobya niya." Aniya at hinila ako palapit sa kanya. " Hindi ko alam ang sinasabi mo. Matagal na kaming may relasyon ng kapatid mo. Hindi ko alam kung san mo na pulot ang balitang yang pero hindi yan totoo. " saad ko. Pinatapang ko ang aking mukha kahit na kinakabahan ako. "Sino ang niloloko mo? Regular customer niyo ako sa Mariposa kaya hindi mo ako maloloko. Hindi mahilig pumunta ang kapatid ko sa lugar na yun Lyee, at kahit minsan ay hindi ko kayo nakitang magkasama." Wika niya na mas lalong hinigpitan ang pagkahawak sa akin. "Nag offer din naman ako sayo noon hindi ba? bakit hindi ka sumama noon sa akin ng gusto kitang itable? Bakit magkano ba ang binayad sayo ng kapatid ko?" Aniya na nilapit ang mukha sa akin. " B-bitawan mo ako kung ayaw mong sumigaw ako dito." Nauutal na saad ko. "Alam mo ba na matagal na akong may pagnanasa sayo? " Kinilabutan ako sa sinabi niya lalo na ng haplosin niya ang braso ko. " Lyee, Melvin?" Napapikit ako ng marinig ko ang boses ni Mico, mula sa aking likuran. Lihim akong nag pasalamat na dumating siya. "Melvin, let her go." May diin na utos ni Mico sa kanyang kapatid. " I'm sorry kuya, kinausap ko lang ang fiance mo. Naligaw kasi ata siya kaya hinatid ko dito." Nakangising sagot ni Melvin kay Mico. " Pero dahil nandito ka na aalis na ako. See you around Lyee, sa susunod mag iingat ka." makahulugan na sabi niya saka umalis. " Hey, are you okay? Nanginginig ka, may ginawa ba sayo si Melvin?" May pag alala na saad ni Mico sa akin. tumingin ako sa kanya. "Wala naman may sinabi lang siya sa akin. Let's go bumalik na tayo sa party. " aya ko sa kanya at humawak sa braso niya. " Ang lamig ng kamay mo, sure ka ba na walang ginawa sayo ang kapatid ko?" Ulit na tanong niya sa akin. " Wala nga! talaga lang na kanina pa ako kinakabahan. Diba sinabi ko naman sayo na first time kong pumunta sa ganitong party, kaya hindi mawala wala ang kaba ko." Sagot ko at nag iwas ng tingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD