Chapter 2

1016 Words
Kuyom ang mga palad ko na tumingin sa lalaki. Bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa at buntong hininga humarap sa kanya. "Bakit ako? I mean bakit ang gusto mo maging fake girlfriend eh, marami naman mas maganda dito sa akin. Look sir… " "Mico, I already told you to call me Mico. " Aniya na seryoso ang mukha. "Mico or whatever your name is. Basta ang gusto ko lang sabihin wala kang karapatan na ipatanggal kami ng mga kaibigan ko dito sa bar. Kung sa akala mo ay natatakot ako sa banta mo sa akin pwes nagkakamali po kayo." Matapang na saad ko sa kanya. Mariin naman niya akong tiningnan kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. "Really, Hindi ka natatakot sa akin? Alam mo ba na isang tawag ko lang kay tito Ramon ay pwede ka nang matanggal." Lumapit siya sa akin ang hinaplos ang suot kong maskara. "Kahit naka maskara ka, hindi pa rin naitatago nito ang iyong ganda. Lalo na ang kumikislap mong mata kahit may lungkot akong nakikita." Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Lalo na at ng lapit na ng mukha niya sa akin amoy na amoy ko ng mabango niyang hininga na tumatama sa aking mukha. Pigil ko ang aking hininga dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. "Name your price honey, at sinisigurado ko sayo, na hindi matatanggal ang mga kaibigan mo, dito sa bar pati na ikaw. Ang kailangan mo lang gawin ay ang magpapanggap kang girlfriend ko sa harap ng pamilya ko." Aniya at lumayo sa akin kaya nakahiga ako ng maluwag. "Pag isipan mong mabuti ang offer ko sayo. Babalik ako dito para malaman ang sagot mo. Gusto ko lang din sabihin sayo na ayaw kong tinatanggihan ako dahil masama akong magalit." Saad niya at lumabas na ng kwarto at iniwan ako. Napa hilamos ako ng aking palad sa aking mukha. Malaking katanungan sa akin bakit ako ang napili niya mang papanggap na maging girlfriend niya samantalang mas marami namang mas maganda dito sa bar katulad ng kaibigan kong sina Peachy. Pero duda din ako kung papayag ang mga ito na magpapangap na girlfriend ng lalaking yun. Buntong hininga na tumayo ako sa sofa saka lumabas na ng kwarto. "b***h okay, ka lang? Kanina ka pa tulala dyan sa salamin." Tanong ni Peachy sa akin at tinapik ako sa balikat. "b***h, may tanong ako sayo." Kagat ang ibabang labi ko ng humarap ako kay Peachy. "Ano yan? Wag mo lang akong utangan ng pera ha, at wala akong ipapautang sayo." saad niya at tinapon sa basurahan ang nginunguya niyang bubble gum. Hindi ko naman pinansin ang biro niya sa akin. "Pag may nag alok ba sayo na maging fake girlfriend ng isa sa customer dito sa club tanggapin mo?" Tanong ko sa kanya. Napatigil naman ito sa pagsusuklay ng kanyang mahabang buhok at tumingin sa akin. "Depende sa condition na binigay niya sa akin, pero dapat ang unang unang makikinabang sa condition na yun ay ako at okay lang payag ako basta wag lang katulad ni Adriano masama ang ugali" Aniya at ipinagpatuloy na ang pagsuklay sa kanyang magandang buhok. Si Andriano ang pamangkin ng may ari nitong club at lahat kami dito ay ilag at takot sa kanya dahil napakasama ng ugali nito. "Bakit mo pala natanong? Wag mong sabihin na inalok ka kanina ng customer mo na magpanggap na girlfriend niya." Aniya sa akin kaya napa buntong hininga ako. "Hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon ko sa alok ng customer sa akin kanina." Saad ko sa kanya. "Pag isipan mong mabuti, kung makakabuti naman sayo ang offer niya bakit hindi, basta ba at fake girlfriend ka lang talaga niya at wag siyang lalagpas ng higit pa doon." payo niya sa akin tumayo na. "Halika na at nga ng maka uwi na tayo at ng makapag pahinga na." Saad niya at nauna ng lumabas. Inayos ko na rin ang aking mga gamit at sumunod kay Peachy. Naabutan ko sa labas ng club sina Peachy, Quince at Apple. Ako na lang ang hinihintay nilang tatlo para sabay sabay na kaming umuwi. "Ang tagal mo naman Lyeebog, kanina pa kaya kami naghihintay sayo dito." Agad na reklamo ni Apple sa akin ng makita niya akong palapit sa kanila. Iba iba ang mga ugali nila, si Quince tahimik lang siya at kakausapin ka lang niya pag kinausap mo siya. Si Apple ang pinaka makulit sa aming lahat, palabiro kasi siya at masayahin kahit nawalan ito ng alaala, ito rin ang pinakabata sa amin apat. Sumunod naman ay si Peach, siya pinakamalapit sa akin dahil siya ang tumulong sa akin noon nangangailangan ako ng tinitirhan, mabait din siya at jolly minsan tahimik lang kaya hindi mo mabasa ang laman ng isip niya. Siya ang una kong na kilala dito sa sa club. Nakita ko kasi siya noon dito sa labas ng club habang nagbibilang ng pera na kinita niya sa isang gabing pagtatrabaho. Yun ang panahon na naglayas ako sa amin at nagtatago sa mga tauhan ni daddy. Kaya na enganyo na rin pumasok dito sa club para maitago ko ang totoo kong pagkatao. Alam ko na hindi ako hahanapin ni daddy sa ganitong lugar kaya mas pinili ko dito magtrabaho kasama ni Peachy. Agad na kaming naglakad pauwi ng aming apartment magkakasama lang kasi kaming apat sa iisang apartment at walking distance lang ito sa Mariposa Club kung saan kami nag ta-trabaho. Nang dumating kami sa apartment kanya kanya na kaming pasok sa aming mga kwarto para matulog. Naligo muna ako saka pinatuyo ko ang aking buhok at nahiga. Isang palaisipan pa rin sa akin si Mico Valderama at ang alok niya bilang maging fake girlfriend ako. Napabuntong hininga ako habang iniisip ang gwapong binata. Impossible na wala pa itong girlfriend sa taglay na gwapo nito. Malakas din ang dating niya sa babae ang mala pandesal na mg muscle nito na bakat sa suot nitong damit at ang kulay hazelnut na mata nito. "s**t! Bakit ko ba iniisip ang lalaking yun?" Inis na tanong ko sa aking sarili at nag talukbong ng kumot
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD