7: 30 pm ng gabi nag hahanda na kami nina Peachy papasok sa Mariposa bar. 9: 00 pm kasi ng gabi ang pasok namin doon sa bar. Kahit ayaw kong pumasok ngayong gabi dahil sa banta sa akin customer ni madam Leah.
" Bakit ganyan ang mukha b***h? " Tanong sa akin ni Peachy ng makababa ako sa sala.
" Wala, masama kasi ang pakiramdam ko, at wala akong ganang pumasok ngayon. " Sagot ko naman sa kanya.
" Ganun ba? Edi mag pahinga ka na lang muna dito, ako na ang bahala magsabi kay madam Leah, na hindi ka makakapasok dahil masama ang pakiramdam mo. " Saad niya, sabay kapa ng noo at leeg ko.
" Talaga b***h? Hindi ko kasi talaga ata kayang pumasok ngayon. " Pagsisinungaling ko sa kanya, ayaw ko lang talaga makita ang mayabang na customer ni madam Leah.
" Oo ako na ang bahala mag pahinga ka na lang muna dito para makapasok ka na ulit bukas. " Aniya sa akin. Bumalik ulit ako sa kwarto saka nahiga, matutulog na lang ako ngayon para makapag simba ako bukas sa Quiapo church. Matagal na din kasi akong hindi naka pagsimba simula ng mag layas ako sa mansion ng aking mga magulang.
Habang hindi ako makatulog nag scroll muna ako sa bago kong gawa na na f*******: account. Lyee S. Ang nilagay ko na pangalan ko sa bagong sss ang ang profile ko naman dito ay ang mukha ko na may maskara na gamit sa mariposa bar. Tinignan ko ang social media account ni mommy dahil naka follow ako sa kanya. Bigla na lang tumulo ang aking luha ng makita ko ang mga post niya tungkol sa akin at kung gaano na daw niya ako ka miss. Nang tingnan ko ang mga comment sa huling post niya puro sending hugs ang mga comment maliban sa isang comment na naka agaw ng aking pansin.
M. V: Wag kang mag alala tita malapit ko na siyang makita at maiuuwi ko rin siya sa inyo.
Comment ng pangalan na M. V sa post ni mommy. Nang mabasa ko ang reply ni mommy sa comment niya mas lalong kumunot ang noo ko.
Leslie Suarez: Thank you for helping, son. Sana nga makita na siya dahil miss na miss ko na siya.
Reply dito ni mommy. Kaya naman pinindot ko ang profile ng M. V na yun pero naka lock ang profile nito. Ibig sabihin napaka private nitong tao.
" Sino kaya ang M. V na nag comment sa post ni mommy. " Saad ko sa aking sarili. Nasa malalim akong pag iisip ng marinig ko ang pag tunog ng doorbell.
" Bumalik ba si Peachy? May susi naman siya bakit kakatok pa siya? " Bulong ko pa habang pababa ng sala.
" Sandali, sino ba yan? " Ani ko at binuksan ang pintuan. Pero ganun na lang ang pamumutla ko ng mapag sino ko ang nasa labas ng apartment.
" A-ano ang ginagawa mo? P-paano mo nalaman na kung saan ako nakatira. " kinakabahan na tanong ko sa lalaking kaharap ko.
" Akala mo ba, hindi ko malalaman na nag iinarte kang masama ang pakiramdam para lang maiwasan ako. " nakangisi niyang sabi sa akin at pumasok ng walang permiso sa loob ng apartment.
" H-hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Pwede ba umalis ka na at gusto ko na pong magpahinga" asik ko sa kanya, pero tiningnan lang niya ako, hinagod niya ng tingin ang kabuuan ko hanggang sa dumako ang mata niya sa mga nakalantad kong hita. Doon ko lang na alala na naka short lang pala ako. Bigla ko tuloy kinuha ang unan sa sofa at tinakpan ang aking hita kahit na nakatayo ako. Mahirap na lalo na at kaming dalawa ang nandito.
"Katulad ng usapan natin sa bar, hinihintay ko ang sagot mo Lychee. At paalala ko lang sayo, wala kang pagpipilian kundi ang pumayag sa gusto kung ayaw mong matanggal ang mga kaibigan mo sa bar na yun, dahil isang tawag ko lang kay Adriano siguradong tanggal sa trabaho ang tatlo mong kaibigan. Ayaw mo naman ata na mangyari yun hindi ba? " Seryosong saad niya. Nakuyom ko naman ang kamay ko dahil sa sinabi niya. Talagang bang gagawin niya yun? Napaka walang awa naman niya para lang pa tanggalin ang mga kaibigan ko.
" Pero bakit ako? Marami namang magagandang babae sa bar, kung gusto mo ng isa na lang sa kaibigan ko." Sagot ko dahil hindi ko talaga alam kung bakit ako ang gusto niyang nagpanggap bilang girlfriend niya.
"Kung sila ang gusto ko edi sana sila na lang ang nilapitan ko hindi ba? Pero ikaw ang gusto kong magpanggap bilang nobya ko." Aniya.
" Pero Mr. Villarama…. "
" Mico, Lychee! Hindi ba sinabi ko na sayo na tawagin mo akong Mico."
" Okay, Mico. Pwede ba ipaliwanag mo sa akin kung bakit ako ang gusto mo? I mean kung bakit ako ang gusto mong mag panggap bilang girlfriend mo? " Tanong ko, gusto ko talaga malaman kung ano ang dahilan niya.
" Sabihin na natin na nakuha mo ang atensyon ko ng makita kitang sumasayaw sa mariposa. " hindi ko alam pero may nahihimigan akong kakaiba sa tono ng pananalita niya.
"Kung papayag ba ako, titigilan mo na ang mga kaibigan ko? At hindi mo ba sila pa aalisin sa bar? Gusto kong maka siguro sa sagot niya.
"Makakaasa ka sa akin, Lyee dahil meron akong isang salita." Nakangiti na niyang sagot sa akin.
Lumunok muna ako ng laway bago nag salita sa kanya.
"Pumapayag na ako kung ganon." Wika ko sa kanya.
"That's good then, magpahinga ka na at susunduin kita dito bukas ng umaga, ililipat kita ng bahay na malapit sa condo ko."
" Ha? Bakit pa ako lilipat? Paano ang trabaho ko sa mariposa? " gulat na tanong ko. Bakit kailangan pa niya akong ilipat ng bahay.
" Dahil ayaw ko na may masabi sa akin ang mga nakakakilala sa akin pag nalaman nila na dito ka nakatira. I will pick you up tomorrow at 8 o'clock in the morning" tumayo na siya sa sofa.
" Good night love, magpahinga ka na." Nagulat pa ako ng bigla niya akong halikan sa aking labi bago siya lumabas ng apartment.