BLESSY GULAT na gulat na napalingon sa akin sina Dux at Danica matapos kung tamaan sa ulo ang walang hiyang babae ng shoulder bag na ibinato ko sa kanila. Napatili ito pero hindi pa rin umaalis sa ibabaw ng aking asawa. Gayon din si Dux. Nakahawak pa rin siya sa balakang nig sekretarya niya kahit na huling-huli ko na sila. PIlit kong pinigilan ang mga luhang nararamdaman kong nagbabadya sa mga mata ko. Dali-dali kong dinampot ang cellphone ko na nahulog sa sahig at kinuhanan sila ng mga litrato at video para ebidensiya kung saka-sakali man. Nang makita nila ang ginagawa ko ay saka lang sila nag-unahan sa pag-alpas at pagtago ng kanilang mga sarili para lang hindi sila mahagip ng camera. I know na kukunin sa akin ang cellphone tapos sisirain. Kaya agad ko siyang inunahan sa pag-secure ng