CHAPTER 2

1243 Words
BLESSY “DADDY? Daddy!” tuwang-tuwa na salubong ni Heaven sa matandang lalaki na sumalubong sa amin sa malawak na bakuran nang makarating kami rito sa Bulacan. Siya pala ang ama ng kapatid ko at hindi si Mayor Dux. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na napapayag ako ni Mayor Dux na isama niya rito si Heaven, sa kabila nang mahigpit na bilin noon ni Mama. Siguro dahil na rin sa kahilingan ng kapatid ko. Na gusto niyang makita ang kaniyang ama. Lalo pa at may malalang sakit daw ito. Pumayag ako sa kundisyon na sasamahan ko rito si Heaven. Private chopper ang sinakyan namin kaya mabilis lang kaming nakarating dito. Sa nakikita ko na kasiyahan ngayon sa kapatid ko, hindi ko masasabi kung tama o mali ba na sumama kami rito. Alam ko ang pakiramdam na lumalaking walang ama. Ayaw kong ipagkait sa kapatid ko ang sandaling ito. “Siya ba ang Ate Blessy mo?” narinig ko na tanong ng ama ni Heaven sa kaniya, sabay sulyap sa akin. Nang tumango ang kapatid ko, nakangiti na tinawag ako ng ama niya. “Come here, hija.” Saglit akong napatingin kay Mayor Dux na nakatayo sa tabi ko sa mga oras na ito. Simula nang umalis kami sa Cebu kanina ay seryoso lang ang mukha niya. Sinisimangutan pa nga niya ako. Samantalang magiliw naman siya pagdating sa kapatid ko. Iniisip ko tuloy na baka hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya sa akin dahil napagkamalan ko siya na ama ng kapatid ko. Nawala kasi sa isip ko ang sinabi sa akin ni Heaven noon na may Kuya daw siya. Bagay na hindi na nabanggit sa akin ni Mama noon. “Ate, halika po rito!” Saka lang ako dahan-dahan na lumapit sa kanilang mag-ama nang tawagin ako ni Heaven. Kahit bakas naman ang kabaitan sa mukha ng matandang lalaki ay nag-alangan pa rin ako na batiin siya. “H-hello po. Magandang hapon po,” magalang na bati ko sa ama ng aking kapatid. “Magandang hapon din sa’yo, hija. Ako nga pala si Aurelio Reyes, your mother’s ex-husband.” Nakangiti na inilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harapan. “Masaya ako na makita ang panganay na anak ni Juana. Pero ikinalulungkot ko ang nangyari sa kaniya.” Nakangiti siya pero nasisilip ko ang lungkot sa kaniyang mga mata nang banggitin niya ang pangalan ng aking ina. Bakit kaya niya ipinagpalit si Mama noon? Kung nararamdaman ko naman na parang mahal pa rin niya ito? Bakit nauwi sa annulment ang kasal nila? At bakit ngayon lang pinahanap ni Aurelio si Heaven kung talagang mahal niya ang kaniyang anak? Wala naman na kasing ibang sinabi ang Mama ko noon maliban doon at sa huwag ko nga raw ibigay si Heaven sa ama niya kahit na ano man ang mangyari. At saka bakit maayos naman ang pakikitungo ni Aurelio sa akin ngayon? Samantalang hindi nga siya pumayag noon na isama ako rito ni Mama dahil hindi raw niya ako anak. Nakangiti na pinisil ni Aurelio ang aking kamay na hindi ko namalayang hawak na pala niya. “Maraming salamat sa pagpayag mo na sumama kayo rito para makasama ko si Heaven. Salamat din dahil pinalaki mo siya nang maayos kahit mag-isa ka na lang. And I want to repay that kindness of yours, hija. Puwede ka ring manatili rito sa bahay para magkasama pa rin kayo. Kami na ang bahala sa lahat ng pangangailangan n’yo. Kung gusto mong mag-aral uli, pag-aaralin kita. Ituring mo ako na parang tunay mong ama at gano’n din si Daxton…” Nakangiti pa rin na itinuro niya ang anak na nakatayo pa rin sa aking likuran. “Ituring mo siya na parang Kuya mo. Ngayon na nandito na kayo sa poder ko, asahan mo na walang mananakit sa inyo.” Hindi ko man maamin sa sarili ko pero parang kinurot ang puso ko nang makita ko ang disgusto sa mga mata ni Mayor Dux nang sabihin iyon ng ama niya. “Feel at home since this mansion is going to be your home from now on. Basta mahal ng mga anak ko, mahal ko na rin,” dagdag pa ni Aurelio bago sinapo ang mukha ni Heaven. Kapagkuwan ay ibinalik niya ang tingin sa akin. “Also, call me ‘Dad’. Nang sa gano’n, lalo mong maramdaman na simula sa araw na ito ay parte ka na rin ng pamilyang ito.” Parang hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Parang hindi siya ang tao na ikinukuwento sa akin ni Mama noon. Naguguluhan man ay napatango at nagpasalamat pa rin ako sa kaniya. Mayamaya pa ay niyaya niya ako na ito-tour daw niya kami ni Heaven sa buong bahay. Pero tumanggi na ako. Gusto kong ibalato sa aking kapatid ang oras na ma-solo niya ang kaniyang ama, sa unang araw ng pagkikita nilang muli. Nang kaming dalawa na lang ni Mayor Dux ang naiwan dito sa bakuran, nginitian ko siya. Kung ganoon na dito muna kami titira ng kapatid ko, kailangan ko siyang pakisamahan nang maayos para sa ikakatahimik ng buhay naming magkapatid. “Sorry nga pala kanina, ha? Kung napagkamalan kitang ama ni Heaven. Sa pagkakaalam ko lang kasi, ang Daddy mo ang mayor.” “It’s okay. Just forget about it,” simpleng sagot niya sa akin. “Hindi naman iyon big deal sa akin.” Hindi? Pero bakit sinisimangutan mo pa rin ako hanggang ngayon? Naglakad si Mayor Dux palapit sa akin. Diretso ang tingin niya sa akin. Samantalang hindi ko naman masalubong ang mga mata niya. And I don’t know why. Siguro dahil nakakalunod ang sobrang pagkaitim ng mga iyon. Napansin ko kanina na ganoon din ang mga mata ni Aurelio. Kaya pala iisa ang mga mata nila ni Heaven. “Anyways, bakit mo nga pala naisip na ako ang ama ni Heaven? Mukha bang magkaedad kami ni Daddy?” tanong niya sa malamig na boses. Napatingin ako sa kaniya, sabay lunok. Ito ba ang hindi big deal? At kalimutan ko na raw. Pero siya naman itong nag-uungkat ngayon. “Hindi po. Kaya nga nagtataka ako kung paano kayo naging ama ni Heaven, eh,” sagot ko na may pilit na ngiti sa mga labi. Ayaw kong magsimula sa hindi maganda ang pagkakakilala naming dalawa. Hindi ako sanay mamuhay nang may kaalitan. “Kasi sobrang bata n’yo pa po. At ang guwapo n’yo pa po, Kuya Dux. Baby face.” Inabot ko ang kaniyang pisngi at pinisil ito. Unti-unting umaliwalas ang mukha niya. “Really?” “Opo. Mukha po kayong artista.” Lalong lumawak ang pagkakangiti niya. Ang dali lang naman pala niyang bolahin! O sadyang paiba-iba lang talaga ang mood niya? Pero hindi ko naman siya binobola lang. Guwapo naman talaga siya. Mukhang maganda na ang mood na tinapik niya ang balikat ko. “Katulad nang sinabi ni Dad kanina, feel at home.” “S-salamat po.” Hindi ko maintindihan kung bakit parang bigla na lang akong kinilig sa simpleng pagtapik niya sa aking balikat. “And just tell me if someone makes you uncomfortable. Dito sa loob ng bahay o labas man. I’ll deal with them myself.” Hindi ko pa man lubos na nauunawaan ang gusto niyang sabihin, tinawag na niya ang isa mga unipormadong babae na sa tingin ko ay katulong sa bahay na ito. Inutusan niya ito na ihatid ako sa magiging kuwarto ko. Kapagkuwan ay nauna na siyang pumasok sa malapalasyong bahay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD