Buong gabi akong hindi makatulog dahil sa isipin na susunduin ako bukas ng umaga ni, Mico. Hanggang sa dumating na sina Peachy, dilat na dilat pa rin ang mata ko.
"Nakakainis talaga ang lalaking yun!" Inis na bulong ko sa aking sarili. Pabaling baling ako ng higaan hanggang sa hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog..
Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Naiinis na dinampot ko iyon at agad na sinagot. Ang aga naman kasi ng caller ko tumawag at inaantok pa ako.
"Hello!" Inis na sagot ko sa tumawag sa akin.
"Good morning love, ganyan ka ba bumati sa boyfriend mo lyee?" Agad akong napa bangon sa aking higaan ng makilala ko ang boses sa kabilang linya.
"P- paano mo nalaman ang number ng cellphone ko?" Nauutal na tanong ko. Bigla tuloy nawala ang antok ko ng marinig ko ang boses niya.
" I have my ways honey, kagigising mo pa lang ata? Hindi ka ba nakatulog dahil kakaisip sa akin hmm?" Aniya sa akin. Gusto ko siyang murahin dahil sa kakapalan ng mukha niya.
" Anong kailangan mo sa akin At bakit ka tumawag?" Bakas ang iritasyon sa boses ko. Naiirita ako sa kanya at kung pwede lang na tirisin ko siya ginawa ko na.
" Ohh, love nakalimutan mo ata ang usapan natin dalawa kagabi. Anyway, nandito ako sa labas ng apartment mo. At kanina pa naghihintay sayo." Doon ko lang alala ang usapan naming dalawa. Nang tingnan ko ang oras sa aking cellphone 8:30 na ng umaga, at alas otso ang usapan naming dalawa.
"Sandali, lalabas ako" wika ko at pinatay na agad ang aking cellphone.
Bumangon ako at agad na pumasok sa banyo para maghilamos. Agad din ako lumabas ng apartment at hinanap kung nasaan si Mico. Nang binuksan niya ang binata ng kanyang kotse agad akong lumapit sa kanya.
"Bakit hindi ka pa naka paghanda Lyee?" Aniya at bumaba ng kanyang sasakyan.
" Hindi ba pwede next week na lang ako lumipat sa sinasabi mong tirahan? Isa pa kailangan ko muna mag paalam sa mga kaibigan at baka mag taka sila kung bigla akong aalis na hindi man lang ako nagpapaalam sa kanila." Saad ko sa kanya.
" Kailangan ngayon na tayo aalis at may pupuntahan tayong party mamaya at gusto ko na ikaw ang magiging ka date ko. " seryosong saad niya sa akin.
" Pero hindi pa ako nakaka pagsabi kay Peachy na aalis ako. Baka mag taka siya at mag alaala sa akin kapag nagising siya mamaya na wala na ako. " giit ko sa kanya. Kahit gusto ko na siyang bulyawan pinipigilan ko ang aking sarili dahil ayaw ko na maging bastos sa kanya..
"That's not my problem love, pwede mo naman siyang gising at sabihin sa kanya na aalis ka na." Saad niya at inayos ang suot niyang salamin.
"Pero–"
" No more buts Lyee dahil hindi na magbabago ang isip ko. " putol niya sa sasabihin ko. Humugot ako ng hininga saka tumingin sa kanya.
" Okay, fine sandali lang at gigisingin ko lang siya." Inis na paalam ko sa kanya.
Bumalik ako sa loob ng apartment at kumatok sa kwarto ni Peachy. Nahihiya man dahil alam kong wala siyang tulog pero kailangan na gisingin ko siya para makapag paalam sa kanya. Ayaw ko umalis sa puder niya na hindi man lang nagpaalam sa kanya. Siya ang unang kumupkop sa akin ng naglayas ako sa amin. At napalapit na rin siya sa akin, parang kapatid na ang turing ko sa kanya dahil napakabuti niya.
"b***h?" Tawag ko sa kanya pero hindi pa rin siya sumasagot sa akin. Kumatok ulit ako saka muling tinawag ang pangalan niya.
"Peachy… Pea—" akamang kakatok ulit ako ng bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.
"Why?" Aniya na kinukusot ang mata. Nakasuot lang din ito ng spaghetti at naka panty.
"I'm sorry, kung naistorbo kita, pero pwede ka bang makausap importante lang? " nahihiyang tanong ko sa kanya.
" Kung tungkol yan sa pera, b***h magkano para maka balik na ako sa tulog ko. " aniya sa akin at halata sa boses niya ang inis dahil na disturbo ko ang tulog niya.
" Hindi tungkol sa pera b***h, magpapaalam sana ako sayo na aalis ako ngayon " paalam ko sa kanya.
" b***h naman, kung ginising mo lang ako para mag paalam na aalis ka lang ngayon pwede ka naman umalis na. Hindi mo naman kailangan na gisingin ako. " aniya na ginulo ang kanyang buhok. Napalunok naman dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na aalis na ako sa apartment niya.
" Kasi b***h, ano— ah, kailangan ko na nang umalis dito sa apartment mo at lumipat." Lakas loob na saad ko.
"Ano? " Sigaw na tanong niya "Sandali nga, ang ibig mong sabihin talagang aalis ka dito sa apartment?" Tumango naman ako sa kanya.
" Pero bakit? May nagawa ba akong hindi maganda sayo o may nasabing kinakasama ng loob mo? "
" Wala, b***h, may importante lang akong aasikasuhin pero babalik din ako dito. Pangako. " tinaas ko pa ang isang kamay ko.
" Tungkol ba yan sa pamilya mo? Kung tungkol yan sa pamilya mo masaya ako para sayo, sana maayos mo na ang problema mo sa kanila. " malungkot na saad niya.
" Maraming salamat Peach ha, dahil tinanggap mo ako dito. Pero pangako ko talaga sayo babalik ako." Ani ko at niyakap siya ng mahigpit.
"Pwede naman tayo mag usap sa cellphone palagi. Isang chat mo lang asahan mo magrereply ako, o kaya mag video call na lang tayo. " nakangiti kong saad kanya.
" Ano pa nga ba, o siya basta lagi kang tatawag ha," gumanti naman siya ng yakap sa akin.
Pagkatapos kong mag paalam kay Peachy, agad ko nang inayos ang mga gamit ko at na dadalhin. Yumakap pa ulit ako kay Peachy bago lumabas ng apartment. Agad namang bumaba sa sasakyan si Mico at inabot ang bag ko. Inilagay niya iyon sa backseat at pinag buksan naman niya ako ng pinto sa harap ng kanyang sasakyan. Habang nasa byahe kami tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana hanggang makarating kami sa mataas na building.
"Dito ako titira?" Tanong ko sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko at ihiniya papasok sa loob ng building.
" Yes, love ito na ang bagong bahay mo." Aniya sabay halik ng mabilis sa labi ko.