Chapter 5

1003 Words
" Yes, love ito na ang magiging bagong bahay mo." Aniya sabay halik ng mabilis sa labi ko. Nagulat pa ako sa ginawa niyang paghalik sa akin. "Ah, pwede ba, Mico wag kang basta bastang humalik sa akin. Wala naman sa usapan natin yan hindi ba." Kinakabahan na saad ko sa kanya. kainis lang dahil hindi ko malaman kung bakit kakaiba ang kaba ng dibdib ko " Yes, wala sa usapan natin yan pero bilang nobyo mo kasama yan sa deal ko sayo." Saad niya sa akin. Medyo na inis ako sa sinabi niya na kailangan niya akong halikan dahil kasama yun sa pagpapanggap ko bilang fake girlfriend niya. "Pero nagpapanggap lang akong nobya mo, at hindi mo kailangan na halika ako lalo at kung tayo lang naman na dalawa at walang nakakakita na iba." Inis na saad ko sa kanya. Nakakarami na kasi siya. At panananchinv na ang ginagawa niya. "Well maganda nga yung halikan ka na tayong dalawa lang hindi ba? Dahil walang istorbo sa ating dalawa." Nakangisi na saad niya. "Bastos ka, kung babastosin mo rin lang naman ako mabuti pa na bumalik ako sa apartment namin ni Peachy." Galit na saad ko sa kanya. "Hindi pambabastos ang tawag dun. Dahil kung gagawin ko man yun sayo tiyak na magugustuhan mo." Sagot niya sa akin. Kaya tiningnan ko siya ng masama. "Ang kapal mo para sabihin na magugustuhan ko ang gagawin mo. For your information Mr. Valderrama, hindi ako interesado sayo. At never akong magkaka interested sa isang katulad mo na masama ang ugali." Angil ko naman sa kanya. Pero tumawa lang siya, lumabas tuloy ang maputing ngipin niya. "s**t! Bakit lalong naging gwapo sa paningin ko ang kumag nato." Bulong ko kaya hindi ko namalayan matagal na akong nakatitig sa kanya dahil sa kanyang pagtawa. "See? Ngayon pa lang natutulala kana sa kagwapuhan ko what more pag nakita mo ang mala modelong katawan ko." Bigla tuloy ako pinamulahan ng mahuli niyang nakatingin lang ako sa mukha niya. "Excuse me, hindi ako na ga-gwapohon sayo. Nagtataka lang ako dahil marunong pala tumawa ang katulad mong demonyo." Ani ko na kinatigil niya. Hindi siguro niya akalain na sasabihin ko yun sa kanya. Pwes nagkakamali siya, dahil hindi ako takot sa kanya. "I like your attitude, Lyee. Yan ang gusto sa mga babae ang palaban." Sambit niya at lumapit sa akin, kaya naman napa atras ako ng ilang hakbang. "A-ano ang gagawin mo?" Nauutal na tanong ko sa kanya pero patuloy lang siya sa paglapit sa akin hanggang sa naramdaman na ng paa ang dulo ng sofa. "Don't worry Lyee, dahil wala akong balak na masama sayo. Kaya hindi mo kailangan matakot sa akin." Malambing na saad niya. Napalunok naman ako dahil sa ng lapit ng mukha niya sa akin. "Hindi ako takot sayo noh, wag ka ngang Feeling " ani ko at itinulak siya dahil pakiramdam ko hindi ma ako makahinga sa lapit ng mukha niya sa akin. "Really, Lyee? Eh bakit iwas na iwas ka?" Nakakalokang tanong niya. "H-hindi ah, hindi naman ako at bakit naman ako iiwas a— hmm" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko sa kanya ng sinakop na niya ang labi ko ng labi niya. Dahil sa pagkagulat ng pag gawa niyang pag halik sa akin kaya hindi agad ako naka kilos. Pilit na binubuksan ng dila niya ang bibig ko pero nanatiling naka tikom ito ito. Hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong gumaganti sa halik niya. At halos kapusin na ako ng hininga dahil sa ginawa niya sa akin. At halos mapahiya ako ng habulin ko ang labi niya ng binitawan niya ang labi ko. "See you later love, dadaan kita ng 7 pm dito." Nakangising saad niya aa akin. At lumabas na ng condo. Nanag makalabas si Mico sa condo na pinagdalhan niya sa akin, halos sabunutan at iuntog ko ang aking sarili sa dingding dahil sa sobrang pagka pahiya. "Ano ba kasi ang pumasok sa yo Lychee at talagang ginantihan mo ang halik niya" inis na bulong ko sa aking sarili. Inikot ko ang aking mata sa loob ng condo ma nakita akong dalawang pinto kaya isa isa ko yun binuksan. Ang unang kong nabuksan na pinto ay banyo at ang pangalawa naman ay master bedroom kaya pumasok ako sa master bedroom at ilagay ang aking bag sa itaas ng kama. Lumabas ako sa terrace para makita ko ang labas. "Wow! Ang ganda naman dito." Bulong ko habang tumitingin sa mga sasakyan at tao sa baba. Pero ang naka agaw ng pansin ko bundok na makikita mo mula rito. Kitang kita din kasi mula dito sa kwarto ang buong kamaynilaan. Kaya nakakamangha tignan. Tumingala ako sa langit at tiningnan ang ganda ng ulap. "Kamusta na kaya si mommy?" Bulong ko sa hangin habang nakatingin sa langit. "Sana okay, siya, at wag na niya akong alalahanin pa. Isang araw mom, magpapakita din ako sayo kapag kaya mo na ang sarili ko ipagtanggol kay daddy. Sana hindi ka galit sa akin mommy dahil nag layas ko, at sana maunawaan mo ang kung bakit umalis ako. Na agaw ang pansin ko ng tumunog ang cellphone ko. "Hello?" Tanong ko unknown number na tumatawag sa akin. "Be ready at 7 pm susunduin kita diyan. pinadala ko na rin ang susuotin mo diyan para mamayang gabi." Agad na sagot niya sa akin. "Sandali Mico, pwede ko na ako mag tanong kung saan tayo pupunta mamaya." Kinakabahan na tanong ko sa kanya. Nag aalala kasi ako baka biglang may makakilala sa akin. At may makapagsasabi kina mommy na nakita ako sa party. "Malalaman mo din mamaya kapag nasa party tayo." Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sinabi niya. "H-hindi ba pwede na ikaw na lang muna at ang pumunta sa party na sinasabi mo. M-medyo nahihiya kasi ako. Isa pa hindi kasi ako sanay sa ganung sosyalan." Ani ko naman sa kanya. " Basta susunduin na lang kita. Sige na at mag pahinga ka na muna." Final na saad niya saka binaba ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD