Chapter 8

1026 Words
Pagkatapos ng nangyari sa cr hindi na ako umalis sa tabi ni, Mico at kahit na saan siya pumunta ay sumasama ako. Suot ko ang maskara na binigay niya kanina habang sumasayaw kami sa gitna. May mga katulad din naman na nag sasayaw doon at katulad ko ay may mga suot din silang maskara. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at dinig na dinig ko ang lakas ng t***k nun. "Kinakabahan ba siya?" Tanong ko sa aking isip. Kagat ang ibabang labi na tumingala ako sa kanya, agad naman nag salubong ang aming mga mata. "f**k! Lyee, don't bite your lips." Aniya sa akin kaya agad ko naman tinanggal ang pagkakagat ko sa aking labi. "Lychee, did I tell you that you are very beautiful?" Sambit niya sa akin habang nakatingin sa aking mata. "Thank you, Mico. Ikaw din sobrang gwapo mo ngayong gabi." Saad ko sa kanya. Napalunok naman ako ng makita kong tumingin siya sa aking labi at unti unting bumaba ang kanyang mukha sa akin. Dahan dahan kong pinikit ang aking mata para hintayin ang halik niya. " Excuse me, kuya, pwede ko din bang maisayaw si Lyee?" Bigla akong napadilat ng mata ng marinig ko ang boses ni Melvin. Napakapit naman ako ng mahigpit sa leeg ni Mico, at nakikiusap ang mata ko sa kanya na wag siyang pumayag na isayaw ako ng kapatid niya. "Total naman birthday ko pagbigyan mo na ako." Dugtong pa niya. Pero napapikit nalang ako ng ngumiti si Mico sa kapatid niya at pumayag na isayaw ako ni Melvin. "Sure, basta ba na wag ka lang lalampas sa limitasyon na ayaw niya ay walang problema." May himig na pagbabanta sa boses ni Mico. "Don't worry kuya, ako na ang bahala sa kanya." Pagak pa itong tumawa at hinapit ako sa bewang. Nag aalangan na nilagay ko ang aking dalawang kamay sa kanyang balikat. "Ganyan ka na ba kadiring diri sa akin at halos na ayaw mo akong hawakan? " aniya sa akin. " Hindi naman sa nandidiri ako sayo. Sadyang hindi lang ako komportable sayo." Sagot ko binaling ko ang tingin sa iba hanggang sa mag salubong ang tingin namin ni mommy. Nakatingin lang ito sa amin ni Melvin at may kung ano akong nakita sa kanyang mata. "Hindi naman niya siguro nakilala hindi ba? Isa pa nakasuot naman ako ng maskara kaya impossible na makilala niya ako. " bulong ng isip ko. Nang hindi inalis ni mommy ang mata sa akin ay ako na ang kusang nag iwas ng tingin sa kanya. "Pwede na ba tayong umupo? Pagod na rin kasi ako. " wika ko at tumigil sa pagsayaw. "Why? Ayaw mo ba akong ma kasama kahit sandali lang ha?" Kinilabutan ako ng maramdaman ko ang pag pisil niya sa bewang ko. Habang humaplos naman ang isa niyang kamay sa aking likod. " Ano ba? Tigilan mo nga yan! Alisin mo ang kamay mo sa likod ko." Mariin na saad ko at inalis ang kamay niya na nakapulupot sa akin. "Bakit? Hindi ba sanay ka naman na iba iba ang humahaplos sayo? Ilan nga ba nagiging customers mo sa isang gabi para paligayahin mo? " dahil sa sinasabi niya, umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko at na sampal siya. Narinig ko naman ang pasinghap ng mga taong nakakita sa ginawa ko sa kanya. "Bastos ko, kahit kailan hinding hindi ko gusto na nahahawakan mo ang katawan ko. Dahil masyadong marumi ang kamay mo sa akin." Galit na bulong ko, napa hawak naman si Melvin sa kanyang kaliwang pisngi sabay hablot sa aking braso. "Ano ba bitawan mo ako!" Galit na saad ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa aking braso. Nilibot ko ang aking tingin at hinanap ko si Mico, pero hindi ko ito nakita. "Wag muna hanapin ang kapatid ko." Aniya at hinala ako sa isang sulok ng hotel. "A-ano ang gagawin mo sa akin?" Takot na tanong ko ng dalhin niya ako sa madilim na bahagi. "Sisingilan ka sa pagkakasampal mo sa akin." Saad niya at pilit akong hinahalikan. "Ano ba, layuan mo ako! Hayop ka! Isusumbong kita kay Mico." Pag pupumiglas ko at pilit siyang tinutulak pakayo. "Wag ka nang lumaban pa, dahil magugustuhan mo rin naman ang gagawin ko sayo. Higit pa sa ginawa ng kapatid ko." Nakangising saad niya. Hahalikan na niya sana ulit ako ng biglang siyang suntukin ni Mico. "I told you not to exceed your limits with my girlfriend. stay away my girl Melvin, if you want our relationship to remain." Galit na saad ni Mico sa kapatid niya. "M-mico" sambit ko habang patuloy na tumutulo ang luha, hanggang sa naramdaman ko ang may yumakap sa akin. "b***h?" Bigla naman akong napayakap kay Peachy ng makilala ko siyang yumakap sa akin. "Shh.. tahan, wag ka nang umiyak b***h, buti na lang pala at nakita kita kanina kaya agad kong nasabi kay adriano habang magkausap sila ni Mico." Aniya sa akin habang hinahaplos niya ang buhok ko. Siya pa rin talaga ang hero. Lagi siyang dumating sa tamang oras pag kailangan ko ng tulong. "Girlfriend? Your girl? Oh, come on kuya. Alam naman natin na hindi yan totoo. Kailan mo lang nakilala si Lychee sa bar, at mas nauna akong makilala siya." Ani ni Melvin kay Mico. " Wala kang alam Melvin. If i were you manahimik na lang ako." Asik ni Mico sa kanya at lumapit sa akin. " Halika na at umuwi na tayo." Aniya qt inilalayan akong maka tayo. Nanginginig pa rin ang katawan ko. "Thank you so much bitch." Saad ko kay Peachy at muling yumakap sa kanya. " Okay lang yun, sige na sumama ka na kay Mico. Tawagan mo na lang ako mamaya." Tumango ako sa kanya. " Tatawagan kita mamaya. Thank you ulit bitch." Pilit kong ngumiti sa kanya. " Dapat lang, b***h dahil marami kang dapat na paliwanag sa akin." Aniya sa akin. Nagpasalamat din sa kanya si Mico at nag paalam kay Adriano. Tahimik lang kaming dalawa na sa loob ng sasakyan habang nakatingin ako sa labas. Hindi man lang nagtanong si Mico tungkol sa nangyari at tahimik lang din ito sa aking tabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD