BLESSY LUMIPAS na ang tatlong araw pero hindi pa rin nakakauwi galing Ilocos si Dux. Pero tumawag naman siya na made-delayed daw siya ng uwi dahil may kailangan pa silang tapusin. Noong una ay sobrang lungkot at dismaya ang naramdaman ko. Lalo at lumipas pa ang ilang araw na hindi pa rin siya bumabalik at isang beses sa isang araw lang yata siya mag-text para kumustahin kami ni Clay. Mabuti na lang at nandito si Kuya Brandon. Aminado ako na sa nakalipas na isang linggong magkasama kami rito sa bahay, nakatulong siya para mabawasan ang lungkot at paghihinampo ko sa aking asawa. Napakasarap niya kasing kasama. May sense of humor at masiyadong maalaga at maasikaso. Hindi lang sa akin kundi higit na sa aking anak. Alam ko na mali na makaramdam ako ng ganitong kasiyahan mula sa pagkalinga