Chapter 11

1043 Words
"Sure ka ba na babalik ka sa pagiging stripper? " tanong sa akin ni orange ng mag usap kaming dalawa. Nakiusap din ako sa kanya na kung pwede ay dumito muna sa kanya at pumayag naman siya. "Oo Range, pero kakausapin ko si madam Leah na buong maskara sa mukha ang ibigay niya sa akin para maitago ko na ang aking mukha." Sagot ko kay Orange. Sure kasi ako na makilala pa rin ako ni Mico kung mata lang ang tatakpan ko. "Sige, Ikaw ang bahala, paano yan tatawagan mo ba siya o kakausapin mo na lang mamaya kapag pumasok ka na?" Aniya sa akin at umupo sa kawayan na upuan. "Mamaya na lang siguro, kapag pumasok na tayo." Hindi ko alam kung tama pa itong gagawin ko, wala na rin kasi akong alam na puntahan. Kung uupa naman ako ng bahay baka maubos ang pera ko at kapag nag apply ako sa ibang trabaho natatakot ako na makilala ko. Kaya bahala na kung anong mangyari basta kakausapin ko na lang si Madam Leah mamaya. Hindi na rin ako papayag na ma itable pa ako ng kahit sino. na customer ni madam Leah sa Mariposa. Pagdating ng alas siyete nag handa na kami ni Orange papasok sa Mariposa. Sa likod ng bar ako dumaan para walang may makakita sa akin at may makakilala. Pagdating ko sa loob agad na akong pumunta sa opisina ni madam Leah para kausapin siya tungkol sa gusto ko. "Oh, mabuti naman at bumalik ka na, ang akala katulad ka na din nina Peachy na umalis na at nilayasan si andriano kaya ayon ang pamangkin ng boss ko nababaliw kakahanap sa kanya." Ani ni madam Leah sa akin. " Pumunta po ako dito madam dahil may hihilingin po sana ako inyo. " saad ko sa kanya at na upo sa harap ng mesa niya. " Ano iyon? " kunot ang noo na tanong niya. " Pwede po ba madam na mag request ng isang maskara yung hindi po makikita ang mukha ko, at kung pwede po sana na hindi na ako mag patable pa." Saad ko sa kanya. Noon pa man sinabi ko na sa kanya yun at ang sabi niya dati na hindi sila mamimilit sa amin kung ayaw nila. Pero bigla na lang nagbago mula sa pagsulpot ni Mico. "Okay, kung yan ang gusto mo, mag start ka na ngayon at ikaw ang tatawagin na queen of the night." Tumango ako sa kanya at lumabas na ng kanyang opisina. Pumunta ako sa backstage para magbihis. Ilang saglit pa ay sinabihan na kami na aakyat na ng stage para umpisahan ang pag sayaw. Lumabas na kami ni Orange at ni Grapes na bagong dancer din dito sa bar at kaibigan ni Orange. Umakyat kaming tatlo sa stage at inumpisahan na ang gumiling. Palipat lipat kaming tatlo sa ginta hanggang sa ako na may mag request sa amin ng lap dance. Dahil sa laki ng ng pera na tinapon sa amin lumapit kami sa tatlong lalaki na magkaibigan at gumiling sa kanilang harapan. Nang akmang hahawakan na ako ng lalami lumayo ako sa kanya at patuloy na sumayaw pero dumistansya ng konti sa kanya. Nang lumapit uilt ako at sumayaw sa lap niya may binulong siya sa akin. "Magkano ka, miss Queen of the night? tutumbasan ko ang isang gabi mo, gagawin ko pang triple." Bulong niya sa akin. Umiling ako at ngumiti sa kanya. Nang makita ko ng lumayo na rin si Orange at Grapes sa mga kasayaw nila ay lumayo na din ako at bumalik sa stage hanggang sa natapos ang pag sayaw namin. Bumalik kami sa backstage at mag retouch para sa isang sayaw pa na i pe perform namin. Habang nag re retouch nakikinig lang ako sa usapan ni Orange at Grapes. "Lyee, pwede ba kitang makausap?" Saad sa akin ni Madam Leah nakaka pasok lang. "Po? Tungkol saan po?" Tanong ko sa kanya. Sinarado niya ang pinto at lumapit sa akin. "Nandiyan si Mr Valderrama, at hinahanap ka. Tinanong niya sa akin kung bumalik ka daw ba dito." Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya. No! Hindi pwede na malaman ni Mico na nandito ako. " A-ano po ang sabi mo sa kanya madam Leah?" Kinakabahan na tanong ko. " Sinabi kong hindi ka na bumalik dito mula ng umalis ka. Dahil sa request mo sa akin kanina sigurado akong siya ang dalian kung bakit gusto mo mag tago. Mula kasi ng ma itable ka niya ay hindi ka na pumasok pa." Aniya sa akin. " Pero Lyee hindi ko maipapangako sayo na kaya kitang pagtakpan sa kanya. Mag kaibigan si sir Adriano at Mico at alam mo naman na alam lahat ni Adriano ng mga nangyayari dito." Dugtong pa niya at tumingala sa CCTV camera. Napabuntong hininga ako at tumango sa kanya. Tama si ma'am hindi niya ako pwede itago ng matagal dahil magkaibigan si Mico at sir Adriano. At alam ko na kapag nakita o malaman ni sir Adriano na nandito ako ay malalaman din ka agad ni Mico. "Alam ko po madam, maraming salamat po sa pag takip sa akin" ni ko sa kanya. " Oh siya yan lang ang sasabihin ko sayo. Kumuha rin pala siya ng VIP room sa itaas at gusto magtable ng babae. Pero gusto niya yung pumapayag daw pag dinala niya sa kama." Saad pa niya bago lumabas. Tanging tango lang ng naisagot ko sa kanya. "s**t! Girl ang hot talaga ni Mr Valderrama." Saad ng isang kasamahan namin. " Oo nga girl ang swerte at ikaw ang napili ni madam na mag painif ng gabi ni Mr Valderrama." Napalingon ako sa dalawa at tiningnan ang kanilang mukha. Mukhang mga bago lang din ang mga ito dahil hindi sila pamilyar sa akin. "Oo naman girl. May dala akong gamot para ihalo sa inumin niya. Siguraduhin kong mabubuntis niya ako para mawala na ako sa trabahong to." Saad ng may katingkaran na babae habang may nakakalokong ngiti sa labi. Dahil sa sinabi niya bigla akong nag alala kay Mico. Hindi ko alam kung bakit pero sa isipin na may mabubuntis siyang babae ay nasasaktan ako. Lumabas ko ng backstage at pupuntahan sa opisina si madam Leah, kakausapin ko siya na ako na ang ibigay niya kay Mico.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD