Pagkatapos namin kumain ay agad na akong naligo at pumili ng damit na aking susuotin papasok sa opisina ni Mico. Dala ko naman ang ibang kong damit at may dala akong damit ko noong pumasok ako sa opisina ni daddy. Kung hindi siguro ako naglayas malamang nakasakay na ako ngayon sa eroplano at nagsisilbi sa mga pasahero nito. Graduate naman ako ng tourism at nag apply na ako sa airlines namin bilang flight attendant. Pangarap ko kasi ikotin ang mundo kaya naman yun ang kursong kinuha ko at sinuportahan naman ako nina, mommy at daddy sa pangarap ko na yun.
"Ready ka na ba?" Tanong sa akin ni, Mico kaya tumango ako.
"Good, halika ba para maituro sayo ni Jobel ang mga dapat mong gawin." Aniya sa akin at hinawakan ako sa kamay.
Hawak ni Mico ang kamay ko habang papasok kami sa kumpanya nila hanggang sa makapasok kami sa loob ng opisina niya.
"Good morning sir, Valderama." Bati ng isang balingkinitan na babae.
" Good morning Jobel, I want you to meet my fiance Lyee, at gusto ko na turuan mo siya ng dapat niyang gawin bilang personal assistant ko." Nakangiting utos ni Mico sa babae. " Love, this is Jobel my secretary." Pakilala niya sa akin.
" Hi, Jobel." Nakangiti kong saad at inilahad ang kamay.
Ngumiti naman siya sa akin pero halatang peke ang ngiti niya. "Hi, ikinagagalak kitang makilala Miss Lyee, tama nga si sir Valderama, ang ganda mo sa personal." Sagot niya at tinanggap ang aking kamay.
" Ha? Nai kwento na niya ako sayo?" Kunot ang noo na tanong.
"Yes, Miss Lyee." Tanging sagot niya sa akin.
"Jobel, dalhan mo muna kami ni Lyee dito ng kape." Utos ni Mico dito. Agad naman lumabas ang babae kaya umupo ako sa sofa. Inilibot ko ang mata sa loob ng opisina ni Mico. Very manly ang kulay ng office niya sa kulay grey na pintura.
"Ito na ang kape niyo sir, with special feelings yan kaya masarap." Pacute na sabi ni Jobel kay Mico sabay kindat sa binata. Gusto ko tuloy sila ikotan ng mata dahil halata naman na naglalandian sila sa harapan ko. "Ito na rin po ang kape niyo miss Lyee." Kiming saad nito sa akin. Ngumiti ako ng peke sa kanya at tinanggap ang kape na ibinigay niya sa akin. Wala akong pakialam kung mahalata niya na peke rin ang ngiti ko sa kanya dahil parehas lang naman kaming dalawa.
Pagkatapos namin mag kape ni Mico, tinuruan ako ni Jobel ng kung ano ano ang mga dapat kung gawin. Hindi naman masyado mahirap ang pinapagawa niya sa akin basta gawin ko lang ang mga kailangan ni Mico. Kailangan ko rin sumama sa kanya sa mga meetings niya para i take down notes ang mga importanteng bagay sa meeting nila.
"Ah, Mico… " tawag pansin ko sa kanya. Nag angat naman siya ng tingin sa akin mula sa papeles na nasa harapan niya.
"Why?" Malamig na tanong niya.
"Pwede ba na lumabas muna ako saglit? Nagugutom kasi at gusto kong bumili ng pagkain." Paalam ko sa kanya.
" Ano ba ang gusto mo? Ipapabili ko na lang kay Jobel." Aniya at akmang tatawagan si Jobel sa intercom.
" Wag na Mico, nakakahiya naman sa kanya kung pati yun ay iuutos ko pa. Saglit lang naman ako, babalik din agad ako pagkatapos kong bumili ng burger na gusto." Pigil ko sa kanya. Ayaw ko nang abalahin pa ang secretary niya.
" Okay fine, basta bumalik ka kaagad." Pagpayag niya kaya ngumiti ako sa kanya.
" Thank you, Mico." Sagot ko at kinuha ang aking bag. Nag paalam na rin agad ako sa kanya na lalabas na ng opisina niya.
Habang nasa taxi ako nakatanggap ako ng message sa kaibigan ko si Orange, na nagtatrabaho din sa Mariposa.
Orange:
"Lyee, umalis ka na ba talaga dito sa Mariposa?" Tanong niya sa text.
"Tinanong ko si Madame Leah pero hindi rin niya alam na kung bakit hindi ka na daw pumapasok, wala na rin kasi dito sina Peachy at Kiwi kaya wala kaming mapag tanongan ni madame." Sunod na text niya sa akin.
"Pasensya kana, Ren ha, kung hindi na ako nakapag paalam sa inyo. Kamusta na kayo diyan bar? Wag ka mag alala dadalaw ako pag may oras ako. Sa ngayon kasi may inaasikaso pa akong mahalagang bagay." Reply ko sa kanya.
Kumuha na ako ng pera sa aking wallet at nag bayad sa counter.
" Miss magkano lahat? " tanong ko sa cashier.
"580 po lahat ma'am." Aniya sa akin kaya naman dumukot ako ng isang libo sa aking wallet. Tatlong burger kasi ang binili at tatlo ring milk tea ayaw ko man sa secretary ni Mico, pero isinama ko pa rin siya sa pagbili ng pagkain.
Hindi na nag reply si Orange sa akin kaya naman pumara na ako ng taxi para makabalik na sa opisina ni Mico. Parang may sumpong pa naman ito mula kagabi dahil malamig ang makikitungo niya sa akin.
Pagdating ko sa labas ng opisina ni Mico nag taka ako kung bakit wala si Jobel sa mesa niya.
"Baka nag banyo." Bulong ko at papasok na sana sa loob ng opisina. Pero napatigil ako ng marinig ang boses ni Jobel.
"I miss you, Mico. Isang linggo na tayo hindi lumalabas at miss na miss na kita." Saad ni Jobel at lumapit kay Mico.
"Jobel, napag usapan na natin hindi ba." Kumunot ang noo ko dahil sa usapan nila. Kung may relasyon sila ni Jobel bakit kailangan pa niya ako mag panggap na girlfriend niya.
"Pero wala sa usapan natin na mag ta-trabaho sayo si Lyee dito. Please baby pagbigyan mo na ako hmm, alam ko naman na miss mo na rin ako." Ani ni Jobel at umupo sa kandungan ni Mico.
"Okay, pupuntahan kita mamaya sa condo mo." Sagot ni Mico dito. Hindi ko alam kung bakit tila kinurot ang dibdib ko sa narinig mula kay Mico.
"Thank you, baby." Saad ni Jobel at agad na hinalikan si Mico sa labi. Napaiwas ako ng tingin sa kanila kasabay ng pagtunog ng aking cellphone.
"Hello, Orange?" Sagot ko.
"Lyee… pwede ba tayo magkita ngayon?" Nanginginig ang boses na tanong niya sa akin.
"Sige, itext mo na lang sa akin ang address kung saan tayo magkikita." Saad ko at pinatay na ang tawag. Uuwi muna ako sa condo ni Mico at kukunin ko ang mga gamit ko. Pakiusapan ko rin si Orange kung pwede ba muna ako sa kanila. Nakapunta na ako ng isang beses sa bahay nila sa squatter area at alam ko na kapag nandoon ako hindi na ako makikita pa ni Mico, total nandiyan naman ang girlfriend niya kaya para saan pa ang pagpapanggap ko.