CHAPTER 5

1501 Words
BLESSY HININGAL ako nang makarating sa aking silid. Agad kong isinara ang pinto at sumandal sa likod nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kanina sa shower room ni Kuya Dux. Kung hindi agad ako nakatakbo, siguradong nahimatay na ako. Parang binabayo sa kaba ang loob ng dibdib ko. Hiyang-hiya talaga ako. Pero ang mas inaalala ko, nakita niya ako. “Lagot ako nito. Siguradong magagalit siya sa akin dahil iisipin niya na nanilip ako,” ninenerbiyos na kausap ko sa aking sarili. “Pero kung hindi man, ano pa ang mukhang ihaharap ko sa kaniya kapag nagkita kami uli? Forever na ba akong maiilang kapag magkaharap kami?” Mayamaya ay bigla akong nataranta nang bulabugin ako ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng pinto na sinasandalan ko. Halos lumuwa ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Kuya Dux. “Blessy, open the door. Kailangan nating mag-usap.” Parang hindi naman galit ang boses niya. Mahinahon nga. Gayon man ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko—kung pagbubuksan ko ba siya o hindi. Dahil ano naman ang pag-uusapan namin maliban sa nakita ko kanina? At ano ang sasabihin ko kapag nagkataon? Wala namang magbabago kahit sabihin ko ang totoo na kaya lang naman ako sumugod doon dahil sa pag-aalala. Nahuli ko pa rin ang ginagawa niya at nakit ko ang birdie niya… “Blessy, kapag hindi mo binuksan ito, mapipilitan akong gamitin ang master key,” tawag ulit ni Kuya Dux. Hindi kasi ako sumasagot. Hindi ko rin siya pinagbubuksan. Lalong nabalot ng kaba ang puso ko nang marinig ko ang banta niya. Pilit kong nilabanan ang nerbiyos at dali-dali na umalis sa pinto para buksan ito. Ngunit lalo lang nadagdagan ang kaba ko nang bumungad sa akin ang basang imahe ni Kuya Dux na nakatapis lang ng tuwalya. Mabilis pa sa alas kuwatro na tumalikod ako para iwasan ang mapang-akit niyang katawan. At para itago na rin sa kaniya ang pamumula ng aking mukha. Bigla na lang kasi bumalik sa isip ko ang mga nakita ko kanina, “A-ano po ang kailangan n’yo, Kuya?” nauutal na tanong ko habang hindi ko pa rin magawang humarap sa kaniya. “Tungkol sa nakita mo kanina.” Ramdam ko ang panlalamig ng aking mga kamay na pinagsalikop ko ang mga ito. “P-pasensiya na po kayo. Nag-alala lang kasi ako na baka may nangyaring masama sa inyo kaya pumasok ako sa silid ninyo. Hindi ko naman po alam na naliligo pala kayo,” sunod-sunod na paliwanag ko. “S-sorry po uli.” “It’s okay. Apology accepted,” narinig ko na sagot ni Kuya Dux bago ko siya naramdaman na dahan-dahang lumalapit sa akin. Mabilis naman akong umatras papasok pa sa loob bago pa man siya makalapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit para akong napaso. My heart skipped a beat. Kinagat ko ang aking labi bago nagsalita uli. “T-thank you, Kuya. Promise po, hindi na mauulit.” “Pero mas ma-a-appreciate ko ang sorry at thank you mo kung sasabihin mo ang mga iyon nang nakaharap sa akin.” Hindi ko man nakikita, malakas ang kutob ko na nakangisi si Kuya Dux sa mga oras na ito. “Mas madali kong isipin na hindi iyon nangyari.” Kahit papaano ay nabawasan ang takot ko na baka magalit siya sa akin dahil sa kabaitan na nababakas ko sa boses niya. Dahan-dahan naman akong humarap sa kaniya. “Sorry po at salamat uli, Kuya…” medyo nahihiya pa na sabi ko uli. “That’s better.” Bakas ang amusement sa mukha na tumingin sa akin si Kuya Dux. Ang buong akala ko, aalis na agad siya pagkasabi niya niyon. Ngunit nahigit ko ang aking hininga nang tawirin niya ang natitirang espasyo sa pagitan naming dalawa, hanggang sa isang dangkal na lang ang natitira na layo namin sa isa’t isa. Lalo lamang bumilis ang tib*k ng aking puso. “K-Kuya…” sambit ko na lang dahil parang bigla kong nalunok ang aking dila habang magkalapat ang aming mga mata. Naisip ko agad na umatras pero mas mabilis na kumilos ang kamay niya at hinapit niya ako sa baywang. I felt paralyzed for a moment. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo, kasabay ng paghinto rin ng pintig ng puso ko. Nakabuka ang aking bibig pero wala naman akong nasabi maliban sa salubungin ang mapupungay niyang mga mata na titig na titig sa akin. Sinubukan ko siyang itulak nang mahimasmasan ako. Pero lalo lamang humigpit ang pagkakapulupot ng kaniyang braso sa aking baywang. Napalunok ako nang mapansin ko ang pagbaba ng tingin ni Kuya Dux sa nakaawang kong mga labi. “K-Kuya, puwede mo na po ba akong bitawan? N-nahihirapan kasi akong huminga,” pagdadahilan ko. Sinubukan kong itukod muli ang aking kamay sa matipunong dibdib niya upang itulak siya. Pero itinulak pa niya ako pasandal sa pader. Naubusan yata ako ng hangin nang ikulong niya ako sa kaniyang mga bisig nang itukod niya ang kaniyang mga kamay sa pader na sinasandalan ko. Hanggang sa mga oras na ito ay wala pa rin akong nakuhang sagot mula kay Kuya Dux. Gayon man ay sapat na ang maiinit niyang titig sa akin para maramdaman ko ang presensiya niya. “A-ano po ang ginagawa ninyo, Kuya?” natatarantang tanong ko nang bigla na lamang niyang hinawakan ang aking baba. “What do you think?” nakangising sagot niya. Nag-uulap ang kaniyang mga mata na tumingin sa akin. Itinaas pa niya ang kaniyang kamay at inalis sa pagkakatali ang aking buhok. “You’re beautiful. Pero mas maganda ka kapag nakalugay ang buhok mo,” bulong niya at walang pasabi na hinawi niya ang maitim at mahabang buhok ko na bahagyang tumabing sa mukha ko. Sinimulang haplusin ni Kuya Dux ang aking buhok. Hanggang sa bumaba ang kaniyang kamay sa aking balikat. Nag-umpisa na ring uminit ang nakatagong parte ng aking katawan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. I felt like being aroused. At ano itong init na bigla na lang gumapang sa buong katawan ko? Sigurado ako na hindi ito normal. Para akong lalagnatin na hindi naman. O baka naman dulot lang ito ng mainit niyang hininga na tumatama sa aking pisngi? Bakit ba kasi kailangang ilapit niya nang ganito ang mukha niya kung gusto lang naman niyang sabihin na mas maganda ako kapag nakalugay? Lalo tuloy akong kinabahan nang maisip ko na maaaring may balak si Kuya Dux na halikan ako. Hindi ako prepared. My gosh! Hindi pa ako nagto-toothbrush. “Tungkol nga pala sa nakita mo kanina sa loob ng shower room ko, Blessy… Ano ang masasabi mo?” Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng kuya ko. Mas kumabog pa ang dibdib ko. Akala ko ba hindi na niya iyon iisipin pa kapag nag-sorry at nag-thank you ako sa kaniya nang nakaharap? Napalunok ako nang mapatingin ako sa kaniya. Kapagkuwan ay napapikit ako. Ano nga ba ang masasabi ko bukod sa malaki ang… “Ate…” Natigilan ako nang tila marinig ko ang munting tinig na iyon ng aking kapatid. Parang niyuyugyog niya ang balikat ko. Hindi ko na sana iyon iintindihin. Pero narinig ko uli ang boses ni Heaven. “Ate…” Nalilito na tuloy ako. Bakit naman boses ng kapatid ko ang narinig ko? Wala naman siya dito sa silid ko. Nang imulat ko ang aking mga mata para tumingin kay kuya, napamulagat ako nang unang tumambad sa akin ang mukha ni Heaven. Kumunot ang aking noo dahil mukha ni Kuya Dux ang aking inaasahan. Paanong— “Mabuti naman po at gising ka na, ate. Kanina pa ako kinakabahan, eh.” Gising? Ibig sabihin, tulog ako kanina? Saka ko lang nalaman na totoo nga ang sinasabi ng aking kapatid nang mapabalikwas ako nang bangon, sabay tingin sa paligid. Nandito nga ako sa ibabaw kama niya at nandito kami sa loob ng kaniyang silid. Naguguluhan tuloy ako. Paano ako nakarating dito? Ang alam ko, sa kuwarto ko ako tumakbo pagkatapos kong kumaripas ng takbo palabas sa silid ng kuya namin. “Ano ba ang napanaginipan mo, ate? Bakit n’yo po tinatawag ang pangalan ni Kuya Dux?” Halos lumuwa na naman ang aking mga mata na nilingon ko si Heaven. “A-ano?!” Natapik ko ang aking noo nang maalala ko na hindi nga pala ako tumuloy sa kuwarto ni Kuya Dux para sabihin ang pag-go-good night ng aming kapatid. Nakasalubong ko kasi ang isa sa mga helper dito sa bahay. Nagpapahinga na raw si Kuya at ayaw nang magpaistorbo. Nang ibalik ko ang aking tingin kay Heaven, saka lang tuluyang nag-sink in sa akin ang lahat. Panaginip lang pala ang lahat ng iyon. Para akong nabunutan ng tinik na ibinagsak ko sa kama ang aking katawan. Bigla na lang naglaho ang kaba na pumupuno sa dibdib ko kanina. Ang saya-saya ko. Thanks, God! Mabuti naman… Akala ko talaga habang buhay na akong maiilang na humarap kay Kuya Dux nang dahil sa nakita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD