CHAPTER 3

1982 Words
BLESSY “BAKIT naman pati ang babaeng iyon ay pinayagan mo na tumira rito sa pamamahay natin, Aurelio? Eh, hindi mo naman anak ‘yon!” Napahinto ako sa paglabas sa aking silid nang marinig ko ang tila paghihisterikal ng boses na iyon sa hallway nitong second floor ng mansiyon kung nasaan ang kuwarto ko. Samantalang katabi ko naman ang silid ni Heaven. Gusto sana namin na mag-share na lang ng room. Pero hindi pumayag si Aurelio. “This is my house, Virginia. Patitirahin ko rito ang sino mang gusto kong patirahin,” sagot naman ng dating asawa ni Mama sa nagtitimping boses. “So, siya, puwedeng tumira dito. Pero ang anak ko, hindi? Nakalimutan mo na ba na ipinadala ko pa siya sa U.S. para lang hindi ako bisitahin dito palagi?” Nagalit pa lalo ang kausap ni Aurelio. Nakaharap ko na siya kanina kaya kilala ko na ang boses na iyon. Siya ang babaeng ipinalit ni Aurelio sa Mama ko. At sa unang paghaharap pa lang namin kanina, ramdam ko na sa lahat ng tao dito sa mansiyon, siya lang ang hindi masaya sa pagdating namin ng kapatid ko. “Huwag mo na lang kuswetiyunin ang desisyon kong ito, Virginia. Sabihin na lang natin na bumabawi ako sa pagkakasala ko kay Juana. Sa pagkakasala nating dalawa.” Bahagyang kumunot ang aking noo nang marinig ko ang sinabi ni Aurelio. Ang tinutukoy ba niyang kasalanan ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Mama noon? Dahil ayaw ko na lumala ang away nila kapag nakita ako ng asawa ni Aurelio, hindi ko na lang muna itinuloy ang paglabas ng silid. Maingat na ibinalik ko sa pagkakasara ang pinto at bumalik sa loob. Muntik na sana akong makaidlip kung hindi lang dahil sa sunod-sunod na katok na narinig ko mula sa labas. Isa sa mga katulong ang napagbuksan ko. BLESSY ANG sabi ng katulong na kumatok kanina, kailangan ko na raw bumaba bago mag-alas siyete ng gabi. Eksaktong seven PM daw kasi ang hapunan ng mga Reyes. At magsuot daw ako ng maayos at medyo formal na damit. Huwag ko na raw iintindihin si Heaven dahil may sariling yaya na ito. Gusto ko sana na ako pa rin ang mag-asikaso sa kapatid ko kahit nandito na kami. Pero gusto kong hayaan si Aurelio sa pamamaraan niya para ipakita kay Heaven ang pagmamahal niya bilang isang ama, sa kabila ng bilin sa akin ni Mama. Dahil ang mga bagay na iyon ang lihim ko ring pangarap simula pa lang noong bata ako. Na hindi ko na naranasan dahil maaga akong naulila sa ama. Five-thirty pa lang ay naligo na ako. Para mapag-isipan ko pa ang susuotin ko. Bagaman at wala naman akong ibang maayos at formal na damit maliban sa nag-iisang luma at bulaklaking dress. Iilan lang din ang mga gamit na dala ko. Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng banyo na nakatapis lang ng towel. Napatigil ako sa paglalakad papunta sa walk-in closet para sana kumuha ng damit nang mapansin ko na nakabukas ang pinto ng aking silid. Muntik na akong mapatili sa pagkagulat nang makita ko roon si Mayor Dux. Nakahawak siya sa doorknob habang nakatingin sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko bigla na lang akong kinapos ng hangin. “K-Kuya Dux…” tawag ko sa kaniya. Agad kong hinawakan ang towel na nakabalot sa katawan ko, sa takot na baka bigla na lang itong mahulog. Wala akong suot na kahit anong panloob. “Ano po ang ginagawa n’yo rito? Paano kayo nakapasok?” sunod-sunod na tanong ko habang nakakunot ang noo. Tumaas ang sulok ng mga labi niya. “Naiwan mong hindi naka-lock ang pinto. Which is hindi dapat para sa isang babae na tulad mo.” “Alam ko naman po ‘yon, Kuya. Hindi pa lang talaga siguro ako sanay sa ganito kalaking silid,” paliwanag ko. Nagkamot ako ng ulo. Bakit nga ba nakalimutan kong i-lock ang pinto? “Sorry po.” “It’s okay. Basta always lock the door. Lalo na kapag may ibang tao rito sa bahay.” Tumango-tango. “Opo, Kuya. Salamat po uli.” Pero sa isip ko, napatanong ako. May ibang tao pa pala na pumapasok dito maliban sa kanila? At sino naman kaya? Ang akala ko ay iyon lang ang pakay ni Kuya Dux kaya niya binuksan ang pinto ng silid ko. Ngunit nagtaka ako nang pumasok siya at isinara ang pinto. Saka ko lang napansin ang paper bag na dala niya. Walang salita na ipinatong niya iyon sa ibabaw ng kama. “M-may kailangan ka po ba, Kuya?” Ilang minuto rin ang dumaan bago ako nakapagsalitang muli. Tumalikod na kasi siya sa akin at tumingin-tingin sa tatlong picture na kakapatong ko lang sa lamesa kanina. Lihim akong napalunok nang dahan-dahan siyang lumingon sa akin. “Wala naman. Gusto ko lang i-remind sa’yo na exact seven PM ang dinner dito sa bahay. Mabait si Dad pero hate niya ang mga late comer.” Nahigit ko ang aking hininga, sabay tingin sa wall clock. “Pasado alas sais pa lang naman po. At saka mabilis lang naman akong mag-ayos dahil hindi naman ako naglalagay ng kahit anong kolorete sa mukha.” Seryoso lang ang guwapong mukha ni Kuya Dux nang pagmasdan niya ang mukha ko. “Maganda ka naman kahit walang make-up.” Parang sumaya bigla ang puso ko na napansin din niya ang napapansin ng ibang tao sa akin. Na may natural beauty nga raw ako. “S-salamat po,” sagot ko lang dahil alangan namang sabihin ko iyon sa kaniya. Isipin pa niya na nagbubuhat ako ng sariling bangko. Sandaling naghari ang katahimikan. Hanggang sa maalala ko ang paper bag na inilapag niya kanina sa ibabaw ng kama. “Ano po pala ang laman ng paper bag na iyan, Kuya? At saka para kanino?” magalang na tanong ko sa kaniya. “It’s for you. I bought you a dress. Nabanggit kasi sa akin ni Heaven na namroroblema ka raw ng damit na isusuot mo mamaya sa family dinner natin,” and he smiled at me genuinely. “H-ho? Ibinili n’yo ako ng damit?” Napakurap-kurap ako. Hindi ako makapaniwala na pagkakaabalahan niya ako ng oras. Ang isang mayor na kagaya niya, ang alam ko ay masiyadong busy. Mali lang ba ako ng akala kanina? Na ayaw niya sa ideyang nandito ako at ituturing na parang pamilya na rin nila? Dahil sa ipinakita niyang ito, mukhang mabait din siya tulad ng Daddy niya. Tumango si Kuya Dux. “Hmmm. Pasensiya ka na kung iyan lang muna ang nabili ko for you. Hindi pa kasi ako sure sa sizes mo. Bukas na lang tayo mag-shopping kapag nakapagpahinga na kayo ni Heaven.” “Pero hindi mo naman kailangan—” “But I insist,” maagap na sagot niya. “Kaya huwag ka nang tumanggi pa. Bukas na bukas din, mamimili tayo ng mga gamit n’yo. Minadali ko kayo sa pagsama rito kaya kasalanan ko kung hindi na kayo nakapagdala nang maraming gamit.” “Pero kahit na… Si Heaven na lang po ang isama n’yo. Sanay naman na ako na paulit-ulit lang ang isinusuot. Basta malinis lang.” Tinaasan niya ako ng dalawang kilay. “Sa tingin mo, papayag si Heaven na siya lang ang ipagsa-shopping ko?” Nakagat ko ang aking labi. Sabagay. Kilala ko ang kapatid naming iyon. Hindi iyon papayag na siya lang ang makakaranas ng maginhawang buhay. Napatango-tango na lang ako. “Sige po. Basta sigurado kayo na hindi magagalit ang girlfriend n’yo.” Ngingiti-ngiti na umiling si Kuya Dux. “Wala akong girlfriend. Pero fling, meron.” “Fling? Ano po ‘yon?” inosenteng tanong ko. Amused na napatingin siya sa akin. “Seriously? Hindi mo alam ang salitang ‘yon?” “Narinig ko na po. Sa mga kaklase at katrabaho ko dati. Pero hindi ko alam ang eksaktong ibig sabihin.” “Hmmm. Paano ko ba ipapaliwanag?” Kunwari na nag-isip siya sandali bago tumingin muli sa akin na nakangisi. “Let’s say, a short period of enjoyment. Kasi usually, s*xual relationship lang ‘yon na hindi seryoso at pangmatagalan.” Bahagyang umawang ang aking bibig nang maintindihan ko ang sinasabi ni Kuya Dux. “Babaero po kayo?” “Hindi pa lang ako handang pumasok sa isang seryosong relasyon,” nakangisi niyang sagot. Bigla akong napayuko. Bakit parang may kumurot sa puso ko sa ideyang iba’t ibang babae ang nauugnay sa kaniya? “Ah,” sabi ko na lang at tumango-tango pa. Nang makita ko ang aking reflection sa harap ng salamin, saka ko lang naalala na hindi pa pala ako nagbibihis. Bigla akong pinamulahan ng mukha nang mapasulyap sa akin si Kuya Dux. Tila nabasa niya ang tumatakbo sa isip ko. His eyes sexily looked at me. Uminit ang pisngi ko nang tumigil ang mga mata niya sa katawan ko. Parang gusto kong matunaw sa kahihiyan nang makita ko kung paano niya ako titigan. “Magbihis ka muna. And next time, iwasan mo na makipag-usap na ganiyan ang hitsura mo.” Pinaglandas niya ang dila mula sa kanang gilid ng mga labi patungong kanan. “Lalo na kapag lalaki ang kaharap mo.” Napipilan ako sandali. Iniisip ba niya na gawain ko ito? Kung alam lang niya, ito ang unang beses na humarap ako sa isang lalaki na ganito ang hitsura ko. Hindi na hinintay ni Kuya Dux na makasagot ako. Saglit lang niya akong tinapunan ng tingin bago siya tumalikod at naglakad palabas ng pinto. Samantalang hindi naman ako kumikilos muna hanggat’t hindi siya nawawala sa paningin ko. “Paki-lock na lang po ng pinto, Kuya,” pahabol ko bago pa man niya mahawakan ang doorknob. Kinabahan ako nang nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. “Ano nga uli ang pangalan mo at ilang taon ka na?” “Blessy po. At disiotso anyos na po ako.” “I’m just twenty-three years old. Puwede ba na huwag mo na akong i-‘po’ at tawagin na Kuya? Nakakarindi kasi.” Tumiim ang titig niya sa akin. “Ang sabi mo nga, hindi pa naman ako kasing tanda tingnan ni Daddy. At baby face naman ako.” Napatingin ako sa kaniya. Napakabata pa nga niya. Kahit sino, hindi maniniwalang siya ang mayor sa bayang ito sa Bulacan. “I-iyon po kasi ang gusto ng Daddy n’yo. Tawagin daw kitang kuya at magturingan tayo na magkapatid.” “Ikaw? Kapatid ko?” Natatawang bulalas ni Kuya Dux sabay tingin sa akin nang matiim. “Puwede naman tayong maging pamilya sa ibang paraan. So, stop calling me ‘Kuya’. Lalo na kung tayong dalawa lang naman. At iyang pag-po-po mo sa akin. Para akong old man, eh,” reklamo pa niya. “Sorry po. Pero hindi ko iyon magagawa. Mas matanda rin po kayo sa akin kaya dapat lang na igalang ko kayo.” Tumaas ang sulok ng mga labi ni Kuya Dux. Medyo naapasimangot siya. Pero hindi na siya nagsalitang muli bago niya ako tuluyang tinalikuran. Napabuntong-hininga na lang ako nang makalabas siya at isinara niya ang pinto. Paano ko siya ituturing na kapatid katulad ng gusto ng Daddy niya kung ayaw naman niya na tawagin ko siyang ‘kuya’? “Bahala na! Susundin ko pa rin ang alam kong tama. At iyon ay ang magpakita ng paggalang sa mga taong nakakatanda sa akin,” kausap ko sa aking sarili bago ko binuksan ang paper bag na dala ni Kuya Dux kanina. Nahiwagaan na naman ako sa biglang kilig na naramdaman ko nang makita ko kung gaano kaganda ang dress na ibinili niya para sa akin. Hindi ako mahilig sa materyal na bagay. Lalo na kapag galing sa mga lalaki. Ibinabalik ko nga kapag nakakatanggap ako ng ano mang regalo mula sa mga manliligaw ko. Pero itong dress na galing kay Kuya Dux… Ewan ko ba. Hindi na ako nagdalawang isip na suotin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD