DUX “SERIOUSLY, bro? Hindi ka pa rin nakakapagtapat kay Blessy hanggang ngayon?” Natatawa na umiling si Meluard matapos kong sagutin ang tanong niya kung nagtapat na ba ako kay Blessy. “Hindi kaya bumabagal ka na?” “Oo nga naman,” natatawang sabat naman ni Asher bago siya tumungga sa baso na may lamang alak. Nandito kami ngayon sa isang bar sa Quezon City. Nagyaya kasi silang dalawa na mag-hang out daw. Nami-miss na raw nila ang mga gimik namin noong college pa kami. Ang totoo niyan, apat kaming magkakaibigan since college. Ang isa, si Fritz Camacho. Pero nasa abroad na siya ngayon. Working as nurse. “At kailan pa naging torpe ang Yorme Dux na kilala namin?” pambubuska pa sa akin ni Asher. Tumigil ako sa pagsalin ng alak sa baso ko at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. “Tigi