Chapter 9

1006 Words
" Pumasok ka na sa kwarto mo." Malamig na turan sa akin ni Mico. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o hindi "Mico." Tawag ko sa kanya ng tumalikod siya sa akin para pumunta sa kusina. "Why?" Aniya na wala pa rin expression ang mukha. "G-gusto ko lang sana magpasalamat sayo dahil sa nangyari kanina." saad ko at ngumiti sa kanya. "Ano ba ang meron sa inyo ng kapatid ko ha, Lyee? Bakit sinabi niya na mas nauna siya, kaysa sa akin? May nangyari na ba sa inyong dalawa?" Saad niya habang nakatingin sa aking mata. " W-wala, Mico. Walang may namamagitan sa amin ng kapatid mo. Gusto niya akong i table noon at ilabas pero hindi ako pumayag. Hindi naman kasi talaga ako lumalabas o sumasama sa mga customer sa club. Kahit ang magpa table ay hindi ako pumapayag." Wika ko sa kanya. " Siguraduhin mo lang Lyee, dahil ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang may gumagalaw sa pagmamay ari ko o may humahawak na iba dito. " Aniya sa akin at binitawan ako. " Pumasok ka na sa kwarto mo at mag bihis, dahil dito ako matutulog ngayon gabi." Pagkasabi niya ay tumalikod na siya at pumasok ng kusina. Humugot ako ng malalim na hininga saka pumasok sa aking kwarto. Pumasok na rin ko ng banyo saka naligo. Nanatili ako ng ilang minuto sa shower bago lumabas ng banyo. Paglabas ko ng banyo, nagulat ako na nasa loob na ng kwarto si Mico at nakaupo sa kama. Napalunok ako ng pasadahan niya ng tingin ang katawan ko. Tanging tapis lang ng tuwalya ang nakatakip sa akin at wala akong kahit anong suot sa ilalim. "Ah, dito ka ba matutulog sa kama? Sa sofa na lang ako matutulog" kinakabahan na saad ko sa kanya. " No, hindi ka matutulog sa sofa, dahil tabi tayong matutulog na dalawa dito sa kama." Napatanga ako sa sinabi niya. " Ha? T-tabi tayong matutulog na dalawa?" Nauutal na tanong ko sa kanya. " Yes baby, mula ngayon ay tabi na tayong matutulog na dalawa." Aniya na lumapit sa akin. Napakahigpit naman ang hawak ko sa tuwalya na nakatakip sa aking katawan. "P-pero wala yan sa usapan natin hindi ba?" saad ko at napaatras ng hakbang. "I just want to make sure na nagsasabi ka nga sa akin ng totoo. Dahil hindi mauulol ng ganun ang kapatid ko kung hindi siya nagsasabi ng totoo." saad niya na nag patuloy ng hakbang sa akin kaya ganun din ang ginawa ko hanggang sa ma corner niya ako sa pader.. "A-anong ibig mong sabihin? Wala sa usapan natin na magkatabi tayong matutulog na dalawa, ang sabi mo lang sa akin na magpanggap ako na girlfriend mo sa harap ng pamilya mo." Galit na sabi ko kahit na kinakabahan ako. "Nagbago na ang isip ko." Aniya. "Anong nagbago ang isip mo?" Litong tanong ko pero imbes na sagutin ako ay hinapit niya ako at agad sinakop ang bibig ko. "Hmm.." ungol ko at pilit siyang tinutulak palayo sa akin. "No! ayaw ko. Hindi pa ako at hindi siya ang pag aalayan ko ng dangal ko." Konta ng isip ko. Inipon ko ang lahat ng lakas ko at muli siyang tinutulak, ng pakawalan niya ang labi ko ay agad ko siyang sinampal. " Wala kang pinagkaiba sa kapatid mo. Magkadugo nga kayo." galit na saad ko habang tumutulo ang luha ko. Tila nagulat naman siya sa aking ginawa at nakatulala sa kanyang kinatatayuan. Agad akong pumasok sa walking closet at agad na nagbihis. Hindi ko alam kung tama ba na pumayag ako sa gusto ni Mico, gusto ko tuloy umuwi kay Peachy at mag trabaho na lang ulit sa Mariposa. Napaupo ako sa seminto at napatakip ng aking mukha. Na miss ko din bigla si mommy at gusto ko nalang ang umuwi sa amin, pero hindi ko makakaya na mag pakasal sa isang matanda. Nanatili ako sa ganung position hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. *** Kinabukasan nagising ako dahil sa sikat ng araw. Napatakip ako sa aking mata at dahan dahan na bumangon. Nagtataka na tumingin ako sa kama. "Paano ako nakapunta dito? Binuhat ba ako ni Mico dito?" Bulong ko. sa pagka alala ko nasa loob ako ng walking closet hanggang sa nakatulog ako. Dahan dahan akong bumangon at pumunta ng banyo para maka pag ayos. Nang matapos na ako mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Agad akong dumerecho sa kusina ng maamoy ko ang pini pritong bacon ni Mico. "I'm glad you're awake." Ani ni Mico sa akin sabay lapag ng bacon at itlog sa mesa. "Maupo ka na at kakain na tayo, and then sasama ka sa akin sa aking opisina." Saad niya. "Ano naman ang gagawin ko sa opisina mo? " kunot ang noo na tanong ko. "Mula ngayon ikaw na ang magiging personal assistant ko. Wag ka mag alala dahil tataasan ko ang bayad sayo. Ayaw ko lang na maiwan ak dito at maka mag laro ka ng wala ako." Seryosong saad niya sa akin. Hindi ko naman makuha kung ano ang ibig niyang sabihin pero hindi na rin ako komontra sa gusto niyang mangyari dahil wala din naman akong magagawa. " Okay! " tanging saad ko at bumuntong hininga. "Sundin mo lang ang lahat ng utos ko sayo Lyee, at pinapangako ko na magiging mabait ako sayo." Wika niya at nilagyan ng sinangag at bacon ang aking plato. "Hanggang kailan ang magiging kontracta ko sayo?" Tanong ko. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ako magpapanggap na nobya niya. "Hanggang sa bumalik na ang fiance ko." Napatigil ako sa pagsubo dahil sa sinabi niya. "May f-fiance ka?" Hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya. "Oo tumakas lang siya, pero alam ko na malapit na siyang bumalik sa kanila dahil na bigla lang siya." Makahulugan na saad niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang meron sa titig niya pero parang may gustong ipahiwatig ang mga tingin niya na iyon sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD