BLESSY “HEY, baby, what’s wrong?” Para naman akong natauhan nang marinig ko ang nag-aalalang boses ni Kuya Dux. Saka ko lang napagtanto na nakayakap pala ako sa hubad niyang katawan. Naramdaman ko kasi ang mainit na singaw nito. Pati na rin ang matipuno niyang dibdib at matigas na tiyan. Tila napapaso na kumalas ako at lumayo sa kaniya. Gayon man ay lihim akong nagtaka kung bakit parang hinihingal siya. Pati ang paggalaw ng Adam’s apple niya ay nakita ko rin nang tumingala ako sa kaniya. “S-sorry po, Kuya. Sobrang nag-alala lang kasi ako sa buhok ko.” Hinawakan ko ang buhok ko at tumalikod sa kaniya para ipakita ang nangyari dito. Hindi ko kasi makita kaya hindi ko alam kung gaano kalala. Basta nakapa ko lang na parang may malagkit. Ang sabi nga ni Heaven, chewing gum daw niya iyon. “Na