BLESSY AGAD na hinablot ko ang buhok ni Cayah nang malapitan ko siya. “Ang kapal din talaga ng mukha mo na magpakita pa rito pagkatapos ng ginawa mo sa asawa ko! You’re a flirt! Nang dahil sa kalandian mo kaya muntik nang mamatay ang asawa ko. Wala ka na ba talagang hiya para humarap pa sa amin pagkatapos ng lahat?” galit na sigaw ko sa kaniya habang patuloy na hinihila ko ang kaniyang buhok. “Ouch, Blessy! Ano ba? Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan na ako, ha!” galit na singhal din sa akin ni Cayah habang pilit niyang tinatanggal ang kamay ko na nakahawak pa rin nang malakas sa buhok niya. “You deserve it! Kung tutuusin, kulang pa nga ‘to sa ginawa mo sa amin, eh. Kung masamang tao lang ako, matagal na kitang pinatay.” Lalo ko pang nilakasan ang paghila sa buhok niya at sinubukang isubsob