CHAPTER 76

1708 Words

BLESSY “SORRY kung ngayon lang ako nakauwi, babe. Hindi ko talaga matanggihan ang mga kasama ko, eh. Nakakahiya naman sa kanila kung mauuna akong bumalik dito sa Bulacan, ‘di ba?” paliwanag sa akin ni Dux kahit hindi ko naman siya tinanong kung bakit ngayon lang siya nakauwi. Ang totoo niyan, kaninang tanghali pa siya dumating pero ngayong gabi lang niya naisipan na magpaliwanag. “It’s okay, babe. Mukhang nag-enjoy ka naman, eh. Masaya naman yatang kasama ang sekretarya mo,” matamlay na sagot ko. Humiga na ako sa kama na hindi man lang humahalik sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit bigla akong nawalan ng gana sa kaniya gayong ang tagal naming hindi nagkita. Dapat nami-miss ko siya. Samantalang noong mag-boyfriend pa lang kami, mawala lang siya saglit sa paningin ko, miss na miss ko na agad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD