BLESSY SUMUKO na ang mga mata ko sa paglilibot ng tingin sa loob ng bulwagan para hanapin si Dux. Nandito kami ngayon sa magarbong birthday party ng isa sa mga kapartido niya. Iniwan niya kasi ako kanina dahil may kakausapin lang daw siya. Pero lagpas isang oras na yata ay hindi pa rin siya bumabalik. Gusto ko na nga sanang mauna na lang umuwi. Nag-aalala kasi ako na baka hanggang ngayong dis-oras na ng gabi ay gising pa rin ang anak namin na si Clay. Hindi kasi iyon sanay na hindi katabi. Kaya bibihira na akong sumama kay Dux sa ganitong okasyon kung saan ay inaabot ng hatinggabi. Pero nakakahiya namang tumanggi minsan, lalo na kapag nakalagay talaga sa invitation pati ang pangalan ko. Bukod doon, hindi na rin ako gaanong nag-e-enjoy kapag kasama namin ang mga kapartido niya. Mga bago